Lala's Tips 01

898 6 0
                                    

     

                        •••••••••••••

"Manuod ng mga dramatic movie na magaling ang kuntrabida "

- In that way madali kang makakarelate kung paano ba ginagawa at nagiging mas effective yung pagiging maldita , and beside mas makakakuha ka ng mga tips kung paano mas maging maganda at kung paano ang tamang pag bigkas ng mga salitang binibitawan ng isang kuntrabida o isang maldita .

Sa panunuod din ng mga dramatic movie kailangan mo ding maging observant sa mga projection ng mga kuntrabida kung paano sila gumalaw , the way she looks , kung paano sila kumilos, at kung paano sila mag deliver ng mga pamatay na lines , at isipin mo na ikaw ang kuntrabida sa Pelikula para feel na feel mo ang mga ginagawa nila ..

Mas magiging effective ang tips na to kung ang panunuorin mong gumaganap na kuntrabida ay sila Ms. Chery Gil , Ms. Bella Flores o mas mabuting si Lola ni Dora , dahil mga veteran na sila sa pagiging Kuntrabida at masasabi ko na isa sila sa mga dahilan kung bakit isa na kong Professional Maldita .

Kailangan once na naiisip mo sila hindi ka mawawala sa lines mo at hindi ka mawawala na isa kang kuntrabida , dahil hindi porket nanunuod ka ng mga kuntrabida rules eh magiging madali na ang lahat , tandaan mag kaiba ang pinapanuod sa ginagawa okay ??

                       •••••••••••••

" Sampalin mo yung sarili mo at gayahin ang lines sa pinanuod na movie. "

- Hindi naman masama kung sasampalin mo yung sarili mo, mas magiging effective kasi syang gawin lalo na kung maganda ang eksena na pinanuod mo , kailangan alam mo yung ginagawa mo para pag sa totoo ng nangyare mabilis mo syang magagawa .

Kailangan lagi kang handa kong baga plakado lahat , hindi mo kailangan mag kamali kapag nag mamaldita kasi once na mag kamali ka habang nag mamaldita tatawanan ka lang ng mga kaaway mo , in that way mag mumukha ka lang tanga at hindi maldita .

Para san pa ang panunuod mo ng mga maldita rule kung hindi mo man lang magagawa ng maayus , kaya be careful kapag nag mamaldita ka o mag mamaldita dahil isang pag kakamali mo lang siguradong talo ka   siguro naman naiintindihan mo yun .

Sabi ko naman diba mag kaiba ang eksena sa pinapanuod at ginagawa kaya kailangan mong maging professional sa ganyang bagay lalo na kapag in actual mo ng ginawa ang eksenang yan , kailangan kaya mong panindigan na isa kang certified maldita .

                      ••••••••••••

" Iwasan ang pagkain ng mga mapapait na pagkain at magiging bitter ka lang instead na maging professional maldita . "

- Tandaan isa kang maldita at hindi ka bitter , bitter na iniwan ng jowa , kung mag iinarte ka lang pwes ngayun pa lang umurong ka na dahil ako na mismo ang nag sasabi na hindi ka magiging professional maldita dahil sa bagay na yan .

Wag mong isipin at dibdibin kung iniwan ka ng jowa mo bagkus ngumiti ka lang , punas ng luha tapus move on , yun lang yun , hindi mo kailangan maging bitter dahil ngayun pa lang sinasabi ko na sayo na ang tunay na maldita hindi marunong masaktan at maawa ..

Ang rule ng isang maldita ay ang mang bwesit sa mga taong mahina , mamahiya at higit sa lahat mahilig manlait kaya paano mo ihahandle ang lahat ng yan kung bitter ka at puro ka artehan ang ginagawa mo , sana sumali ka na lang ng beauty contest kung hindi mo kaya ang ginagawa ng isang maldita .

Dahil once na nag maldita dapat yun tuloy tuloy bawal mahina ang loob o yung tinatawag na emotional baka kasi once na nakaharap mo ang lalaking nang iwan sayo imbis na mag maldita ka at ipakita sa kanya na kaya mong mabuhay ng wala sya eh baka ang gawin mo mag drama at umiyak ng umiyak dahil bitter ka, wala sa vocabulary ng isang maldita ang maging emotional dahil ang emotional na yan ang tatalo sayu .

                      ••••••••••••

"Sanayin mo ang sarili mo na laging nakataas ang kilay , ahitan mo ng manipis para mapansin ka nilang mataray .. "

- Isa sa mga tinitingnan sa isang maldita , ay ang mukha , kailangan mukha pa lang alam na nila kung sino at anu ka , mas advantage tingnan kung alam mo yung expression mo na kahit bali baliktarin ang mukha mo , alam nila na maldita ka .

Wala naman tayung nakitang maldita na makapal ang kilay at laging naka simangot tsss para ka naman pinag bagsakan ng langit at lupa kailangan maging proud ka at kaya mong pangatawanan ang pagiging maldita , dapat istura pa lang pamatay na ..

Lagi mong itataas ang kilay mo kung san at anu man ang gagawin mo , sa umpisa mahihirapan ka pero pasasaan bat masasanay ka din sa pag taas ng kilay , kilay pa lang dapat mapansin na agad para hindi mo na kailangan mag sabi na isa kang maldita , kasi sa kilay pa lang alam na nilang mataray ka at isang maldita. .

Kilay ang isa sa mga tinitingnan ng mga tao , would you think kung makapal ang kilay mo masasabi ba nilang maldita ka?? Hindi diba bagkus ang iisipin nila na isa kang bruha at weird unlike pag manipis ang kilay mo lahat sila iisa ang sasabihin " Ang taray mo teh "

                        ••••••••••••

" Kapag may hindi ka nagustuhan sa pag sasalita gamitin mo yung famous lines ko na " Hindi ka naman siguro tanga para .... " in that way mas maasar pa sya lalo sayu at paniguradong aatras ang dila nya. "

Isa sa mga pambato ng isang maldita ay wag na wag kang mag papasaw sa kanila hanggat maaari wag na wag mo silang bigyan ng pag kakataon na makapag salita dahil once na naubusan ka ng sasabihin at lalaitin maaari ka nilang matalo at hindi mag work ang pagiging maldita mo .

Para maging effective gamitin mo yung famous lines ko na " Hindi ka naman siguro tanga para .... " in that way marerealize na kaaway mo na wala syang ibubuga sayo , hanggat hindi mo sya nakikitang tumitigil sa pag sasalita wag na wag ka ding tumigil sa pang lalait sa kanya ..

At kapag alam mong tumahimik na sya at nakita mo na may luha na sa mga mata nya tingnan mo lang sya mula ulo hanggang paa sabay tumawa ka ng nakakaluka yung ngiting tagumapay .

Dahil ang tunay na maldita alam kung paano paiikutin ang kaaway , magaling mag isip kung paano sya papaikutin at lalaitin , dapat kapag nag bitiw ka ng salita alam mong matatamaan sya ng bonggang bongga.

Lala's Tips on how to be Professional MALDITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon