43

13.7K 108 9
                                    

Eli's POV

Pumasok ako sa unit ko nang nakangiti. Ewan ko, masaya talaga ko. Ngayon ko siguro masasabing masaya ako. Simula nung naging kami na ulit ni Donna, pakiramdam ko wala na kong dapat itago.

Tumunog yung intercom buzzer ko na connected sa front desk kaya sinagot ko. "Mr. Fernandez, may bisita po kayo. Si Mr. Ryle Santos po." Sabi nung babae sa intercom na medyo malandi yung tono ng pagsasalita nya sa'kin. Tsk.

Napa-smirk lang ako. "Osige, paakyatin mo na lang. Sakto. Kakadating ko lang, nagdate kami ng girlfriend ko eh." Sagot ko na lang. Narinig ko naman na parang naghiss yung babae kaya natawa ako. "Paakyatin mo na lang si Ryle." Natatawang sabi ko.

"O-okay po, sir." Tapos binaba ko na yung telepono. After five minutes, nagbuzz si Ryle sa unit ko. Pero syempre, para makasigurado sinilip ko muna kung si Ryle nga talaga yun. Mahirap na, baka mamaya hindi pala. Magka-trouble pa kami ni Donna nyan, nakakatakot!

Nung nakita kong si Ryle nga yun, binuksan ko yung pinto. Ginawa namin yung handshake namin tapos pumasok na sya sa unit ko. "I heard you went out on a date with your girlfriend. Who's the new girl?" Tanong nya tapos nilapag nya yung dala nyang plastic bag na may beer. "I came here for a drink." Kumuha sya ng isa tapos naupo sa couch ko.

Kumuha din ako ng isang beer na dala nya. Nakatayo ako sa likod ng couch at nakasandal sa pader. "Ah oo. Nagdate kami ni Donna." Napatingin sya sa'kin na parang gulat. "Donna Robles. Kami na ulit. This is a serious relationship, dude." Minamasdan ko lang yung reaksyon nya. Unti-unti syang ngumiti habang tumatango sya.

"Kaya pala." Bulong nya.

"Anong sabi mo, pre?" Umiling sya tapos ngumiti nanaman. Hindi ko alam kung wirdo lang ba talaga yung ngiti nya o ako lang yun. Naglakad ako papunta sa harap nya. "Alam ko, pare. Alam kong magkasama kayo ni Donna kaya nya ko iniiwasan dati."

"Did she tell you?" Kalmadong tanong nya, umiling sya. "Oh well. Yeah we're together. We've been dating for weeks, you know? I love hanging out in their house. It's a really nice and warm home. I used to hang around after you drop her off."

Napatigil ako sa sinabi nya. Kaya ba ako pilit na iniiwasan ni Donna, at kaya din ba ayaw nya ako papasukin sa bahay nila? Ano 'to? Gantihan? Hindi naman siguro. Oo, tama. Kalokohan lang ni Ryle yung pagpunta punta nya sa bahay nila Donna. Huminga ako ng malalim at uminom ng beer. Kalma, Elijah. "Ryle, seryoso ako. Layuan mo na si Donna. Maayos na kami ngayon. Seryoso ako sa kanya kaya layuan mo na sya. Hindi ikaw yung tipo ng tao na gumagawa ng ganyang klase ng kalokohan kaya tumigil ka na." Ngumiti sya ng kakaiba.

"Ayos kayo? Are you that sure? There's always a lie behind every truth. Remember that, my friend." Uminom sya ng beer at nilipat ang channel. "You built your past relationship with her with lie. You might be living in a relationship full of lies right now. You might be in a relationship built with anger or revenge. And you know what's worse? It can be both." Napatigil ako sa sinabi nya. "Remember this, don't ever trust a girl you've hurt before." Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Ibig nya bang sabihin ay wag ako magtiwala kay Donna? Tumawa sya bigla, yung misteryosong tawa habang yung isang kamay nya nasa sandalan ng couch. "That was just a piece of advice."

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon