Iniiyak ko na nga ang lahat nun sakanya habang yakap nya ako. Magaan ang loob ko sakanya kaya lahat ay sinabi ko sakanya. Nagkwento rin sya nun tungkol sa break up nila ng ex nya. Third party ang dahilan. Kawawa naman pala sya. Sa dalawang taon nilang relasyong yun ay puro panloloko lang pala ang ginawa ng ex nyang si Mich. Nung nakalma ko na yung sarili ko sa pag-iyak ay bumyahe na ulit kami. Sinabi ko naman ang address ng bahay namin at ngayon nga ay nasa tapat na ko ng gate namin.
"Salamat ha? Pasensya narin kung di agad ako nagtiwala sayo kanina. Ingat nalang. Sana magkita pa tayo." Sabi ko sakanya.
"Wala yun. So, friends?" Saka nya inilahad yung kamay nya.
"Friends." Inabot ko naman ito at nagtawanan kami.
Nagpaalam naman na sya nun dahil pasado alas-onse na kami nakarating sa bahay. Pagpasok ko ay inasahan ko na ang mangyayari.
"Bakit ngayon kalang? Uwi ba yan nang matinong babae ha? My God Nicole. Hanggang kelan mo ba kami papahirapan ng Daddy mo?" Sermon ni Mommy.
"Hayaan mo na ang anak mo. Bukas nalang kayo mag-usap. Sige na anak, magpahinga kana." Sabi ni Daddy.
Buti pa si Daddy lagi akong inuunawa kaya love ko yan eh. Pagdating ko sa kwarto ay nakahiga sa kama ko ang kaisa-isa kong kapatid na si Irish. Siraulo talaga to. Akala nya siguro di ako uuwi kaya dito natulog.
"Irish, usog. Matutulog na ko." Tulak ko naman sakanya.
"Hmm. Kala ko di ka uuwi ate." Sabi nya naman at pagtapos nun ay nakatulog na ulit sya. Humiga na nga ko nun at naalala ko yung mga nangyari kanina. Tadhana na siguro na nagkakilala kami kanina ni William, pareho kami ng kapalaran sa pag-ibig. Maaga ako nagising kinabukasan para pumasok sa eskwelahan. Na-stop ako ng 1year kaya 4th year college palang ako na kumukuha ng BS Accountancy. Pagbungad ko palang sa gate ng school ay bumungad na sakin ang malakas na bunganga ni Rea, ang bff ko.
"Bff!" Sigaw nya habang papalapit sakin. Basag na naman eardrums ko nito.
"Bff naman. Aga-aga oh. Pakihinaan naman volume mo." Reklamo ko.
"Okay. BFF. yan pwede naba?" Sinabi nya naman nang pabulong. Natawa naman ako haha lokaret talaga to. May 30minutes pa naman bago ang klase namin kaya tumambay muna kami sa quadrangle ng school. Magkaiba kasi kami ng course. Educ ang course nito ni Rea.
"Oh sige ituloy mo na yung sasabihin mo kanina. Tayo lang dito sa quadrangle pwede kang magsisigaw." Pang-aasar ko naman sakanya.
Ngumuso naman sya nun haha."May bago daw transferee dito kaso Criminology ang course. 4th year din. Buti nga pinayagan pa syang lumipat kahit graduating na eh. Galing daw St.Martin." chismis nya. Haha.
"Wow bff. Bilib na ko sa signal nang wifi nyo. Abot hanggang St.Martin hahaha." Hinampas nya naman ako nun sa braso saka sumimangot.
"Gaga. Sinabi lang sakin ni Kiko (bf ni Rea) mahluvs kahapon, tropa kasi ni Yohan (bespren ni Kiko) yung bagong transferee" paliwanag nya. Buti pa nga tong si Bff at Kiko ang tagal na pero going stronger parin kahit parehong busy sa studies. Ang Bf ni Rea na si Kiko ay BS Pharmacy naman sa school namin.
"Ahhh." Sabi ko habang nagffacebook sa phone ko.
"Anong Ahh?! Sumama ka samin mamayang lunch, ipapakilala ka namin dun. Single din kasi yun balita ko para naman di ka na magmukmok dyan sa hinayupak na ex mong yan." Since bff ko sya, updated sya sa mga pangyayari sa buhay ko.
"Bff naman!" Tanggi ko.
"Wala. Hindi pwedeng tumanggi. See you sa Cafeteria mamaya!" At iniwan nya na nga ko nun sa quadrangle mag-isa. Pumasok na nga ko nun sa klase at dahil first day of school year ay orientation lang ulit ng mga bagong prof kaya maaga natapos ang klase. Nag-aayos ako nang gamit nun nang mag-vibrate ang phone ko. Si Rea, tumatawag. Tsk
"Ano?!" Sagot ko.
"Cafeteria. Now na. Asap." Sabi nya sabay baba ng phone. Loka talaga to. Pumunta na nga ko nun sa Cafeteria at naabutan ang mag-jowang Rea at Kiko na naghaharutan. Aaminin ko. Nakakabitter haha. Buti nalang andun si Yohan na bespren ni Kiko na medyo silahis.
"Ano na naman bang masamang balak nyo?" Pagloloko ko sakanila
"Ayy. Andyan kana pala Bff. Upo ka dali. Yohan dito ka, yaan mo na si Nicole dyan." Utos nya kay Yohan. Nagtaka naman ako.
"Bakit? Tatlo na kayo dyan tapos ako lang mag-isa dito? Wala akong katabi." Reklamo ko.
"Oh ayan na pala si Will eh. Tara pre upo ka dito." Sabi ni Kiko sabay turo sa tabi ko. Hindi ako lumingon pero parang kinabahan ako. Naramdaman ko namang umupo na yung Will sa tabi ko pero di ko aya tinitingnan, nakaharap lang ako kila Rea na noon ay nakangisi. Nakayuko ako nun kaya natatakpan ng bangs ko ang mukha ko. Bale ganto yung upuan namin sa table.
Rea,kiko,yohan
TABLE
Ako, willGets nyo? Haha.
"Will, si Kiko, classmate ko tas eto si Rea, gf nya, educ yan at yung katabi mo naman si Nicole, accountancy yan." Pakilala samin ni Yohan. Nakipagkamay naman si Will nun at nung sakin na sya makikipagkamay ay kailangan kong humarap sakanya at laking gulat ko nang makita ko kung sino si Will.
"WILLIAM?!"
"IKAW?!"
Nagkasabay naming sabi.
BINABASA MO ANG
THE COINCIDENCE LOVERS
RomanceWhen the broken hearted girl met the broken hearted boy. The coincidence that will lead them to the way called Love. My very first story. Hopia like it guys. Please vote and comment. Super thanks ^_^ -Pinkpiano143-