19

15.8K 110 1
  • Dedicated kay Eli Fernandez WP
                                    

Eli's POV

Ano bang ginawa ko? Bakit ko yun ginawa? Muntik ko na syang babuyin, sinaktan ko pa sya. Nang dahil lang sa pag-iwas nya ng dalawang linggo, nagawa ko yun. Tangina! Ang gago ko talaga. Pano ko sya kakausapin ngayon? Pano ko ipapaliwanag yung side ko? Ano nga bang dahilan kung bakit ko ginawa yun? Puta, nakakainis. Gago ka, Eli. Gago ka.

Ginulo ko yung buhok ko dahil sa inis. Hindi ako naiinis kay Donna, naiinis ako sa ginawa ko. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung kagaguhan at katarantaduhan na ginawa ko pati yung itsura nya. Umiiyak sya. Nasaktan ko sya. Hindi ko nga alam kung bakit sya umiiwas tapos binigyan ko pa sya ng dahilan para mas layuan ako. Tangina talaga. Ngayon, hindi nya lang ako lalayuan, baka iwan pa nya ako.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko tapos umalis ako. Magpapalamig muna ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay nandun si Lauren, naglalaro sa iPad nya. Pumasok lang ako tapos nung nakita nya ako, tumigil sya sa paglalaro tapos lumapit sakin.

"May problema ka no?" Tapos niyakap nya ko. Tumango naman ako. "Halika, Kuya." Hinila nya ako papunta sa kitchen. "Sure ako hindi ka pa kumakain. Kumain ka muna." Naglagay sya ng plato na may pagkain sa harap ko tapos naupo sa tabi ko.

"Marunong ka nang magluto?" Napatingin ako bigla sa kanya. Kumindat lang sya. "Wow! Big girl na ang bunso ko." Tapos ginulo ko yung buhok nya tapos kumain na ako.

"Joke lang. Kakatapos ko lang kumain nung dumating ka. Si Manang Linda nagluto nyan." Tapos naghalumbaba sya at pinanood akong kumain. Natapos akong kumain ng ganun lang yung posisyon nya. "Tapos ka na kumain?" Uminom ako ng tubig.

"Di ba halata?"

"Meron ka ba ngayon, Kuya? You're being masungit nanaman." Tapos nagpout sya. Ginulo ko lang yung buhok nya tapos ngumiti ako sa kanya.

"Sorry, bunso. May problema lang si Kuya."

"Si Ate Donna ba?" Napatingin ako sa kanya. "Nasaktan mo sya no?" Hindi ako maka-sagot sa tanong nya. Anong sasabihin ko? Oo, nasaktan ko sya at muntik ko na sya pagsamantalahan? Bata pa lang ng kapatid ko tapos sasabihin ko yun. Ayoko! Umiling ako.

"Wala 'to. Konting away lang." Ngumiti na lang ako.

"Alam mo, kuya, kadalasan yang konting away na yan, yan pa yung nagiging dahilan kaya nasasaktan ng sobra - sobra ang isang tao. Yang maliit na away na yan, yan pa yung nagiging dahilan kaya malaki ang ipinagbabago ng tao. Pwede syang magbago for the good or for the worse. Either of the two, magbabago at magbabago sya." Natulala ako sa sinabi ng kapatid ko. Ilang taon na ba 'to? Ha?

"14 ka pa lang, diba?" Tumango naman sya na may kasamang pout. "Eh bakit mas matured ka pa mag-isip kesa sakin?"

"Alam mo kasi, Kuya, sanayan lang yan. Kapag may kausap ako, I put myself on that person's shoes para mas realistic at mas maganda yung mga bagay na pwede kong sabihin. Hindi naman sa edad naka-base ang sasabihin o ikikilos ng isang tao, diba? Nasa sa kanya yun kung pano sya mag-iisip, kikilos at magsasalita." Ngumiti sya sakin. Sana wag kang lumaki kagaya ko. Sana wag ka nilang saktan kagaya ng ginawa ko kay Donna at Aye.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon