30

13.9K 106 12
                                    

One week before the competition. One week na lang, real game na kaya todo practice na ko ngayon at under surveillance pa ko ng CRA-Phil. Nandito ngayon si Ms. Tina Esquivel. Sya yung nagbabantay sakin simula bumalik ako from Makati last week. Nandito pa din si Jon, Johnny and Allan. Though, medyo awkward ako kay Jon. Di ko kasi talaga sya kinakausap unless sobrang importante.

"Donna, ayusin mo yung pagdrift mo. Medyo tumatama ka pa sa gilid eh." Sabi ni Ms. Tina pagkababa ko galing sa sasakyan kaya napatingin ako sa lower part ni Silvia. Oo nga, I hit the runway sides, may gasgas na si Silvia.

"Tumatama ako? Bakit dati naman hindi?" Nagulat si Ms. Tina sa sinabi ko which is totoo naman. Di naman talaga ako dati tumatama dun.

"Oo nga no? Anong nangyari?" Even Johnny was surprised. Lumapit sya tapos pinalitan na nila yung gulong.

"I don't know, Donna. Tatlong araw ko nang napapansin yan ah. You're losing focus." Napayuko ako. It's true. I'm losing focus. "Don't let your personal problems affect your game. Be professional, Donna. It has always been you." Ms. Tina said then she tapped my right shoulder and handed me a bottled water. "You should take a break. Guys, let's continue this tomorrow at 7am." Then she left.

"J-Brothers, dito muna kayo. Kayo na bahala dito." Tumayo si Allan tapos lumapit sakin at nilagay nya yung kamay nya sa balikat ko. Sumenyas na sumama daw ako sa kanya kaya sabay kaming naglakad palabas. Humabol si Johnny ng tanong kung san daw kami pupunta pero di nya sinagot at sinabihan nya lang na wag silang dalawa sumunod samin.

"Problema mo?" Sabi nya tapos kumuha sya ng pack ng Boy Bawang sa bulsa nya. "Eli o Jon?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko naman sinasabi sa kanya yung tungkol kay Jon ah? Paano nya nalaman? "Pakiramdam ko lang. Hindi kayo nagpapansinan ni Jon eh. Ay mali pala. Teka uulitin ko yung sentence ko." Tapos kumain nanaman sya. Paano nya ba nalalaman yung mga ganitong bagay? Ilang taon ko nang kaibigan si Allan pero nahihiwagaan pa din ako sa kanya. Minsan iniisip ko kung nakakabasa ba talaga sya ng isip ng iba. "Iniiwasan mo si Jon. Napansin ko lang. Hindi ko nababasa yung iniisip mo, wag kang assuming." Feeling ko nahulog yung panga ko dahil sa sinabi nya. Napanganga talaga ako. AS IN! Speechless ako nang ilang seconds tapos tumingin sya sakin. Sinara nya yung bibig ko. "Baka pasukan ng langaw." Dun pa lang ako natauhan sa sinabi nya.

"Ah eh... kasi si Jon." Nag-iisip pa lang ako ng matinong intro. Paano ko ba sasabihin? Hinalikan ako ni Jon and I kissed back tapos sinampal ko sya? Ganun? Masyadong walang poise kapag ganun eh. "Ano kasi... a-ah s-si J-jon k-kasi ano eh... ayun."

"Anong ayun? Anong meron kay Jon?" Tumingin sya sakin kaya tinuro ko si Jon na nasa harap namin. "Oy, kumag lumayas ka nga. Kita mong nag-uusap kami ng masinsinan." Sigaw nya kay Jon.

"Bakit ba? Gus---"

"LAYAS SABI!" Umakto syang susuntukin nya si Jon kaya tumakbo na palayo si Jon tapos hinila ako ni Allan papunta sa sasakyan nya. Sumakay kami tapos nagdrive sya papunta sa medyo malayong park. Naglakad-lakad kami at nilibot namin yung park at syempre, habang naglalakad kami, hindi mawawala ang mahiwagang Boy Bawang nya.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon