Gabi na ng makarating sa Pilipinas sina Vice at Karylle. Agad naman silang sinalubong ng Team Vice.
Habang nasa sasakyan ay halata ang pagkapagod ni Vice. Taliwas pa sa nakikita nilang pagod kay Vice ay tinatago din nito ang hinanakit sa Girlfriend. Tahimik lang silang lahat kaya nagpasya na si Archie na basagin ang katahimikan.
Archie: Akala ko next week pa uwi niyo?
Nakatingin naman sa salamin si Buern na nagdridrive napalingon din sina Bernard, Rainier at Matt kay Vice.
Vice: May kailangang gawin si Karylle kaya umuwi na din kami. Napacancel mo na ba yung mga dapat ipacancel?
Tanong ni Vice habang nakatingin sa may bintana. Magkatabi sila ni Buern na driver nila. Nasa likod niya naman sina Archie, Karylle at Bernard. Nasa likod naman ng tatlo sina Rainier, Matt,Buddi, Jegs at Russ.
Archie: Oo napacancel ko na. Pati ba yung sa LA ipapacancel ko?
Vice: Oo! Lahat ipacancel mo na!
Inaakala ng lahat na hindi naririnig ni Karylle ang nga pinag uusapan nila dahil nakaheadphone ito at nakapikit pa. Pero ang totoo pinapakiramdaman lang sila ng dalaga.
Bago magsalita si Archie nilingon niya muna si Karylle. Mukha namang tulog ito.
Archie: Paano na yung family reunion na pinaplano mo? Wala na yon?
Hindi maiwasan na malungkot si Vice at masaktan talaga. Ang tagal niya na rin kasing hindi nakikita ang mama niya at mga kapatid niya itong vacation na lang nila ang inaasahan niya at nagplano pa talaga siya ng reunion. Nangako din siya talaga sa mama niya kaya di niya alam kung paano ito sasabihin at kung ano ang magiging reaksyon ng Mama niya.
Vice: Ako na alng siguro kakausap kina mama. Maiintindihan naman siguro nila na may trabaho si Karylle.
Archie: Eh bakit ba kasi sumama ka pauwi? Eh si Karylle lang naman ang may trabaho dito? At saka akala ko ba nagkausap na kayo na 2weeks leave niyo? Oh anong nangyari?
Vice: Ayon na nga eh. Pero ewan ko. Tinawagan daw siya ng Manager niya.
Archie: No comment na meh.
Vice: Pagod na ko. Buern pakibilisan gusto ko ng magpahinga.
Archie: Pagod ka na pala eh. Charot.
Sarkastikong sabi ni Archie.
Vice: Mahal ko si Karylle, Archie. Alam niyo yan.
Archie: Sabi ko nga! At saka di naman ako yung napapagod eh. So? Shut up na lang ako.
Naguilty si Karylle at nabigla din siya sa narinig niya kay Archie bigla niyang naisip na paano kung pinupush pala ni Archie na hiwalayan na siya ni Vice? Nagulat din siya sa planong reunion pala ni Vice. Nalungkot siya para sa nobyo niya. Pero may TRABAHO talaga siya. (So? Author shut up ka na lang. Ay joke. )
Nang makarating na sila sa bahay ay ang Team Vice na ang nagbuhat ng mga maleta at bags nila. Agad din namang umalis ang mga ito dahil nga sa gabi na din at paparty pa sila.
Karylle: Gusto mong kumain? Pagluluto kita.
Vice: Hindi na pagod na ko. Papahinga na ko pagtapos kong maglock.
Karylle: Ah sige.
Agad na naglock si Vice at tinaas ang mga maleta nila. Agad siyang nagshower. Pag akyat naman ni Karylle sa kwarto ay nasa CR na si Vice kaya't napagpasyahan niyang ayusin ang laman ng maleta nila. Paglabas naman ni Vice ay nakabihis na ito ng pantulog.
BINABASA MO ANG
On the Wings of Love
FanficWill you still love the person even if he/she isnt you expected them to be? Are you willing to take a chance to the love that fails over and over again? Maniwala at humanga sa magic ng pag ibig! On the wings of love/@karelestrada #AViceRylleStory