45

13.6K 101 3
                                    


Bukas ko na po ipopost yung epilogue. Sorry naaa! Happy reading! :>

- Dee. ♥

---------------------------

Allan's POV

"Hindi ka ba pupunta sa bahay nila Donna?" Tanong ko kay KC. Umiling lang sya tapos tumalikod sakin. Galit pa din sya dahil kay Aileen. Ano ba naman yan?!? Amp! "Sige punta na muna ko dun. Balik na lang ako mamaya." Niyakap ko sya at hinatid nya ko sa gate ng bahay nila. "Sorry na kasi. Wala naman yun samin ni Aileen. Kaklase ko lang sya."

"Oo na. Sige na. Give Donna a hug for me." Sabi nya habang tinutulak nya ako papunta sa gate. "D-donna?" Napatigil kami pareho ni KC. Si Donna nakatayo sa labas ng gate nila KC, namamaga yung mga mata nya at suot pa din nya yung graduation dress nya.

"Donna, oka---" Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla syang umiyak yumakap saming dalawa ni KC. Nagkatinginan lang kami ni KC.

"Sorry, KC. I should've listened to you." Umiiyak na sabi nya. Nanlaki pareho yung mga mata namin ni KC. "Nakakadiri sila! Traitors." Inalis nya yung pagkakayakap nya samin pero umiiyak pa din sya. Hanggang sa bigla na lang sya napaupo sa sahig habang umiiyak ng malakas at paulit-ulit nyang sinasabi yung salitang 'mga traydor'. Sumilip yung mama ni KC, siguro naguguluhan kung saan nanggagaling yung mga hagulgol. Sinenyasan nya kami na iakyat daw muna namin si Donna.

"Donna, let's go upstairs. You need to calm yourself first." Sabi ni KC kaya binuhat ko si Donna at dinala sa kwarto ni KC, habang sya naman kumuha ng tubig sa kitchen. Binaba ko si Donna sa kama, hindi pa din sya tumitigil sa pag-iyak.

"Donna, you need to stop crying. You're hurting yourself." Sabi ko sa kanya, nakikita kong nahihirapan na syang huminga. Maya-maya pa, dumating na si KC na may dalang isang tray na may pitsel, baso at gamot. Naupo sya sa tabi ni Donna at inabutan ng isang baso ng tubig at pill, ako naman nakatayo lang sa likod ni KC. Ininom ni Donna yung tubig at pill na inabot sa kanya ni KC. Tahimik lang sya pagkatapos nun, unti-unti nakikita kong kumakalma sya. Naglakad ako papunta sa binta para buksan yun at para itext na din sila Tito at Tita na nandito si Donna, sigurado akong nag-aalala na sila. Naupo ako sa kabilang gilid ni Donna para nasa gitna namin sya ni KC.

"Pagkaalis nyo kanina, KC..." Naging seryoso kami bigla, eto na. Nagkukwento na sya. "May binigay na box si Faye sakin. Umalis sya pagkatapos nun tapos nagtext si Cla, magkita daw kami sa East wing kaya nagpunta ako. May binigay sya saking envelope..." Nangingilid nanaman yung luha nya, nilagyan ko ng tubig yung baso nya.

"Uminom ka muna. Take your time, we'll listen to you." Sabi ko sa kanya kaya ininom nya yung tubig.

"...pagkauwi ko, binuksan ko yung box na bigay ni Faye. May rose at may card dun, humihingi sya ng sorry. Nung una hindi ko maintindihan yung regalo nya, ang dami kong tanong kung bakit sya humihingi ng sorry, pero nung binuksan ko yung bigay ni Cla, parang magic na lumabas yung answer key sa isang mahirap na test.." Huminga sya ng malalim at pinunasan yung luha na pumatak. "..may mga pictures. Puro pictures yung laman nun. Pictures ng boyfriend ko at ng best friend ko. Magkahalikan, magkayakap, magkapatong, magkakandong at kung ano pa." Tumawa sya na parang baliw. "Kulang na lang isang cd na may sex video nila." Tumatawa pa din sya hanggang sa yung mga tawa, naging iyak naging hagulgol. "Sya pala si Aye. P-utang ina! Halos isang taon! Halos isang taon ko palang pinagmukang tanga yung sarili ko. Buong buhay ko, nagtiwala ako sa isang ahas. Kagabi, pati kinabukasan ko, pinangako sa isa pang ahas." Pinangako ang kinabukasan? Sht! Pumayag syang magpakasal sa tarantadong yun? Yun siguro yung big announcement sana sa party ngayon. "Punyeta! That's why Sky told me that it's best if I will be the one to know who that f-ucking Aye is. Damn it! I'm the most stupid and most gullible person ever. I hate them! I hate myself!" Sigaw nya habang sinasaktan nya yung sarili nya ng paulit-ulit.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon