"Wow! Congrats, Francis! Nasa Dean's List ka nanaman. Ang galing talaga ng boyfriend ko." Sabi ko kay Francis tapos niyakap ko sya. Nandito kasi kami ngayon sa may bulletin area sa St. Mare's, kakapost lang ng list of Dean's List. I noticed na tahimik lang sya kaya naman nakakapanibago.
"Is there a problem, Franz?" Tanong ko sa kanya tapos hinawakan ko yung pisngi nya. He looked straight to my eyes and said the most hurtful words na pwede kong marinig.
"I'm sorry. I didn't mean to." Sagot nya sakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"W-what do---" Napabitaw ako bigla sa pagkakahawak ko sa muka nya.
"It's Chels. Hindi ko naman sinasadya pero nahulog lang talaga ang loob ko sa kanya unexpectedly. Pero maniwa----"
"Chelsea? You mean, Chelsea Golveque?! She's what? She's your project adviser. Right?" He nodded. "W-wow! I didn't know that she's a pedophile." I said in disbelief while shaking my head.
"No, she's not. She's only nineteen. She just graduated early."
"But atleast.... Just at least, be decent. She's still your professor and you're breaking up with me just to be with her!?! Now that's bullshit!" Nahampas ko na lang ng malakas yung bulletin sa sobrang inis ko.
"I just fell for her. When it comes to love, you can never control it, Donna. Never."
"Did you even love me?" Pinipigilan ko yung luha ko, alam kong papatak sila anytime now. Hinawakan ni Francis yung kamay ko at tinignan ako.
"I loved you, Donna. I loved you. I tried to be loyal and faithful to you but I just can't help it. I love Chelsea now. But believe me, Donna. I loved you. Minahal kita ng totoo." Nakatingin pa din sya sa akin at hawak ang mga kamay ko. Kumawala ako mula sa pagkakahawak nya sa mga kamay ko at tumalikod.
"That's enough for me to hear. Thank you, Francis. Thank you sa isang taon." Tapos nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya but he said something that I will never forget.
"Sorry kung pinagpalit ko yung isang taon na pinagsamahan natin para kay Chelsea. Sinunod ko lang yung sinasabi ng puso ko. Ayoko kasing magsisi. Balang araw, gagawin mo din 'tong ginawa ko, Donna. Ipagpapalit mo ang isang mahalagang bagay sayo para sa kaligayahan mo."
"Sana maging masaya kayo." Pagkasabi ko nun, lumabas na ako sa bulletin area ng umiiyak. Walang tigil yung luha ko. Napahinto ako sa may hagdan malapit sa exit. Ayokong umuwi ng ganito. Ayokong makita ako ng kuya ko na ganito ako.
--
"Miss, okay ka lang?" May lalaking lumapit sa akin. Mukhang hindi sya taga dito sa St. Mare's.
"M-mukhang ba kong o-okay?" Sagot ko sa gitna ng pag-iyak ko. Inabutan nya ako ng panyo pero hindi ko yun kinuha. Tinignan ko lang sya. Pero nagulat ako sa ginawa nya.
"We're just a stranger to each other. I don't even know why are you crying but I hope that you would let me dry off and wipe your tears, take away your sadness and replace it with laughter." Sinabi nya yun habang hinahawi nya yung buhok ko na nakatakip sa muka ko at pinunasan nya ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Player (Completed)
Teen FictionLife is confusing. Different people will meddle with your personal life. Some will help, some will ruin you. Some will let you be happy, some will try to manipulate you. He's not your ordinary player. She maybe your ordinary girl, she maybe not. A r...