•••••••••••••
" Nakakatawa yung mga taong gumagastos pa para sapawan ang iba. Alam mo tawag dun? INGGITERA! "
- Gaya ng lagi kong sinasabi , sa mundo ng mga maldita maraming inggitera hayaan mo lang sila na lumuwa ang mga mata nila , tandaan walang magandang maidudulot kapag pinatulan mo pa ang bagay na yan , its better na mag focus ka na lang kong paano pa magiging isang professional maldita hayaan mo lang sila na mag mukhang tanga at kawawa sa paningin mo.
Isipin mo na lang na kahit anong gawin nila hindi ka nila mahihigitan dahil wala silang originality at ang mga taong mahilig ma inggit hanggang dyan na lang sila , kaya kong ako kayo , bakit hindi niyo na lang subukan na mag maldita at least kahit paano alam mo kong ano ang gagawin , dahil sa totoo lang nakakainis kayong mga inggitera , ang sarap nyong durugin.
And speaking of maldita , mas nabibigyan pa kayo ng chance na mapabilang sa mga maldita, malay mo isali pa kita sa fans club ko para kahit paano makilala ka bilang maldita , hindi yong puro inggit na lang ang pinapairal mo , sabi ko nga walang gamot sa inggit kaya kong ako sayo tigilan mo na yan.
Mag mumukha ka lang tanga at trying hard dahil sa walang ka kwenta kwentang dahilan na pinag sasabi mo, at hindi ugali ng mga maldita ang mag paliwanag sa mga taong inggitera. Instead iniinis pa sila lalo dahil madali silang mapikon in other words tanga lang talaga sila.
•••••••••••••
"Wag kang maarte kong hindi ka maganda. "
- Sabi ko nga kong mag iinarte ka lang make sure bagay sayo dahil nag mumukha ka lang tanga dahil sa pinag gagawa mo na akala mo nakakatuwa pero ang totoo nakakaasar talaga sila , lalo na kong gaano sila ka arte kapag nag sasalita na akala mo hindi marunong mag salita dahil kinakain na ang mga sinasabi.
Since isa kang maldita , ipakita mo sa kanila yong pinaka the best panlalait mo para naman sa ganon matauhan siya na hindi bagay sa kanya ang pag iinarte dahil nag mumukha lang syang kawawa at nakakairita yon sa paningin ng mga maldita kaya nga ang sarap nilang sampulan ng bonggang bongga para naman ma realize nila kong ano ang ginagawa nila.
Totoo naman talaga na nakakainis yong mga nag iinarte na akala mo bagay sa kanila pero ang totoo para lang talaga silang tanga , minsan nga iniirapan ko na lang sila at pinapakita kong gaano ako ka Maldita para naman sa ganon mainis siya. Kakaluka ayusin niyo yang pag iinarte TSS
Okay lang naman mag inarte , make sure bagay sayo , hindi yong mukha kang tanga sa pinag gagawa mo , matuto kang ibagay ang lahat , pasalamat ka wala ako dyan dahil kong hindi baka sa kangkungan ka pulutin. Hindi sa lahat ng oras pwede kang mag inarte baka pag may makakita sayong maldita , ewan ko lang kong magawa mo pang mag inarte.
•••••••••••••
"Di mo kailangan magkunwari dahil sabi ko nga mag mumukha ka lang tanga. "
- Ipakita mo kong ano ka , hindi mo kailangan mag kunwari dahil mag mumukha ka lang tanga , kong talagang maldita ka yon ang gawin mo. Hindi yong mag mamaldita ka e napipilitan ka lang naman , sabi ko nga kong hindi mo talaga gusto ang ginagawa mo wag mo na lang gawin dahil mag mumukha ka lang tanga at kawawa.
Wag mong pilitin kong hindi mo naman kaya , sabi ko nga ang mga tips na to ay para lamang sa mga gustong maging maldita kaya hindi kita pinipilit kong anong gagawin mo , choice mo yan eh , kong talagang hindi mo kaya na mag maldita its better na wag mo na lang i-try ang mga tips ko dahil for sure naman na para ka lang tanga.
