"THE FACE OFF"

7 1 0
                                    

"W..will. B..bakit? Kilala mo ba yung lalaking nakatingin satin?" Tanong ko kay Wil habang naglalakad papalapit sa arcade.

"Just act Nicole please? Hindi ko kilala yung lalaki pero yung kasama nyang babae, si Mich yun." Paliwanag nya habang diretso parin kami sa paglakad. Ano? Si Mich? Ex nya? Teka, bakit magkasama si Jomer at Mich? Hay*p na Jomer to. Kala ko ba nakipagbreak sya dahil lang di nagwowork yung relationship namin? Eh ano to? Iniwan nya pala ko dahil kay Mich na ex naman ni Wil. Parehong-pareho kami nang nararamdaman ngayon ni Wil. Kailangan namin umarte pareho kesa kasuhan kami ng murder pagkatapos naming paslangin tong mga hinayupak na ex namin. Nakalapit na kami sakanila. Diretso na sana namin silang lalagpasan nang tawagin ni Mich si Wil.

"Wil! Hindi mo na ba agad ako nakikilala? Who is she? Bago mo?" Halatang nang-iinis lang tong si Mich. Napakamaldita! Mas lalong hinigpitan ni Wil yung hawak sa kamay ko saka nagsalita.

"Oo, sya ang girlfriend ko ngayon. Sya si Nicole. Mabait, hindi manloloko, hindi manggagamit, higit sa lahat,tanggap ako ng pamilya nya." Ngisi ni Wil. Nice one Wil. One point to Team WilCole.

"Teka Pre, bakit ganyan ka magsalita sa Girlfriend ko? Tinatanong nya lang naman kung bago mo yang kasama mo ah." Medyo tumaas yung boses ni Jomer nun. Putspa, parang gusto ko nang umiyak. Anong sabi nya? "Yang kasama mo?!" Yan? G*ago ka Jomer, may pangalan ako.

"I'm his ex and again, she is my girlfriend. Her name is Nicole. Ikaw sino kaba?" Maangas na tanong ni Wil.

"I'm Mich's b..boyfriend and ex ko rin yang kasama mo." Maangas na sagot ni Jomer.

"Well, sakto pala ang pagkakataon ngayon. You're Nicole's ex f*ckin boyfriend? Eto oh para sayo!" Sabi ni Wil sabay suntok sa mukha ni Jomer. Hala. Juicecolored nagsusuntukan na sila. Panay naman ang awat namin ni Mich sakanila pati yung mga guard.

"Will! Tama na. Tara na." Buti naman naawat ko na si Wil.

"Tara na Jomer. Were just wasting our time here with nonsense people." Akay ni Mich si Jomer na noon nga ay dumudugo yung gilid ng labi nya.

"Bye! Go to hell guys! Happy trip!" Pang-aasar pa ni Wil. Medyo dumudugo din yun labi nya at may konting black eye din sya.

"Guys! Anyare?" Aba. Kung kelan tapos na eksena saka dumating tong lovebirds na to tsk. Hindi ko muna pinansin si Rea. Kinaladkad ko naman nun si Wil papunta sa foodcourt.

"Wil sana hindi mo nalang pinatulan. Yan tuloy nasaktan kapa." Pagsesermon ko.

"Nicole, tama lang yun sakanya. Sa panggag*go nya sayo."

Concern ka ba talaga wil? O dahil sya ang boyfriend ng ex mo kaya mo rin sya sinuntok?

"Ayy nako Bff pasalamat nalang tayo kay Wil dahil nakaganti kana dun daw sa pesteng ex mo." Sermon naman sakin ni Rea.

"Tol, dyan lang kayo ni Nicole ha, bibili lang kami ng ice cream, betadine at bulak para magamot yung sugat mo saka lumamig ulo nyo HAha.Tara na MaKo." Paalam naman ni Kiko. Umalis na nga sila nun.

"Okay kalang?" Tanong ni Wil dahil tulala ako. Naalala ko yung kanina. Kaya naman pala sya nakipagbreak dahil may iba na sya. Sana sinabi nya nalang para di na ko umasa na magkakabalikan pa kami. Ngayon alam kong wala nang babalik at wala nang ibabalik. Tahimik lang ako na nagpipigil ng luha. Nagulat ako nung hatakin ako ni Wil at yakapin ako.

"Iyak na. Bilis." Para naman akong robot nun na pagkatapos nyang sabihin yun ay umiyak nga ako.

"Ang sakit *huk* lang kasi *huk* kailangan nya pang magsinungaling sakin. *huk* may iba lang naman pala sya *huk" choppy kong sabi.

"Sshh. Tahan na. May araw din yung mga yun. Ako rin naman nasaktan. Kailangan na nating magmove on Nicole." Paliwanag nya habang hinahaplos yung likod ko.

"Paano Wil?" Tanong ko.

"Magtulungan tayo." Saka nya ko iniharap sakanya.

Para namang nabunutan ako ng tinik nung sinabi ni William yun. Magtutulungan kami para makamove on. Tama. Ang galing talaga ni Wil. Maya-maya pa ay dumating na si Rea at Kiko na may dalang isang galon na ice cream, betadine at bulak. Habang kumakain kami ng ice cream ay ginamot ko yung sugat ni Wil.

"Inggit na ko sayo Bff. Ikaw na ang merong instant knight in shining armor haha." Pang-aasar ni Rea.

"Kahit naman si Kiko gagawin yun pag may nanakit sayo. Diba pre?" Sagot ni wil.

Teka? Bakit kinukumpara nya yung ginawa nya kay Kiko? Eh si Kiko naman girlfriend nya si Rea kaya dapat talagang ipagtanggol nya yun. Eh kami? Wala namang K-A-M-I diba? Sige, ako na ang assuming.

"Oo naman MaKo. Ikaw talaga, saka kaya walang nananakit sayo kasi takot sila sakin dahil kahit sino pa sila, ipagtatanggol kita sakanila." Sabi naman ni Kiko with matching pataas baba pa ng kilay tas labas ng dimples.

"Mako naman eh." Nag-blush si Rea. Tumawa naman kaming apat nun. Marami mang di nangyari ngayon, at the end of the day, uuwi parin kami nang masaya at magkakasama. Hinatid na nga ko nun ni Wil sa bahay. Almost 7pm narin kami nakauwi dahil napasabay kami sa rush hour.

"Bye wil. Uhh thank you kanina... sa pagtatangol sakin." Nahihiya kong sabi.

"Wala yun. Ganun talaga ko sa mga taong importante sakin. Salamat din sa paggamot nitong sugat ko saka sa pagsama sakin. I really enjoyed this. Uwi na ko. See you tomorrow. Goodnight." Sabi nya sabay kiss sa cheek ko.

"Uhh. S.sige. in..ngat." saka ako nagmadaling pumasok sa loob. Grabe. Ano ba to? Nagha-hyperventilate na ko. Para kong sasabog sa init ng mukha ko. Hinalikan nya ba talaga ko sa pisngi? Sinampal ko naman yung sarili ko saka ko naniwalang hindi panaginip yun. Gosh! I think I'm starting to fall for him.

WILLIAM'S POV

Pagkauwi ko ay walang tao sa bahay. May note sa lamesa.

Son,

Hindi kami makakauwi ni Paula ngayon. Kila Tita Rose mo kami matutulog. Ingat ka. Love you.

-mama-

Hindi na ko kumain dahil sobrang nabusog ako sa ice cream na binili ni Kiko at Rea kanina. Naligo nalang ako saka humiga sa kama. Grabe. Bakit ko nga ba sinapak yung ex na yun ni Nicole? Kasi sya yung bago ni Mich ngayon? Oo siguro 30% yun yung dahilan pero yung 70%, ang dahilan kasi sya yung ex ni Nicole. Ang siraulong nanakit sa taong importante sakin ngayon.

"Argh!" Sigaw ko saka nagtakukbong ng kumot. Sh*t! I think, I'm falling for Nicole.

THE COINCIDENCE LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon