26

15.1K 99 3
                                    

"Donna oh, cupcake. Diba favorite mo 'to." Jon gave me a snowball cupcake as soon as I got out of the car. I gave the key to Johnny who was sitting at the corner.

"Thanks Jon. Baka naman tumaas na sugar ko nito ah." Kinuha ko yung cupcake at kinain ko. Inakbayan nya ko tapos sabay kaming naglakad papunta sa may silya.

"Di yan. Di naman araw-araw eh." Tapos naupo kami sa silya at inabutan nya ko ng bottled water.

"Oy! Nakakahalata na ko sayo, Jon ah. Ilang linggo ka nang ganyan. Ilan na nga ba? Tatlo o apat? Ah, pre mag-iisang buwan ka nang ganyan." Tinanggal ng Allan yung kamay ni Jon mula sa pagkakaakbay nya sakin.

"Ano namang masama? Magkaibigan naman kami ah!" Sagot ni Jon.

"There's nothing wrong except if the two of you were EX lovers." Johnny said emphasizing the word ex.

"English yun, Johnny! Hahaha! Anyway, may point naman si Ny. Ex lovers kayo. May Eli na si Donna. Sa tingin mo ba, maganda sa paningin ng ibang makakakita sa inyo yan?" Kumuha si Allan ng pagkain tsaka ng soda.

"Magkaibigan lang kami. Kapag ba ex-lovers bawal na maging magkaibigan? Hindi naman diba? Lalo na't sa pagiging magkaibigan naman kami nagsimula." Jon defended. Feeling ko nasa hot seat ako ngayon dahil sa biglang pagbabago ni Jon. Nung bumalik kami from Costa Rica, he's good. When he met Eli, naging masungit sya sakin. Ngayon naman, nagiging sweet and kind na sya sakin. Ano ba talaga Jonathan Moser?

"Ayun! Nadali mo din! Mga ganyang bagay, alam ko na yan eh. Madali ka pa din basahin, Jon." Sumagot si Allan. Si Johnny naman, lumabas kasi nagring yung phone nya.

"Yun ang akala mo, Allan." Nagsmirk si Jon tapos umakbay sakin.

"Hay nako kayong dalawa talaga. Dyan na nga kayo. Balik muna ko sa villa." Tinanggal ko yung kamay ni Jon sakin tapos tumayo ako at naglakad na ko palabas ng race area.

"Di ka ba magsasasakyan?" Tanong ni Jon.

"Nope. I wanna take a walk right now." Tumango lang yung dalawa kaya naglakad na ko palabas.

Nasa labas na ko ng race center ng CRA-Phil. nung bigla kong nakita si Allan. "Pano ka nakarating dito? Iniwan kita sa loob diba?" Nagshrug lang sya tapos sinabayan ako maglakad.

"Si Eli nanaman no?" Nilagay nya sa bulsa ng pantalon nya yung kamay nya.

Nagsigh ako. Wala namang masama kung magsasabi ako sa kanya since sa kanilang tatlo, I can say that he's more matured than the two. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari yun. Siguro nature na talaga nya yun o kaya baka ganun talaga sa pamilya nya. Nagsnap sya sa harap ko kaya natauhan ako bigla.

"Fine. Yes." He didn't talk. I think he's waiting for me to say the next line. "You know naman that we both agreed that he will visit me weekends. He didn't visit me last weekend and di pa sya nagtetext." Tumigil kami sa paglalakad tapos may kinuha sya sa bulsa nya. Cornick lang pala.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon