"SET-UP"

6 1 0
                                    

Maaga ako pumasok dahil di rin naman ako nakatulog nang maayos. Sigurado , bukod sa may black eye ako,may eyebag pa ko ngayon. Sana lang hindi sila matakot sakin pag nakita nila ako. Dumiretso ako sa tambayan namin sa Quadrangle at wala pa sila dun. Umupo ako sa damuhan saka nagsulat.

Oplan Move On:

1) Itapon lahat nang makapag-papaalala sakanya.
2) Wag babanggitin ang pangalan nya.
3) Wag syang iisipin.
4) Kalimutan lahat ng memories related sakanya.
5) Ibaon sya sa lupa este sa limot.

SIGNED BY: WILLIAM GONZALES _________________
SIGNED BY: NICOLE GABRIEL ___________________
DATE: JUNE 3,2015

Tinupi ko naman yung papelna pinagsulatan ko nun. Mamaya ibibigay ko to kay Nicole. Maya-maya pa ay dumating sila Rea,Kiko at Yohan. Wala pa yata si Nicole?

"Wow tol, aga natin ah. Ano meron? Oh? Anyare? Bakit may black eye ka?" Tanong ni Yohan.

Hindi ko na nasagot si Yohan dahil biglang umentra si Rea.

"Ayy nako bakla, wala ka kasi kahapon eh edi sana nakita mong ipagtanggol nitong ni Wil si Nicole. Pang-teleserye lang ang peg. Nagkaharap sila pati yung mga ex nila which are lovers na ngayon. Talo pa yung taping sa pelikula." Paliwanag ni Rea na parang kinikilig pa. Saltik talaga.

"Ayy sayang nga noh. Kinabog pa ang KathNiel at JaDine hahaha." Pang-aasar ni Yohan, nagtawanan naman silang tatlo nun. Napailing nalang ako. Teka, magta-time na pero wala pa si Nicole. Papasok kaya sya?

NICOLE'S POV

Shocks. Sobrang sakit ng ulo ko plus sobrang init ko. Di ko kayang pumasok

*tok tok*

"Pasok po." Sagot ko.

"Hindi kaba papasok? Male-late kana." Sabi ni Mommy.

"Masama po pakiramdam ko, parang may trangkaso po ko." Sagot ko. Lumapit naman si Mommy sakin nun saka hinawakan yung noo ko.

"Oo nga ano. Sige magpahinga kana dyan, dadalhan nalang kita ng pagkain at gamot sandali lang." Saka lumabas si Mommy. Kahit naman istrikta si Mommy, maalaga naman sya samin kaya thankful padin ako. Nagtext nalang ako kay sa mga Prof na di ako makakapasok pati kay Rea.

"Hala pagaling ka Bff. Try naming dumalaw dyan mamaya. Ingat. :*" reply ni Rea. Nagpahinga nga lang ako at nung medyo naboring ako ay nagkalkal ako sa cabinet ko. Dun nakatago lahat ng binigay sakin ni Jomer. Stuff toys, letters, pictures namin, box na pinaglagyan ng chocolates at yung couple shirt namin. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na nagkahiwalay kami nang ganun lang. Siomai. Eto na naman yung mga luha ko tsk. Nilagay ko yung mga yun sa isang plastic pero habang nilalagay ko yun ay may nahulog na isang sulat. Yung sulat nya nung 1st anniversary namin.

Hi Wifey,

Happy 1st anniversary. Sana nagustuhan mo yung teddy bear at chocolates na binigay ko sayo. Sana patuloy kalang sa pagtatyaga sakin, ganun din naman ako sayo. Sorry for being immature sometimes. I love you very much. Ikaw lang, promise.

Your Hubby,
JOMER

Napansin ko nalang na nabasa na pala ng luha yung papel na hawak ko. Kung maibabalik ko lang sana yung dati, yung masaya kami ni Jomer kahit patago lang yung relasyon namin, yung wala kaming inaalalang iba, sila Mommy lang dahil legal naman kami sa family ni Jomer. Plano ko na sanang ipakilala si Jomer kila Mommy pagkatapos ng 3rd anniversary namin pero hindi na natuloy dahil iniwan nya na ko, mas pinili nya si Mich. Nilagay ko narin yung sulat na yun sa sako saka nilagay sa trash can sa kwarto. Tama si Wil. I have to moved on at magtutulungan kami para magawa namin yun. Bandang alas-dos ng hapon ay bumaba ako sa sala at nanuod ng TV. Medyo ok na ko.

"Irish, asan sila Mommy?" Tanong ko sa kapatid ko na nanunuod din ngayon.

"Meeting sa office." Maikli nyang sagot habang busy parin sa panunuod ng Anime. Tsk Otaku talaga tong batang to. (Otaku- addicted to Anime)

Nakinuod nalang ako nang biglang may nag-door bell. Lumabas naman ako nun para tingnan kung sino yun.

"Ohh Wil? Napadaan ka? Bakit?" Tanong ko.

"Uhh, dadalawin ka. Andyan na ba sila Rea? Sabi kasi nila mauuna na silang pumunta dito para madalaw ka kasi may pinagawa pa sakin si Mr. Fulgozo kanina kaya pinauna ko na sila." Paliwanag nya.

"Wala pa sila. Halika, pumasok ka muna. Pasensya kana medyo makalat. Andito kasi yung kapatid ko eh." Sabi ko habang papasok kami nang bahay.

"Ayos lang. Okay kana ba? Pasensya na sa abala. Ito pala oh, prutas para mapabilis yung paggaling mo." Sabi nya sabay abot ng prutas.

Nako nag- abala kapa Wil.Simpleng trangkaso lang naman to. Baka lalo kong mahulog nyan sayo. Tsk.

" nako, salamat ha. Tara, upo ka muna dyan. Kukuha lang ako ng makakain natin. Nga pala, Wil, si Irish, younger sister ko. Irish, si Kuya wil mo, new friend and schoolmate ko." Pakilala ko. Saka palang nun lumingon samin si Irish.

"Kuya Wil?"

"Irish!"

Ano to? Coincidence na naman? Bilib na talaga ko kay Mareng tadhana.

"Magkakilala kayo?!" Tanong ko.

"Yup. Classmate sya ng kapatid ko. Minsan, tumatambay sya sa bahay kaya ko sya nakilala." Paliwanag ni Wil.

"Oo ate, next month magiging kapitbahay na natin sila pag umalis na dyan sila Mrs. Domingo haha." Paliwanag ni Irish. Lokaret to. Hindi ko namalayan nakalapit na pala sya samin. Ano daw? Magiging kapitbahay?

#abamatinde #kakaibae #boompanes #tadhanaoverload

"Ohh? Talaga? Grabe. Parang gusto ko nang maniwala sa tadhana hehe." Pagbibiro ko.

"Tadhana na talaga ang magkasdfgjklkhv tayo.." sabi ni Wil. Ano daw? Hindi ko ganong narinig yung dulo. Ang lakas naman kasi ng volume ng Tv ni Irish. Putakte!

"Ahh hehe sige maupo ka muna dun sa sofa, tatawagan ko lang sila Rea." Sumunod naman nun si Wil at pumuntang sala. Tinawagan ko nga si Rea nun.

"Oh?" Ang sweet nya talaga sumagot. Sarap ibalot sa candy wrapper -.-

" asan na kayo? Andito na si Wil." Sabi ko.

"Ayy bff, di pala kami makakapunta kasi nagtext yung Mom ni Kiko na pumunta kami ngayon sakanila, may pag-uusapan daw hehe. Enjoy nalang bff hihi."

*toot toot*

Arggh! Sabi na nga ba eh. May maitim na balak tong lovebirds na to tsk. Sa tono palang ng boses ni Rea, alam kong nagdadahilan lang sya. Walanjo! Pauwiin ko na kaya si Wil? Lalo kong lalagnatin pag nakasama ko to ngayon kasi nga feeling ko attracted na ko dito eh. Hays.

Bastusing bata lang? Papaalisin ang bisita dahil attracted ka sakanya? Pabebe kapa? Moment nyo na yan.

Oo nga naman. Bahala na. Andito naman si Irish eh, sigurado naman dadaldalin nya si Wil dahil kilala nya naman yun. Tama. Chill kalang Nicole. Naghanda na nga ko nun ng cookies at choco shake. Nakita ko namang si Wil lang ang nakaupo sa sofa.

"Wil, meryenda ka muna. Asan si Irish?" Tanong ko.

"May group practice daw sila sa school. Hindi ba nagpaalam?" Tanong ni Wil.

Tatanungin ko ba kung nagpaalam? Aish.

Putspa! Naset-up nga kami ni Wil. Tsk. Humanda kayo sakin mamaya.

"Hindi eh. Yaan mo na. Kumain na tayo." Pag-aaya ko.

---------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry po for the short update. Medyo busy lang. Salamat sa nagbabasa nito kung meron man haha. Pipilitin ko pong makapag-update pag may free time. Pasensya na po. Again, on-going po ito at hopefully, matapos ko to agad bago mag end ang September. Love you guys ^_^

-Pinkpiano143-

THE COINCIDENCE LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon