WILLIAM'S POV
Pagkauwi ko galing kina Nicole ay agad akong dumiretso sa bahay.
"Ma." Kiniss ko si Mama sa cheeks.
"Anak, kala ko 8pm kapa makakauwi?" Tanong nya habang naglalakad kami papunta sa sala. Maraming nakakalat na gamit dahil inuunti-unti na namin ang paglilipat sa bago naming bahay kung saan magiging kapitbahay ko rin si Nicole. Ugh. Lahat nalang nang nangyayari sa paligid ko related sakanya. Sobrang weird.
"Maaga po ang dismissal dahil first day palang po. Nasaan po si Paula?" Tanong ko kay Mama. Si Paula ang bunso at nag-iisa kong kapatid. 14years old lang sya at kasalukuyang nasa Grade 8.
"Gumagawa ng project sa taas. Magpahinga ka muna. Malapit nang maluto yung ulam." Sabi ni Mama. Habang nagpapahinga ay naalala ko na kailangan ko palang makuha yung number ng isa kong Prof dahil may itatanong ako para sa pinapagawa nyang seat plan sakin na kailangan nang ipasa bukas. Tinawagan ko naman nun si Yohan.
"Hello Pre. May number kaba ni Sir Fulgozo? Need ko lang. Nakalimutan kong hingin sakanya kanina eh." Tanong ko.
"Nako Pre. Wala eh. Walang nangangahas na kunin yung number nun. Sa sungit ba naman nun, lahat ilag sakanya pati ibang Prof sa school natin haha." Sagot naman ni Yohan.
"Ha? Hindi naman sya ganun sakin kanina nung kinausap nya ko kanina. Mabait sya, actually binigyan nya pa nga ko ng Donut kanina." Paliwanag ko.
"Wow tol. Iba na yan haha. Baka Type ka hahaha. Try mo itanong kay Nicole. Alam ko Prof nya yun ngayon sa Accounting Tech nila. Forward ko nalang yung number ni Nicole. Sige Tol, nagji-gym pa ko eh." Paalam ni Yohan.
"Ganun? Wag na. May number nya na ko. Hehe.
Mambibiktima kana naman ng mga bata dyan. Umayos ka pre. Phidophile ka. Haha." Bago pa man sya makaangal ay binaba ko na yung tawag. Silahis si Yohan at alam ko namang kaya nagji-gym yun dahil sa mga gwapong instructor dun Haha. Magkababata rin kami kaya close ko talaga yun. Maya-maya pa ay may nagtext sakin."Sabi na nga ba eh. Crush mo si Nicole noh? Bilis mo rin Brad ah. Nakuha mo agad number nya? KakaiBae haha. Pakyu ka, di ako phidophile." Ganyan yung text nya haha. Hindi ko na sya nireplayan dahil alam kong mang-aasar lang sya. Crush ko si Nicole? Uhm di ko masabi. Infatuation lang siguro to. Nakakatuwa lang sya pag nagba-blush.
Amini na kasi William. You like her.
Pagkatapos kumain ay naligo ako at nagsimulang gawin ang seat plan. Nahihiya akong tawagan sya pero kailangan ko kasi para matapos na tong seat plan. Hinanap ko naman yung number ni Nicole at saka pinindot ang Call Button. Naka-tatlong ring lang nang sumagot sya.
"Hello? Who's this?" Para namang nawalan ajo nang boses nun at di agad ako nakasagot. F*ck William! Anong nangyayari sayo?! Si Nicole lang yan.
"Uhh, si Will to. Si Nicole ba to?" Pagmamaang-maangan ko. Sa wakas nakapagsalita din ako.
"Oh Will. Napatawag ka? Yeah. Si Nicole to." Masigla nyang sagot.
"Uhh, tatanong ko lang kung may number ka ni Sir Fulgozo. Nakalimutan ko kasing hingin kanina." Sabi ko.
"Sige foforward ko nalang." Sabi nya.
"Sige salamat. Hintayin ko nalang." Pagkasabi ko nun ay hinintay ko nalang na sya ang magbaba ng phone pero hindi nya pa binababa.
Isang nakakabasag na katahimikan ang bumalot saaming dalawa, tila pinapakinggan lang namin ang paghinga namin.
BINABASA MO ANG
THE COINCIDENCE LOVERS
RomanceWhen the broken hearted girl met the broken hearted boy. The coincidence that will lead them to the way called Love. My very first story. Hopia like it guys. Please vote and comment. Super thanks ^_^ -Pinkpiano143-