Habang nasa eroplano ay nagpatuloy si Karylle sa pagsulat ng kanta. Feeling niya ay sobrang perfect pa ng place dahil nasusulyapan niya ang mga ulap at paglumingon naman siya nandun si Vice na natutulog.
Karylle: 2nd stanza na ko. Ay waiiiit.
Nang maramdaman ni Karylle na nagigising si Vice agad agad niyang tinago ang sinusulat niya dahil ayaw niya sanang ipaalam kay Vice na may ginagawa siyang kanta. Balak niya kasing iregalo ito sa nobyo bilang regalo sa ginawang effort nito para lang makapagtour sila.
Vice: Anong ginagawa mo love?
Karylle: Ahhh... wala... ano...
Vice: Baka may binabalak ka nanaman sakin ha, umayos ka.
Karylle: Wala! Parang sira to!
Vice: Dapat lang!
Karylle: Matulog ka na nga dyan!
------------------------------------------------------
Agad silang tumuloy sa Hotel Regente Madrid.
Vice: Okay lang ba itong hotel na napili ko?
Karylle:Okay naman.
Vice: Pagod ka?
Karylle: Hindi naman.
Vice: Weh?
Karylle: Oo nga ang kulit mo.
Medyo nanibago si Vice sa inaasta ng girlfriend niya. Pero dahil wala siya sa mood dahil pagod siya di niya na lang inintindi si Karylle. Pumasok siya sa cr dala ang ilang mga damit niya dahil maliligo na siya.
Samantala pagpasok naman ni Vice ng CR ay agad na kinuha ni Karylle ang cellphone niya at nagtext kay Carlo. Pero bago pa man siya mag text ay tinawagan na siya neto. Walang choice si Karylle kung hindi sagutin ito. Lumabas muna siya ng kwarto at pumunta sa terrace.
Karylle: Hello? Sir Carlo?
Carlo: Finally! Sinagot mo na din ang tawag ko! Karylle? Akala ko ba madali lang kayo diyan? One week na ah?
Karylle: Sir, diba sinabi ko na 2 weeks akong mageextend ng leave?
Carlo: Pero sinabi ko din sayo na maraming trabaho na nakaabang dito! Sinong gagawa dito? Ako?!
Tumaas na ang boses ng Manager ni Karylle. Hindi na rin alam ni Karylle ang sasabihin niya.
Karylle: Sir, please ang dami kong panahon na hindi nakakasaa si Vice sa mga tours and out of town sana naman pagbigyan niyo na ko.
BINABASA MO ANG
On the Wings of Love
FanfictionWill you still love the person even if he/she isnt you expected them to be? Are you willing to take a chance to the love that fails over and over again? Maniwala at humanga sa magic ng pag ibig! On the wings of love/@karelestrada #AViceRylleStory