"Uy, Donna congrats ah." Sakin ng isa kong kaklase.
"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong. Pano naman kasi simula nang dumating ako dito, kino-congratulate nila ako tapos pag tinanong ko, ngingiti lang sila tapos itatap yung shoulder ko.
"Basta." Tapos umalis na sya. Umiling na lang ako tapos tumayo para sana magpunta sa cafeteria pero saktong pagka-tayo ko, may biglang dumating.
"DONNAAAAAAAAAAAAAAA! CONGRATS! I'm so happy for you." Nagulat ako kasi tumakbo si Faye papalit sa akin tapos niyakap nya ko.
"Teka nga. Ano bang meron? Pang 15 ka na atang nagcongratulate sa akin. Hindi ko naman alam yung dahilan kung bakit." Sagot ko sa kanya tapos inalis ko yung yakap nya sa akin.
"WHAT? Hindi mo pa alam?" I shook my head. "Kayo, you just congratulated her? You didn't even tell her the reason?" Humarap sya sa mga kaklase ko sa Calc.
"Eh kasi Faye, we want her to find out about it on her own." Sagot ni KC tapos tumango si Christine. Yung mga classmates ko naman, mga nagsi-'oo nga.'
"Psh. Fine! Kung hindi nyo sasabihin, I'll show it to her. Alam nyo naman 'to, wapakels sa mundo." Tapos hinatak nya ako palabas ng room. Hawak - hawak nya ako sa kamay tapos tumakbo kami papunta sa announcement area.
"A-ano.... ano b-bang meron d-dito?" Sabi ko habang hinihingal ako tapos yung nakayuko ako at naka hawak sa tuhod ko.
"READ!" Sigaw nya tapos iniharap nya ako sa bulletin board kaya tumayo ako at binasa yung naka post. Dalawa yung nakapost dun kaya pareho kong binasa.
"St. Mare's University Dean's Listers, Donna Robles, asdjmgtawpmpjgdgwg." Binasa ko yung unang post. Ang daming pangalang nakalista. "Wow. Thank you, Lord!"
"Read the other one!" Excited na sabi nya. Kaya binasa ko naman.
"The Car-Racing Association of the Philippines have chosen the 17-year old CommArts student of St. Mare's University, Donna Robles, the daughter of the owner of our country's number one leading security and fire arms agency, to compete for the coming international Drag Race to be held at Clark Speedway on Octobe 6, 20**. Ms. Tina Esquivel, the head of the CRA-Philippines, chose Donna after the student beat her on their race at the Private Highway Walk Lane on August 20." Binasa ko yung isang page ng dyaryo na naka-post sa bulletin sa AA tapos natulala ako.
"Donna? Huy, ayos ka lang?" Inaalog ako ni Faye.
"F-faye, paki sampal at sabunutan ako." Sinampal naman nya ako at sinabunutan. "Isa pang sampal. Harder." Ginawa nya ulit tapos tinignan ko ulit yung dyaryo.
"Donna, okay ka lang? Sumobra ba yung sampal ko?"
"O-okay lang ako." Tapos nakahawak ako sa pisngi ko at humarap ako sa kanya. "WAAAAAAAAAAH! FAYE! Ibig sabihin, yung Tina na hinamon ko nung isang gabi, sya yung Tina Esquivel na sinasabi dito sa dyaryo? Bigtime na tao yung kalaban ko that time?" Tumango si Faye. "WAAAAH! FAYE, I'M SO HAPPY! ETO NA! MATUTUPAD NA YUNG PANGARAP KO NA SUMALI SA LEGAL AT TUNAY NA RACE." Tapos niyakap ko si Faye at tumatalon - talon kami.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Player (Completed)
Teen FictionLife is confusing. Different people will meddle with your personal life. Some will help, some will ruin you. Some will let you be happy, some will try to manipulate you. He's not your ordinary player. She maybe your ordinary girl, she maybe not. A r...