Chapter 21: SWEET SUNDAY

854 32 4
                                    


Karylle: Honey baby!!! Dalian mo nga dyan! Naiihi na ko!

Sigaw ni Karylle habang kinakatok ang pintuan ng cr.

Vice: Babe! Sa baba ka na lang! Masakit talaga tyan ko!

Sagot naman ni Vice na halatang duming dumi na. Pero dahil pilya si Karylle gusto niyang pagtripan si Vice.

Karylle: Ah ganon?! Pabababain mo pa ko sa first floor!?! Ha?! Ganon ba yun!

Acting ni Karylle na kunwari ay galit na galit pero deep inside gusto niya lang itest si Vice. Agad agad bumukas ang pinto. Bumungad kay Karylle ang di maipintang mukha ni Vice habang nakahawak sa tyan nito.

Karylle: Oh?

Vice: Sabi ko nga sa baba na ko. Haaays

Natawa naman si Karylle, agad agad namang lumabas ng kwarto si Vice at bumaba. Si Karylle naman pumasok sa loob ng cr at habang umiihi ay tawa ng tawa.

Maya maya umakyat na si Vice at nadatnan niya si Karylle na nakahiga na sa kama at hawak hawak ang phone. Sinara niya ang pinto at tumabi agad sa dalaga.

Karylle: Ooooops! Success?!

Napakunot naman ang noo ni Vice. Hinawakan naman ni Karylle ang dalawang pisngi ni Vice at pinisil pisil ang cheeks ng binata saka hinalik halikan.

Karylle: Hehe.. im choooreeeh (sorry)

Agad na yumakap si Karylle sa bewang ni Vice. Nacute-tan naman ang binata sa dalaga. Kaya niyakap niya na rin ito saka hinalikan sa noo.

Vice: So? What now?

Karylle: Hmmm?

Vice: Saan gala natin bukas?

Karylle: Huh?

Vice: Ah? Eh?

Karylle: I thought may rehearsal ka bukas?

Vice: Yes meron. But madali lang yun :-)

Karylle: Ahhhhh ganon?

Vice: Gusto ko syempre makasama ka kasi Sunday bukas.

Karylle: Lagi naman tayo magkasama ah? Baka naman napapabayaan mo yang work mo? Sa kamamadali mong umuwi lagi? Just to see me?

Vice: No? Alam mo namang every work na ginagawa ko is for you, for us. Kaya di ko hahayaang masira.

Karylle: Good.

Vice: So? Naisip ko kasi na after natin magsimba bukas, didiretso tayo sa rehearsals ko and then saka tayo magdate :-) agree?

Karylle: Wait? Kasama ako sa rehearsals mo?

Vice: Of course!

Karylle: Sureeeee?

Vice: Sure na sure. Why?

Karylle: Wala, baka may makakita lang satin.

Vice: And so?

Karylle: Nothing.

Vice: Di ka comportable?

Karylle: No. Im happy to be with you.

Vice: *kinilig* Me also. Wala akong moment na kasama ka na pinagsisihan ko. Kahit na lagi tayong nag aaway and nagkakatampuhan, kahit na madalas tayo nagbabangayan.

Karylle: Kahit na lagi akong matampuhin?

Vice: Uhuh.

Karylle: Kahit na selosa ako?

Vice: Yep.

Karylle: Kahit na di ako ideal girl na para sayo?

Vice: Sinong nagsabi?

On the Wings of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon