34

13.7K 107 12
                                    

8 months after...


Eli's POV

Mama calling...


"Hello, ma. Napatawag ka?"

("Chris, where are you? This is your party, tapos ikaw 'tong nawawala at late.")

"I'm on my way, ma. Easy ka lang."

("Bilisan mo na. Mainit nanaman ang ulo ng papa mo dahil wala ka pa.") Narinig kong nagsigh si mama.

"Para namang hindi pa kayo sanay dyan kay papa." Tapos sumakay na ko sa sasakyan ko.

("Chris! Alam mo kung bakit nagkakaganito ang papa mo.") Eto nanaman si mama. Binabalik nanaman yung nakaraan.

"Psh. Tapos na yun. Sige na, ma. Magdadrive na ko."

("Drive safely. Bye.")

Pagkatapos kong kausapin si mama, nagsimula na din akong magdrive. Syempre, dinaanan ko muna si Aye. Malapit lang naman siya eh. Wala pang 30 minutes, nakarating na ko sa bahay ni Aye. "Manang, nasaan si Faye?" Tanong ko sa maid nya.

"Ay sir, nasa kwarto nya po. Hindi pa po bumababa simula kaninang pag-uwi nya." Sagot naman nung maid nya. Pag-uwi nya? Kumunot yung noo ko sa sagot nya sakin. "U-umalis po kasi sya kanina. N-nagpunta sa mall para magshopping."

"Ah, sige. Akyatin ko na lang." Tapos iniwan ko na yung maid sa baba. Umakyat ako papunta sa kwarto nya. Pumasok ako sa kwarto nya at nakita ko syang nakahiga. "Aye, bakit hindi ka pa nakabihis? Tumawag na si mama sakin. Tara na, magbihis ka na." Naupo ako sa tabi nya, nakahiga pa din sya pero ngayon, nakaharap sya sakin. Nakatingin lang sya. "May sakit ka ba?" Umiling sya. "Anong problema?"

"Ayokong sumama sa inyo." Natahimik ako sa sagot nya. "Ayokong masira yung gabi mo...." Magsasalita pa sana ako pero nagsalita nanaman sya. "...pati buhay mo at relasyon mo sa papa mo." Tumayo ako tapos umalis na. Bahala sya sa buhay nya, kung ayaw nya edi wag. Hindi ko sya pinipilit. Dumiretso na lang ako sa bahay namin. Pagdating ko dun, ang dami nang tao tapos may press pa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kelangan palaging may press kapag may party dito sa bahay. Siguro kahit magpa-slumber party si Renren, may press pa din na dadating. Tsk.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pero syempre bago pa ko makarating sa kwarto ko, kelangan ko munang dumaan sa office ni papa. Sa ayaw at sa gusto ko, dadaan at dadaan pa din ako dun. Halos katabi lang ng kwarto ko yun eh. Tsk. Hirap ng ganito oh. At tulad ng inaasahan ko, nandun sya, nakatayo sya sa may pinto ng office nya at nakatingin sakin. Tumingin ako sa gilid, nandun si mama, papalapit sakin.

"Chris! Bakit ang tagal mo?" Lumapit si mama sakin tapos nagbeso ako sa kanya.

"Ah, dumaan ako kay Aye." Tapos tumingin ako kay papa naglakad sya papalapit sakin. "Pa! Long time no s---" Paloko ko sanang yayakapin si papa pero nauna nang yumakap sakin yung sapak nya.

"Hindi ka pa din talaga nagbabago, Christofer! Akala ko pa naman, nagbago ka na pagkatapos kang iwan ni Donna. Hindi pa din pala. Wala ka talagang kwenta." Buti na lang walang tao dito sa second floor kundi bukas nasa dyaryo na kaming dalawa ni papa.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon