WALA PO ITONG KINALAMAN SA STORY.
Dear Ray,
Tapos na yung Grade 8 natin. Next school year, di ko alam ano ng ganap. Pero masaya ako (weh masaya ba talaga?) Kasi syempre bago matapos ang Grade 8 ko ay nagkaroon tayo ng moment. Moment kung saan hindi ko malilimutan ang Lahat ng nangyari. Lahat ng Sinabi at Pinaramdaman mo sakin. Pumasok ako ng school year 2015 ng malungkot at may masamang karanasan. At ngayon lumabas ako ng school year 2016 ganon pa din. Hahahahahahahaha ang tanga tanga tanga ko ba talaga? Oh Hindi lang talaga pwede pa? Nagsimula ang lahat ng ito sa isang kwardradong silid na kung saan naglalaman ng mga makukulit at maiingay na estudyante. Nakita kita sa flag ceremony non at dahil wala pa kong masyadong kilala tahimik lang akong pinagmamasdan ang mga bagong magiging kaklase ko. Nakakapanibago pero ayos na din. Atleast, sa dinami dami ng estudyante sa school natin sa higher section ako napunta. At sa dinami dami ng pwedeng magustuhan ko.. IKAW pa. Corny ba? Sorry ha? Pero yun talaga ang totoo. Minahal talaga kita.
Sa araw araw na ginawa ng Diyos. Sa araw araw na pagpasok ko sa eskwela, dala dala ko ang natatangi kong damdamin para sayo. Una ay atraksyon lang ito dahil sa makinis mong mukha, sa matangos mong ilong, sa mapula mong labi, sa iyong adams apple, sa medyo kulot at magulo mong buhok, sa matangkad mong katawan, matambok na pwet at malaking dibdib. Lahat na yata ng hinahanap ko sa isang lalaki na sayo na. Feeling ko nakita ko na ang lalaking pinapangarap ko.
Lumipas ang mga buwan nanatiling pasulyap sulyap lang ako sayo. Sa twing napapalingat ako at nakikita kong nakatingin ka rin sakin ay kinikilig ako. Yung mga pag irap at pagsusungit ko sayo hindi mo alam pero kinikilig talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ganon ako kung umasta pero ayokong maging halata. Hindi ko din sinasabi sa mga kaibigan ko ang tunay na nararamdaman ko dahil ayokong maging kumpulan ako ng tukso at masira ang imahe kong masungit at maldita. Ayokong isipin nila na pagdating pala sa lalaki ay malambot ako. Ayoko ding isipin mo na patay na patay ako sayo dahil hinahangaan palang naman kita. Noon.
Natandaan ko pa si Jerm yung manliligaw ko simula Grade 7. Unexpected din yung samin dahil hindi ko alam na yung nanliligaw sakin dati sa fb at nangungulit sakin ay magiging classmate ko pala. Kung tutuusin mas matagal ko na siyang kilala kaysa sayo pero ganon siguro talaga mas nahuhulog tayo sa mga taong kusang ginugusto ng puso natin. Sinagot ko siya pero 1week lang kami. Naguguilty ako! Nagalit ako sa sarili ko non dahil syempre gumamit pa ko ng ibang tao para lang pagtakpan ang damdamin ko sa tulad mo. Doon ko narealize na di na pala yun paghanga o atraksyon. PAGMAMAHAL na yon, Ray.
Nagawa kong lokohin ang sarili ko dahil sayo din. Nagawa kong magpaasa ng mga lalaki dahil mismo sayo. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung kumalat sa room na kayo na ni Dianny. Parang bumagsak ang mundo ko non. Parang nawala ako sa landas kung saan ako dapat. Hindi ako tanga ng mga panahon na yon pero dahil sammga naramdaman ko non, ay naging tanga ako. Hindi ko na mahanap yung mismong sarili ko. Hindi ko na din alam kung tama bang mahalin ka kahit na may mahal ka ng iba? Hindi ko alam.
Pag makakasalubong o makakasabay ko kayo sa jeep, tanging ngiti lang yung naibibigay ko kahit na deep inside gusto ko ng umiyak talaga. Masaya ako non dahil may mga kaibigan ako at masayang pamilya pero may pwesto sa puso ko na hindi kompleto na parang ang lungkot. At yon ay dahil sayo.
Hanggang sa dumating yung araw na pinakahihintay ko, masama man pakinggan o isipin pero NAGBREAK kayo at NATUWA ako para sa sarili ko. Nabuhayan ako at tinatak sa isip ko na "Hindi na pwedeng tahimik na lang ako" Gusto kitang makuha at gusto kong maging akin ka. Gusto ko na merong tayo. Merong tayong dalawa.
Dumaan ang mga araw naidaldal ko na rin sa mga kaibigan ko yung nararamdaman ko sayo! Finally! Im free. Wala na k0akong nililihim pa. Ang sarap sa feeling non dahil syempre may kasama na kong kiligin. Kaso ayon nga hindi maiwasan ang may manukso. Kitang kita ko sa mukha mo pag naririnig mong tinutukso ka nila sakin. Yung reaksyon mong nabibigla at napapataas ng kilay. Natutuwa ako kasi kahit papaano napapansin mo ko. Nakikita mo na ko.
Naalala ko pa yung mga moments na nagchat ka na sakin. Nakasabay na kita sa jeep pauwi at papasok yung ikaw lang mag isa at ako din mag isa. TAYONG DALAWA lang. At yung mga moment na bago ako bumaba ng jeep magbabye ka sakin at sasabihan mo kong "Ingat". Sobra kong naappreciate yon at yun ang mga dahilan kung bat ako ganado araw araw. Naalala ko din yung late na ko pumasok at wala ng masakyan. Paglingon ko nakita kita at niyaya mo kong maglakad. Sumabay ako sayo at naglakad tayo sa tulay. Nasa likuran kita non at nung nasa bandang gitna na tayo ng tulay humarap ka sakin at sinabi mong "Mauna kang maglakad, baka mahagip ka ng sasakyan eh" narinig ko talaga yon at pero di lang ako makagalaw sa kilig at pagkabigla. Sa isip isip ko "CONCERN KA SAKIN?" Akala mo ata di ko narinig kaya nilapit mo ang mukha mo sakin at saka bumulong. Nauna na kong maglakad non. Pero deep inside kilig na kilig na ko. Hanggang sa makasakay na tayo ng jeep, pinauna mo pa ko at sinabi mong pag di na kasya ay sasabit ka na lang. Naappreciate ko talaga yun ng sobra, Ray. Kung alam mo lang. Kwenento ko yun sa mga kaibigan ko at sabi nila iyon na daw siguro ang simula ng Love story natin. Ang hindi nila alam, matagal ng nasimula ang story ko sayo.
Kaso sa kabila ng lahat na yon. Sa mga nangyaring yon. Di ko alam na iba pala ag dating sayo ng lahat ng yon. Nagising na lang ako isang araw ng may nagtatanong sakin yung kaibigan na bakla ni Dianny. At sinabi kung may gusto daw ako sayo. Pinasa niya rin saki yung screenshot ng usapan niyo. At nasaktan ako don. Nakalagay don na nahahalata mo na ko na gusto kita. At yung sa pagyaya mo sakin sa paglalakad ay hindi totoo. Sinabi mong hinabol kita para makisabay pero hindi naman talaga ganon ang nangyari! Bat ganon ka?! At ang pinakamasakit na sinabi mo ay yung "Raymond pakisabi nga don na kahit kailan di ako magkakagusto sa kanya tss" ANG SAKIT SAKIT SAKIT SAKIT.
Pagtapos ng lahat ng sakit na naibigay mo sakin. Nagdesisyon akong magmove on na at kalimutan ka. Pero bakit ka ganon? Bakit ikaw na yung tumitingin sakin lagi? Bat nginingitian mo ko ng nakakaloko! At bat sa twing aabsent ako noon, ay nagchachat ka para magtanong ng dahilan! Di mo ba alam na nagmomove on na ko sayo! Gago ka ba! Nananadya ka ba! Anlakas ng tama mo ha! SOBRANG NAKAKABWESIT KA.
Tapos ngayon! Kayo na ulit ni Dianny! Ako nanaman yung naiwang luhaan! Ako nanaman yung talo! Ako nanaman yung sumugal! Ako nanaman yung malungkot at umasa. Ang skait sakit sakit sakit lang. Kahit minsan ba talaga di mo naisip na mahulog din sakin? Sasaluhin kita. Kahit na masugatan ako, sasaluhin kita. Kasi mahal kita.
Nagchange dp ka nanaman. Kayo ulit ni Dianny yung profile mo. Hays! Ang duga mo parin. Ang saya saya mo tapos ako umiiyak dahil sayo. Ganon siguro nga talaga.
Buti na lang bakasyon na.
Hindi na kita makikita.
Hindi na kita mararamdaman.
Magmomove on na ko.
Di na ko aasa.
Ayoko na talaga!
Ayoko ng mahalin ka!
Suko na ko!
Pagod na ko!
Di na kita mahal!
Gago ka!
Tarantado!
Pafall na rin!
Lahat na!
Sana kahit na ako lang ang nagmahal sating dalawa, maisip mo rin minsan yung worth ko (mukhang malabo). Hahayaan na kita. Pakakawalan na kita. Salamat at minahal kita. Hanggang sa muli. Gusto ko pag nakita kita wala na to. Masaya ka dapat at masaya rin ako.
-Karel
AN:/ Hi Guys! Im back! And yes babalik na ko dito! Hooooooh! Medyo matagal tagal tayong di nagka anuhan hahahahaha! Bukas guys magsisimula na ko ng Chapter 28 :) Salamat ng marami sainyoooooo :)
BINABASA MO ANG
On the Wings of Love
FanfictionWill you still love the person even if he/she isnt you expected them to be? Are you willing to take a chance to the love that fails over and over again? Maniwala at humanga sa magic ng pag ibig! On the wings of love/@karelestrada #AViceRylleStory