Sabi ko nga ang pagiging maldita ay hindi madali , madami kang babaguhin para maging isang certified maldita , mahirap pero ganon talaga , ikaw din naman ang mag bibenefits ng lahat ng ginagawa mo. Always remember na ganon talaga pag nag mamaldita madami kang gagawin para hindi ka maging mahina sa paningin nila.
Dahil sabi ko nga, kong sawa ka na sa pagiging mabait , bakit hindi mo subukang mag maldita para naman sa ganon alam mo na hindi habang buhay pwede kang maging mabait , pairalin mo lang kong ano ba ang dapat , pasasaan bat magiging effective din ang lahat , magiging isa kang professional maldita.
•••••••••••••
"Kapag nagpopost ng quotes sa fb at twitter may pinagdadaanan agad? Di ba pwedeng nagshare lang ng quotes? "
- Yung mga bitter na laging nag popost ng mga kadramahan sa buhay na kapag tinanong mo sasabihin nila "Bitter agad ?? " yan ang kadalasang sinasabi nila , TSS ang totoo lang talaga gusto lang nila na mag papansin na akala mo nakakatuwa sila , mga epal , na walang magawa sa buhay.
Tapos ikaw naman na nag babasa lang maiinis ka , dahil kong ano anong mga ka bitteran ang pinag popost niya , matuto kasing umilag lalo na kong hindi naman sayo ang post na yon , dahil para ka lang tanga na naiinis dahil sa mababang dahilan , wag mo na lang pansinin , hayaan mo na lang dahil don siya masaya o di kaya i-block mo or i-scam mo yong account niya para matahimik na siya.
At ikaw naman ate kong wala kang magagandang ipost wag na lang , puro ka dramahan ang alam mo , masyado kang papansin , kong gusto mong mag papansin kumain ka ng pako para naman sa ganon mapansin ka nila hindi yong post ka ng post na hindi naman totoo. Masyado kang paasa sarap mong batuhin ng sapatos.
Dahil sa ka bitteran mo pwede ka ng magtayo ng store ng mga ampalaya at least bagay sayo and I'm sure magiging hit ang store mo para naman sa ganon may kahihitnan yang ginagawa mo , hindi yong patama ka ng patama sa mga post mo na akala mo nakakatuwa sarap mong gawing shake sa sobrang bitter mo.
•••••••••••••
"Wag mong ipilit ang sa tingin mo ay hindi naman dapat. "
- Siguro naman naiintindihan niyo kong ano ang sinabi ko " Wag mong gawin kong hindi mo naman kaya " dahil mag mumukha ka lang tanga dahil masyado kang trying hard na maging maldita kaya if I were you wag mo na lang gawin dahil baka hindi lang kita matantya sa kangkongan ka pa pulutin.
Sabi ko nga kong gusto mo talaga ang isang bagay gagawa at gagawa ka ng way para makuha yon at kapag ayaw mo, I'm sure marami kang dahilan para hindi mangyare yon , its better na pinag iisipan mo ang mga bagay na alam mong magagawa mo para hindi ka mag sisi sa huli , siguro naman naiintindihan mo kong ano ang point ko.
Well , kong ako ang tatanungin, base on my experience masasabi ko na hindi ako nag sisisi na isa akong professional maldita dahil nagagawa ko yong mga bagay na akala ko hindi ko magagawa and beside kailangan din nating matuto sa kong ano ang ginagawa natin , like dati akala ko hindi ko kaya mag maldita pero look at me now , ako na ang pinakamaldita sa balat ng lupa.
Wag ka munang mag isip ng kong ano ano lalo na kong hindi mo pa naman nagagawa , gawin mo muna ang isang bagay para ma realize mo kong ano ba ang dapat , lagi mo lang tatandaan na kaya ka nag mamaldita dahil ginagawa mo yon para makita nila na hindi habang buhay pwede kang maging mabait. Gets ??