"OO GUSTO KO SIYA"

16 1 0
                                    

Danilo? Gusto kong tumawa kaso maooffend sya. Naalala ko naman na pangalan ng Lolo ko ay Danilo. Meaning, pang-matanda na yung name nya. Pagkatapos naming mag-usap ay sabay na kaming pumasok sa school.

"So, you're an Accountancy student right?" Tanong nya. Hindi na ko magtataka dahil ang uniporme namin sa school na to ang nagpapakilala kung anong course namin.

"Yeah and you're an HRM student?" Balik ko namang tanong sakanya saka kami nagtawanan. Okay naman pala sya. Foreigner nga ang lolo mo kaya medyo dumugo yung ilong ko habang nagkukwentuhan kami pero marunong naman sya umintindi at magtagalog kahit konti.

"Where are you going? Sa quadrangle yang way na yan." Tanong nya.

"Magkikita kami ng mga friends ko. Sige, bye." Paalam ko naman.

"Wait. Can I invite you to a friendly date at Starbucks near here? After class hours? Please? Pambawi ko narin sa kasalanan ko sayow." Nakakatawa sya pag nagtatagalog. Wala naman kaming lakad nila Rea kaya pumayag na ko. Mahirap tumanggi sa gwapong nilalang na to at sa libre. Yun talaga yun eh haha.

"Sure." Para naman syang bata nun na nagtatalon saka masayang umalis. Pagdating ko sa tambayan, ganto yung mga mukha nila.

Rea-- (-.-)" Kiko-- (".") Yohan-- (-__-) Wil-- (^_^)

Mukhang si Wil lang ang nakangiti. Ooops. Paktay.

"Bakit ngayon lang ako? Diba kailangan alas-syete andito na ko? Hindi ko ba alam na kanina nyo pa gustong kumain pero di nyo magawa dahil wala pa ko? Kahit kelan talaga ako ang pasaway sa barkada. Dahil dyan manlilibre ako bukas." Inunahan ko na yung sermon nila. Tutal kabisado ko na naman psh. Bigla namang nagliwanag yung mga mukha nila nun.

"Yun naman pala eh. Oh tara na kain na tayo. Dali." Excited na sabi ni Yohan. Hahaha. Mga siraulo talaga to. Masaya ko naging kaibigan ko sila.

"Wil, bakit ka pala nagmisscall kagabi? Sensya di ako nakapagtext na nakatulog na ko kasi wala akong load." Paliwanag ko.

Sa totoo lang nakalimutan lang kitang replayan dahil sa secret admirer ko.

"Ahh. Gusto ko lang icheck ka kung okay kana. :)" sabi nya. Parang na-guilty naman ako bigla tsk.

"Guys! Gala tayo mamaya." Sigaw ni Rea.

"Sige. Sakto wala akong lakad." Sabi ni Yohan.

"Ako din wala." Sagot ni Wil. Tumingin sila lahat sakin. Alam ko na.

"Pass muna ko guys. M.may lakad ako mamaya eh. Sorry." Nag-peace sign naman ako nun.

"Himala yata Bff. Ngayon kalang tumanggi sa lakad ng barkada. Ano meron?" Nagtatakang tanong ni Rea.

"Uhmm lunch with uhh new friend?" Sagot ko.

"Girl or boy?" Tanong ni Yohan.

"Uhh. B.boy." nahihiya kong sabi.

"Whoah. Okay okay naiintindihan namin. Im happy for you bff. Buti naman naisipan mong magmoved on na. Its okay. Diba guys?" Pagtatanong ni Rea sa kanila.

"Oo. Oo haha." Nag-appear naman nun si Kiko at Yohan. Pero si Wil, tahimik lang.

"Wil?" Tanong ni Rea.

"Uhh oo. Oo naman. Hehe." Sabay tingin sa malayo.

"Good. Kasi kailangan pag nagdesisyon ang barkada dapat lahat sang-ayon kung may hindi man sang-ayon, hindi pwedeng ituloy yung desisyon." Paliwanag ni Rea. Tumango lang naman nun si Wil. Pagkatapos naman ng usapang yun, pumasok na kami sa kanya-kanyang klase. Buti wala pa si Mr. Fulgozo. Umupo na ko sa upuan ko sa likod.

"Uyy Nicole, barkada nyo pala yung student galing St. Martin. Ang cute nun. Ano pangalan nya?" Si Liza, kaklase kong malakas din ang Wifi haha.

"Ahh oo. Si William." Sabi ko habang nilalabas yung homework ko.

"Kyaaah. Ampogi naman ng pangalan nya. Sige salamat Nics." Bumalik naman sya nun sa upuan nya. Mayamaya pa ay dumating na si Mr. Fulgozo. Nagsiayusan naman kami ng upo nun dahil sa takot sa pagmumukha ni Mr. Fulgozo.

"Pass your homeworks infront." Seryoso nyang sabi. Pagkarating sakanya ng mga homeworks ay hinawkan nya na yung mahiwagang index cards namin saka bumunot ng sasagot sa whiteboard. Jusmiyo. Pass muna ako ngayon please? Hindi ko sure yung sagot ko. Ayoko pa mamatay... sa kahihiyan Huhu

"Please answer number one. Ms. Jacinto, number two, Ms. Timbol and number three.... Ms. Gabriel." Kala ko naman ligtas na ko tsk. Pumunta na nga ko nun sa whiteboard at nagsagot. Chineck naman ni Sir yung sagot.

"The three answers are correct." Nakahinga naman ako nang maluwag nun. Salamat naman. Naglecture lang kami nun at dahil walang pasok bukas, nag-overtime si Mr. Fulgozo kaya naman nang idismiss nya ang klase ay nagmadali akong makapunta sa Starbucks malapit sa school. Papunta na ko sa parking lot nang may mabangga ako.

"sorry." Sabi nya habang ako naman ay pinupulot yung mga gamit ko.

"Ok lang." Sabi ko sabay harap sakanya. Si Wil pala.

"Nics? San ka pupunta?" Tanong nya.

"Starbucks. Sige ha late na ko eh. Ingat." Sabay pasok ko sa kotse.

Pinaharurot ko na nga yung kotse nun palabas ng parking dahil late na talaga ako sa usapan namin ni Danilo. Pagdating ko sa Starbucks ay nandoon na nga sya. Pumunta naman ako sa table kung saan sya nandun.

"Hey. I'm sorry. Nag-overtime kasi yung Prof ko sa Accounting eh." Sabi ko habang umuupo. Haggard much.

"It's okay. If you mind, what's the name of your professor in accounting?" Nagulat naman ako sa tanong nya. Bakit kaya?

"Mr. Romeo Fulgozo." Maikli kong sagot.

"I see. He's my Ninong/nang hehe." Sabi nya habang nakangiti. Ahh. Okay. Ninong slash ninang? Haha natawa naman ako dun. Umorder na nga sya nun. Libre nya kaya keri lang.

WILLIAM'S POV

Bakit ganun? Parang ang saya-saya ni Nicole habang kausap yung foreigner na yun? Tsk. Andito nga pala ako sa Starbucks kung saan nandito rin sila Nicole, medyo malayo nga lang yung upuan namin ni Yohan pero tanaw namin sila mula dito. Oo kasama ko si Yohan, alam na nga pala ng barkada na gusto ko si Nicole.

FLASHBACK...

"WIL!" Habol sakin ni Kiko at Rea, papunta na sana ako ng classroom namin nun.

"Bakit?" Pagtatanong ko.

"Pwede kaba naming makausap? Mamaya after class?" Sabi ni Rea. Tumango naman ako. Pagkatapos nga ng klase ay napag-usapan naming magkita sa tambayan. Pumunta muna kong parking lot para ilagay yung gamit ko sa kotse ko nang may mabangga akong babae.

"Sorry." Sabi ko habang sya naman ay busy sa pagpulot ng mga gamit nya. Tutulungan ko na sana sya nang tumayo sya saka humarap sakin. Nicole?!

"Ok lang." Laking gulat nya rin naman nung makita nya ako. Mukhang magmamadali sya.

"Nics, san ka pupunta?" Tanong ko.

"Starbucks. Sige ha late na ko eh. Ingat." Saka pumasok na sya sa kotse. May kotse pala syang sarili? Ngayon nya lang ginamit? Pinaharurot nya na nga nun yung kotse nya palabas ng parking lot, ako naman ay pumunta na sa tambayan. Buti nandun na si Kiko at Rea.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Casual kong tanong.

"Wil, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Gusto mo ba si Nicole?" Direct to the point na tanong ni Rea.

"Teka. Bakit nyo naman tinatanong yan? Joke ba to. Ilabas nyo na yung camera dali." Pagpapalusot ko.

"Pre. Lalaki din ako. Alam ko pag nagseselos ang isang lalaki. Aminin mo na. You like Nicole and you're jealous with her new friend. Bawal ang sikreto sa barkada." Si kiko na yung nagsalita. Nakalimang lunok muna ako bago ko sinagot yung tanong nila.

"Oo. Gusto ko siya."

THE COINCIDENCE LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon