•••••••••••••
"Pag may kaaway ka, UTAK gamitin mo. Hindi yung nakikipag away ka ng PISIKALAN. Napaghahalatang palengkera ka. "
- Sabi ko naman sa inyu kapag nakikipag away wag na wag kang gagamit ng physical movement like sasabunutin mo sya or sisipain , dahil ang tunay na maldita salita pa lang masasaktan na sya at hindi mo kailangan bugbugin sya ng nakakaluka dahil sabi ko nga hindi mo sila ka level para gawin ang bagay na yun.
And beside , hindi ka taga informal settlers para gawin mo yung bagay na yun , ipakita mo sa kanya na iba sa kanila sapat na kung paano mo sya laitin ng naayun sa itsura nya, sapat na ipamukha mo sa kanya kung anung kaya mong gawin at ipakita sa kanya.
At once na sya ang unang nanakit sayu , dun mo gagawin ang tinatago mo , wag kang papayat na sabunutan o sampalin ka , kaya gantihan mo sya , make sure na once na gumanti ka , alam mo na kaya mong higitan kung anu man ang ginawa nya , wag na wag kang mag uumpisa na gulo.
Try to be professional, wag na wag kang gagamit ng physical okay ?? Ipakita mo lang sa kanya na hindi ka natutuwa sa kanya , in that way malalaman nya at maiinis sya sayu dahil hindi ka interesado at wala kang pake sa kanya.
•••••••••••••
"Pag sinabihan ka nito.. "Kung maka asta ka akala mo kung sino kang maganda!" ito ang tamang sagot. "Hindi ko sinasabing Maganda ako, ang sinasabi ko lang Panget ka!" "
- Sabi ko naman sa inyu na sa buhay ng isang maldita hindi talaga mawawala yung mga bashers na naiinggit sayu , syempre as i said wag mo na lang silang pansinin dahil yun naman talaga ang point natin eh ang pag usapan at kainggitan nila kaya be calm lang at ngitian mo lang sila , yung ngiting nakakaasar.
Pag sinabihan ka nito.. "Kung maka asta ka akala mo kung sino kang maganda!" ito ang tamang sagot. "Hindi ko sinasabing Maganda ako, ang sinasabi ko lang Panget ka!" , dapat alam mo kung paano sya babarahin at kung paano sya lalaitin dahil for sure mas lalo pa syang magagalit sayu.
Syempre sasabihin mo yun sa nakakasakit na salita para feel na feel nya ang impact at mararamdaman nya na napapahiya na sya dahil sa ginagawa mo , the more na naiinis sya sayu the more na dapat ipahiya mo sya para mas lalo pa syang mainis.
Tandaan , hindi dapat nag papatalo ang isang Maldita dapat alam mo yung kakayahan mo at alam mo ang kahinaan mo para once na nag maldita alam mo kung paano mo uumpisahan at kung paano mo tatapusin , dahil sabi ko nga hindi ka lang isang maldita kung hindi isang magaling na artista.
•••••••••••••
"Kapag kinausap ka tingnan mo lang sya at gamitin mo yung maldita looks , and that way agad nyang masasabi na maldita ka. "
- Wag na wag mong ipapakita sa kanya na interesado ka sa sinasabi nya , tingnan mo lang sya o yung tinatawag na maldita looks para agad nyang mareliaze na mukha syang tanga sa ginagawa nya , in that way mananahimik na lang sya dahil nakita nya sa mga mata mo na hindi ka interesado sa kadramahan at kaartehan nya.
Hayaan mo lang syang mag mukha tanga dahil unang una , hindi ka nag sasayang ng oras sa mga taong hindi mo naman kilala and beside wala ka talagang oras na makipag plastikan sa kanila dahil sabi ko nga hindi mo kailangang mag panggap dahil unang una hindi bagay sayo na mag kunwari okay .
Hanggat maaari hayaan mo lang sya na mag salita or else kunin mo yung cellphone mo at mag kunwari na may katext ka sabi ko naman sa inyu mahirap maging maldita , mahirap maging kagaya ko , pero dahil sa mga tips na to for sure kahit paano mag kakaroon kayu ng idea.
Kasi naman nakakainis kasi makakita ng tanga sa mundo kaya ang sarap nilang banatan at pag mukhaing tanga dahil unang una hindi sila nakakatuwa sa mga pinag gagawa nila , kaya dapat lang na maranasan nila kung anung kaya mong gawin .
•••••••••••••
"Dont say Hi , hindi mo kailangan mag papansin dahil ang tunay na maganda sya ang pinapansin . "
- Dont say Hi, siguro naman naiintindihan mo na kung anung ibig kong sabihin , hindi mo kailangan mag papansin sa kanila dahil unang una hindi mo sila kagaya dahil sabi ko nga try to be professional maldita at yun lang ang pwede mong gawin at wala ng iba.
And beside ang tunay na maldita hindi yan nag papansin tandaan hindi ka KSP , yung tinatawag na Kulang sa Pansin , dahil gaya nga ng sinabi ko ikaw ang pinansin at hindi sila at yun ang ipakita mo at panindigan sa kanila dahil para mo na ring sinabi na ka level mo sila at hindi mo matiis na pansinin sila.
Wag kang mag bait baitan dahil ako na ang nag sasabi sayu na hindi bagay sayu at mag mumukha ka lang tanga , dahil once na naging mabait ka uulit ulitin na nila yun hanggang sa makalimutan mo na isa kang maldita , in that way hindi ka na magiging member ng fans club ko.
Dahil sabi ko nga ang mga tips na to ay para lamang sa mga gustong maging maldita at sawa na sa pagiging mabait at kung hindi mo kayang panindigan ang pagiging maldita good luck sa pagiging loser mo , dahil concern lang ako sayu at concern lang din ako sa lahat ng pwedeng mang api sayu.
•••••••••••••
"Mas magiging attractive maldita ka kung magsusuot ka magagandang damit lalo na yung damit na agaw eksena. "
- Damit pa lang maiinis na sila sayu , dahil sa dami ng inggetera sa mundo for sure pag uusapan ang maganda mong damit na agaw eksena , in that way hindi mo na kailangan pang mag maldita at mag salita dahil sa damit mo pa lang parang pinamukha mo na sa kanila kung gaano sila katanga.
At pag alam mo ng nasa sayu na ang atensyun nila saka mo gamitin yung tinatawag na lakad maganda , oh baka naman nakalimutan mo na yung lakad maganda ng isang maldita ?? Tsss ganito lang yun , tumayo ng tuwid , taas ang kilay , tumingin ng deretsu at lumakad na parang model , yun ang tinatawag na lakad maganda , sana naman hindi mo makalimutan okay.
Dahil once na ginawa mo yun iisipin nila na feel na feel mo yung ganda mo at wala silang pake kung anung gawin mo dahil unang una hindi mo kasalanan kung ang daming tanga at inggetera sa mundo kaya hayaan mo lang na lumuwa ang mata nila sa sobrang inggit sayu .
Dahil sabi ko naman hindi ka lang basta basta maldita kung baga whole package ka or in other words sinalo mo lahat ng kamalditahan sa mundo , sabi ko naman sa inyu hindi basta basta ang pag mamaldita kaya nga kailangan mo munang maging observant kung paano ba mag maldita para maging madali pag ikaw na ang nasa situation , getss ??