//
"Babe, hurry up! Baka malate tayo sa dinner. Nakakahiya sa parents mo." Sigaw ko sa kanya. Ang tagal kasi sa banyo. 30 minutes na sya sa banyo.
"Tapos na, babe." Tapos lumabas sya ng naka-towel lang yung baba nya kaya naka-expose yung abs nya. Nagtakip ako ng mata ko tapos tumalikod sa kanya.
"Babe naman eh! Magbihis ka na nga!" Narinig ko syang tumawa.
"Alam mo, babe, dapat masanay ka na sa ganitong set-up. Pano kapag kinasal tayo? Awkward ka palagi kapag magbibihis ako. Tsaka alam ko namang nakita mo na 'to nung may sakit ako eh. Pinalitan mo ako ng shirt nun, diba?" Tapos hinarap nya ako sa kanya. Nakapikit pa din ako.
"EH! Iba yun. Basta magbihis ka na kasi." Naramdaman ko namang hinawakan nya yung kamay ko tapos nilagay nya sa kung saan.
"Oh ayan, para hindi ka na mailang kapag nakikita mo ako. Hawakan mo. Sayong-sayo na 'to, babe." Huhu. Nilagay nya pala yung kamay ko sa abs nya. Bakit ganun sya?! Huhuhu.
"ELIJAH!" Natawa naman sya sa ginawa ko.
"Babe, dumilat ka na kasi." Dumilat naman ako at nakita kong naka-shirt na sya. "Diba?! Naka-shirt na ako. Talaga ikaw, babe." Niyakap nanaman nya ako. "Are you ready?" Tumango ako.
"Let's go." Tapos umalis na kami sa unit nya at nagdrive sya papunta sa bahay nila.
Pagbaba namin ng sasakyan, hinawakan ni Eli yung kamay ko at pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Pagdating namin, nandun na si mom and dad. Syempre nandun din si Gov Ely and Tita Ariza.
"Donna, hija! Matagal na kitang hindi nakikita ah. Kamusta ka na?" Sabi sa akin ni Tita Ariza. Binitawan ni Eli yung kamay ko tapos nagbeso sya kay mom at nakipag handshake kay dad and kay gov.
"Okay lang po, tita." Nagbeso din ako kay mom, kay dad and kay gov. "Hello po, gov. Kamusta po?" Ngumiti naman si Gov.
"Tito na lang ang itawag mo sa akin. Tara na sa hapagkainan. Kanina pa namin kayo hinihintay." Tapos lumapit sa akin si Eli at hinawakan ang kamay ko. Nauna na silang magpunta sa dining area at naiwan kami ni Eli sa sala.
"Babe, you won't leave me. Right?" Seryosong tanong nya sa akin.
"I won't. Kahit ilang beses mo pang itanong yan, hindi kita iiwan. Okay?" Nagsmile ako at hinigpitan ang hawak sa kamay nya.
"Thanks." Niyakap nya ako at sabay kaming nagpunta sa dining area ng magkahawak kami ng kamay kaya napatingin silang lahat sa amin.
"Sabi naman sayo, mare eh. Positive attracts negative." Sabi ni mom tapos nagtawanan sila. Kami naman ni Eli, wala lang. Hindi na namin sila pinansin at naupo na lang kami.
"So, kamusta kayo? How's everything going between the two of you?" Tanong ni Tito Ely.
"Okay naman po, pa. Nung August 20, nagcelebrate kami ng monthsary namin." Tapos hinawakan ulit ni Eli yung kamay ko na nakapatong sa table.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Player (Completed)
Teen FictionLife is confusing. Different people will meddle with your personal life. Some will help, some will ruin you. Some will let you be happy, some will try to manipulate you. He's not your ordinary player. She maybe your ordinary girl, she maybe not. A r...