*beeeeeeeep *beeeeeeeep"Yaya paki buksan na yung gate ayan na ata sila"
Utos ni Ms Zsazsa sa kasambahay niya. Agad namang nagtungo sa gate ang kasambahay at binuksan ang gate.
Ginarahe ni Vice ang kotse niya. Lumabas na siya ng kotse upang pagbuksan si Karylle. Halata sa itsura ni Karylle ang pagkakaba at namumutla pa ito. Tila ayaw pang bumaba ni Karylle sa kotse.
"K, tara na."
Inabot ni Vice ang kamay niya kay Karylle.
"Vice..... dito ka na lang ka-----"
Sabi ni Karylle pero agad itong pinutol ni Vice.
"I said, lets go."
Seryosong sabi ni Vice. Napabuntong hininga naman si Karylle at lumabas na ng kotse. Samantalang nilock naman ito ni Vice.
"Just hold my hand...."
Seryoso ulit na sabi ni Vice. Tinignan siya ni Karylle sabay hawak sa kamay niya.
"Promise me... kahit anong mangyari sa loob hindi mo bibitawan ang kamay ko... Karylle gusto kong ipaalala sayo na iisa tayo... MAHAL KITA AT ----"
"MAHAL NAMAN KITA VICE."
Kakatok na dapat ang dalawa pero naunang bumukas ang pinto. Bumungad agad sa kanila si Zia at Coco.
"Si mama???"
Tanong ni Karylle at hindi pinapahalatang kabado siya.
"Uhm..... ate pasok ka na. Nasa ano uhm nasa sala na sila..."
Natatarantang sagot ni Zia.
"You guys are together????"
Tanong ni Coco habang nakatingin sa kamay ng dalawa.
"AH N----"
Sasagot sana si Karylle pero sinabayan siya ni Vice.
"YES WE ARE."
Nakangiti at matapang na sagot ni Vice.
Pumasok na sila sa loob at naupo sa sala. Maya maya ay lumabas si Ms Zsazsa galing sa kusina. Agad agad namang tumayo sila Vice at Karylle para magbigay galang.
Umupo na sila at inumpisahan ang usapan.
"Karylle.... anong meron anak? Bakit? Bakit mo ginawa yun?"
Mahinahon pero may pag aalalang tanong ni Ms Zsazsa.
Nagkatitigan silang mag ina at tuluyan na ngang umiyak si Karylle. Hindi na siya nakapagsalita. Inakbayan naman siya ni Vice at hinimas himas ang braso niya.
"Ssssh... K, nandito tayo para magpaliwanag.... Wag ka nang umiyak... shhhhh.... tama na..."
Sabi naman ni Vice. Habang nag aalala kay Karylle.
"At ikaw Vice?! Masaya ka bang nagulo ang anak ko? Masaya ka ba sa nangyayari?! Hindi mo ba alam na may career pa ang anak ko?! Ikaw diba sikat ka? Kilala ka. Di ka ba natatakot?! Huh? Kung kelan naman tumanda kayo saka naman kayo naging isip bata?! Ngayon ipaintindi nyo nga sakin anong gagawin natin sa mga media, sa pamilya ni Yael? Nakakahiya. Pinagpipiyestahan na kayo sa social media!!!"
Galit na sabi ni Ms Zsazsa.
"Ma. Wag kang sumigaw."
Sabi ni Coco.
"Ma.... please. Keep calm. Makakasama sayo yan."
Sabi naman ni Zia.
"I JUST CANT BELIEVE THAT MY FIRST AND LOVELY DAUGHTER, AY MAGAGAWANG MANG IWAN AT MAG WALK OUT SA KASAL PARA LANG SUMAMA SA SIKAT NA ARTISTA?! EH DIBA BABAERO KA??? PAANO NA LANG ANG KINABUKASAN NG ANAK KO SAYO? MAS BETTER PA SI YAEL BECA----"
Nahinto sa pagsasalita si Ms Zsazsa dahil tumayo si Vice at halatang inis na rin.
"Excuse me po. First of all po kaya kami pumunta dito para po mag paliwanag at kumausap ng maayos. Ngayon po kung uunahin nyo yang galit nyo at sama ng loob sakin. Hindi po tayo mag kakaintindihan. Hindi ko po alam kung bakit sumama sakin ang anak nyo. Hindi ko rin alam anong pumasok sa kanya bakit niya iniwan yung lalaking gusto nyo para sa kanya. Siguro po kasi hindi naman kasi talaga siya masaya. Yes! Opo, nambabae ako noon. Siguro mga thrice kong nagawa yun. Pero bawal na po bang magbago? Bawal na po bang sumeryoso? Look. Kung ang gusto nyo po ay maipakasal si Karylle kay Yael parang napaka unfair naman po nun. Di ko man makuha ang tiwala at boto nyo. Lahat man kayo tutol sa relasyon namin. Isa lang po ang masasabi ko. Ayokong mangako gusto ko na lang pong gawin. MAHAL KO ANG ANAK NIYO. At gusto kong malaman nyong nung araw na naglalakad na siya sa Altar papunta sa lalaking gusto nyo para sa kanya. Hinihiling ko na sana wala ng bukas. Kasi masakit pong makita ang mahal mo na ikakasal na sa iba. Masakit tumaya sa isang laban na alam mong talo ka. Ngayon kung ayaw nyo ko para sa anak nyo. Okay fine! Di ko po kayo mapipilit, pero sana naman bigyan nyo ko ng pagkakataon para mapatunayan ko sa inyo na karapatdapat ako sa kanya. Yung sa issue po pala I CAN HANDLE THAT. WE CAN HANDLE THAT. Magagawa namin yun kasi IISA KAMI. Salamat po. Aalis na po kami"
Pagpapaliwanag ni Vice hinila niya na ang kamay ni Karylle at tuluyan na silang lumabas ng bahay.
ANO NA NGA KAYANG MANGYAYARI KINA VICE AT KARYLLE? AYOS NGA LANG BA KAY KARYLLE NA HINDI SANG AYON ANG PAMILYA NIYA KAY VICE? PAANO KUNG MAS PILIIN NIYA ANG CAREER NIYA AT IWAN NA LANG SI VICE?
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
On the Wings of Love
FanficWill you still love the person even if he/she isnt you expected them to be? Are you willing to take a chance to the love that fails over and over again? Maniwala at humanga sa magic ng pag ibig! On the wings of love/@karelestrada #AViceRylleStory