Chapter 1: The Wedding

2.7K 53 1
                                    

Naglalakad si Karylle sa gitna ng mga taong nasa paligid niya. Patungo na siya sa dulo kung saan naghihintay ang lalaking nagparamdam sa kaniya ng tunay at taos pusong pagmamahal.

Taliwas sa alam ng karamihan iba ang sinisigaw at sinasabi ng puso ni Karylle kaya't umiiyak at pikit mata niyang nilalakad ang altar. Lahat ng mga tao sa simbahan ay nagagalak at di maitago ang nararamdamang pagkasabik dahil sa wakas ay masasaksihan na nila ang pag iisang dibdib ng dalawang taong alam nila ay tunay na nagmamahalan.

Nasa kalagitnaan na ng paglalakad si Karylle ng huminto siya at minulat ang namumugto niyang mga mata. Lumingon siya sa kanan at kaliwa, nagulat ang mga tao sa loob ng simbahan at nangamba sa inasal ng dalaga. Tumingin si Karylle sa likod at dinako ang tingin sa iisang taong mahalaga sa kaniya at tunay nyang minamahal.

Nginitian siya ni Vice at binigyan siya ng senyas na dapat na siyang lumakad at ituloy ang kasal. Lalong naiyak ang dalaga.

Maya maya pa ay hinawakan na si Karylle sa braso ng kanyang ina at ama upang samahan siya sa paglalakad.

Nang makarating na sa altar si Karylle ay agad siyang hinawakan ng kanyang kasintahan na si Yael. Hindi na siya umangal at nagsimula na ang seremonya ......

Itutuloy....

On the Wings of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon