Johnny's POV
Uy! Astig! Pumi-POV ako. Hahahaha! Gwapo daw kasi ako at ang mga gwapong katulad ko hindi dapat mawalan ng eksena sa storya. Bwahahaha! XD
Ako nga pala si Johnny Alvarez, taking Graphic Design at Northridge University.
"Nasan na ba si Donna?" Biglang tanong ni Allan sakin. Ano ba 'tong si Allan, biglang sumusulpot. Kung babae ako, malamang sumigaw na ako.
"Ewan. Baka kasama ni Eli. Wala na din si Eli eh." Nagshrug ako tapos kumuha ng beer sa ref nila. Simula nang dumating yang Eli na yan, nagbago na si Donna. Kung alam nyo lang kung ano si Donna dati, mappansin nyo din na sobrang laki ng ipinagbago nya.
"Ayos ka lang?" Tumango naman ako tapos uminom ng beer. "Ang bagal mo kasi eh." Tinap nya yung balikat ko tapos tinignan ako.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Ha? Naka-drugs ka ba?" Natawa naman sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa tanong ko?!
"Wala. Tinatago mo pa, halata ko naman." Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Naupo sya sa isa sa mga bar stool tapos hawak nya yung beer nya.
"Ano bang pinagsasabi mo dyang ungas ka? Sabi ko naman kasi sayo bawas-bawasan mo na yang pag-inom mo." Naupo din ako sa bar stool at uminom ng beer.
"Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pagdating sa mga ganyang bagay, eh ang bagal mo. Magaling ka naman makipagkarera. Mabilis ka magdrive." Tapos uminom nanaman sya. "Hay nako, Johnny Alvarez. Ikaw pa din yung Johnny Alvarez na kaibigan ko. Nakakatuwa ka." Umiling - iling sya habang sinasabi nya yun. Ngayon, na-gets ko na yung sinasabi nya. Bading talaga 'to eh.
"Tss. Wala ka nang pakialam kung mas pinili kong manahimik kesa mawalan ng kaibigan." Tumingin ako sa ibang direksyon.
"Sabi mo eh." Tapos tumahimik na kaming dalawa. Walang nagsasalita ng ilang minuto. Yung mga bisita, come and go. Si Francis at yung Chelsea naman, nandito pa din. Yung kinalaban naman ni Donna sa race nung nakaraan, umalis na. May meeting daw. Yung ibang bisita, mga hindi na namin kilala. Siguro family friends nila.
"Ang boring mong kasama, bading ka talaga." Bigla kong sinabi kay Allan kaya natawa kami pareho. Ewan ko ba. Lagi ko syang sinasabihan ng bading tapos tatawa sya. Bading nga kaya sya? Nako! Ibig sabihin, yung halos buong buhay kong best friend, bading pala. Tae. Ano ba 'tong iniisip ko. Nababading na ata ko. =______=
"Alam ko na kung nasan si Donna." Bigla nyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Saan?" Tinap nya yung balikat ko tapos tumayo sya kaya tumayo na din ako.
"Halika." Naglakad kami papunta sa main gate ng bahay nila.
"DONNA? BAKIT KA UMIIYAK?" Yun kaagad ang bungad ko sa kanya. Nakita namin syang papasok sa bahay nila. Nakayuko sya tapos nagpupunas ng muka.
"J-johnny. A-allan." Parang nagulat pa sya na nakita nya kami.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Player (Completed)
Teen FictionLife is confusing. Different people will meddle with your personal life. Some will help, some will ruin you. Some will let you be happy, some will try to manipulate you. He's not your ordinary player. She maybe your ordinary girl, she maybe not. A r...