•••••••••••••
" Ito ang tamang sagot para sa mga mahilig mag mura kapag nag sasalita " Sobrang BAHO naman ng lumalabas sa BIBIG mo, nagseselos na tuloy pati PUWET mo! " "
- Yung mga taong walang ginawa kong hindi ang mag mura ng mag mura kahit nag sasalita lang , akala mo naman kong nakakatuwa silang pakinggan , pero ang totoo ang sarap nilang batuhin ng tsinelas , yung bang wala namang reason para mag mura , mura pa din ng mura , yung totoo ?? Hobby niya lang talaga?? Tsss subukan niya lang akong ganyanin at makakatikim siya ng malupit na sampol.
Like for example yung taong mura ng mura let's say " Tang*na naman oh tang*na talaga hindi ako makakauwi tang*na talaga badtrip ang traffic tang*na oh ". Diba nakakainis yung ginagawa na nyang salita yung pag mumura na akala niya nakakatuwa syang pakinggan tsss ugaling palingkera.
Yung mga nag mumura kasi , sila yung mga tinatawag na walang pinag aralan dahil puro pag mumura ang alam sa buhay , kaya ikaw bilang isang maldita wag na wag kang mag mumura dahil ang tunay na maldita , hindi marunong mag mura sapat na yung tingin mo pa lang asar na sila and beside para mo na ring sinabi na mababa ang level mo at hindi mo kayang itaas ang sarili mo.
Alam mo naman na tayong mga maldita ang sisira at babara sa kanila dahil unang una hindi sila nakakatuwa kaya gawin mo lang kong ano ang dapat , ipamukha mo sa kanila kong ano ang nababagay sa mga taong hobby na ang mag mura , juice colored tssss ang pag mumura nilulugar yan hindi ginagawang hobby.
•••••••••••••
"Hindi mo kailangan mag explain dahil ang tunay na maldita tingin pa lang may kahulugan na. "
- Gaya nga ng sinabi ko , hindi mo kailangan mag paliwanag ng kong ano ano , sapat na yung tingin mo para masabi nyang maldita ka , hindi mo na kailangan pang pahabain at ipaliwanag sa kanya sapat na yung kong paano ka mag salita at syempre yung facial expression mo , hindi mo na kasalanan kong hindi niya ma gets kong anong sinasabi mo.
Pero make sure na once na mag salita ka , alam mo na tatagus mula ulo hanggang paa ang sinabi mo para worth it , hindi yung para kang tanga sa kakasalita pero hindi naman siya na aapektuhan , tandaan isa kang maldita at hindi tanga kaya be alert all the time.
Hayaan mo syang mainis sayo dahil ganon naman talaga ang rule natin ang mang inis ng mang inis dahil yun naman talaga ang bagay sa kanila , tsss hindi naman natin kasalanan kong bakit ang daming tanga sa mundo kaya dapat lang sa kanila yun , sabi ko nga hindi naman tayo mag mamaldita kong walang tanga sa mundo.
Basta lagi mong tatandaan , na 80 % ng pagiging maldita natin ay nanggagaling sa facial expression and the rest kong paano ka magsalita , kaya one thing na importante sa tin is yung looks natin para malayo ka pa lang alam na niya kong anong klase ka dahil sabi ko nga sa tingin pa lang alam na nilang maldita ka at hindi mo na kailangan pang mag salita ng kong ano ano.
•••••••••••••
"Kung alam mong umorong na ang dila ng kaaway mo , sabihan mo sya ng " Kung nakakasakit ang attitude ko, malamang baldado ka na." Sabay irap sa kanya "
- Normal lang talaga na nakakasakit ang mga salita natin kaya hindi mo kailangan mag sabi ng sorry dahil sabi ko nga ang mga maldita hindi yan basta basta nag sasabi ng sorry kaya if I were you kong mahilig kang mag sabi ngayon pa lang sinasabi ko sayo na hindi ka magiging isang professional maldita , dahil ang tunay na maldita hindi marunong maawa.
Dahil kong paiiralin mo ang awa mo magiging mukhang mahina ka lang sa paningin nila para san pa at kinawawa mo yung tao and at the end sasabihin mo lang naman pala na "Sorry " diba?? Para ka lang tanga at hindi mo kayang pangatawanan ang sarili mo at kong anong kaya mong gawin. Dahil sabi ko nga hindi naman tayo mag mamaldita kong walang mahihinang tao na hindi kayang ipag tanggol ang sarili niya.
Always remember na kaya tayo nagiging maldita para tulungan sila na palakasin ang loob nila na kaya din nilang ipag tanggol ang sarili nila , dahil hindi habang buhay tanga sila syempre darating ang araw na gusto din nilang maging maldita kaya nga para san pa ang mga tips na kong hindi ko naman kayo matutulungan.
Kaya pasalamat dahil kahit paano matutulungan kitang paunlarin at maging malakas sa sarili mo , always remember na kaya mo binabasa ang mga tips ko dahil gusto mong maging isang maldita , basta make sure na kaya mo at gagawin mo , sabi ko naman ang pagiging maldita hindi yan basta basta dapat alam mo kong paano gagawin.
•••••••••••••
"Sabihin mo lang kung anung nakikita mo sa kanya , laitin mo sya ng naaayon sa itsura. "
- Sabi nga " What you see is what you get " kong ano ang nakikita mo yun ang sabihin mo , hindi mo kailangan gumawa ng kwento na hindi naman talaga totoo dahil to tell you honest mag mumukha ka lang tanga at tsismosa dahil wala namang kwenta ang mga sinasabi mo , always remember na hindi mo kailangan mag sabi ng kong ano ano sapat na yung maramdaman niya kong ano ang totoo.
Dahil once na naramdaman niya kong gaano kasakit ang totoo doon mo makikita ang kahinaan niya at syempre dahil alam mo na ang kahinaan mo siya , palalawakin mo yun hanggang sa buminggo siya , tandaan kapag natumbok mo yung kahinaan niya hindi niya magagawang ipag tanggol ang sarili niya dahil totoo ang mga sinabi mo.
Syempre once na ikaw ang nasa situation hindi ka papayag na basta na lang tatahimik at mag mumukhang tanga sa isang tabi , syempre kailangan mong ipakita kong gaano ka kamaldita , kailangan kaya mo syang lamangan at barahin and make sure na mas doble pa compared sa mga sinabi niya .
Dahil sabi ko nga hindi natin ugali ang mag patalo , dahil para san pa at naging maldita ka kong sa isang salita lang nila hindi mo na kayang ipag tanggol ang sarili mo , tsss come on , hindi mo kailangan maging mahina para sa kanila, maldita ka at hindi ka mahina, just prove yourself na isa kang professional maldita.
•••••••••••••
"Kapag nakita mo yung ex mo na kasama yung malanding pinalit sayo , wag kang mag alala, ganyan talaga ang TAE...nilalangaw. "
- Kapag iniwan ka na eh di iniwan ka , hindi yung mag mumukmok ka sa isang tabi at mag mumukhang bitter tsss , hindi bagay sa isang maldita ang gumanyan ganyan , diba sabi ko , kapag iniwan ka ng boyfriend mo , matuto kang mag move on dahil sabi nga lahat ng iniiwan gumaganda and beside isipin mo na lang na hindi siya kawalan sayo , madami pang mas deserve sa kanya .
Syempe in case of accident , hindi naman talaga naiiwasan na mag kita kayo , kong bakit ba naman ang liit liit ng mundo , at talagang pinag tatagpo pa talaga , at ang malupit kasama niya pa yung pinalit sayo na mukhang paa , isipin mo na lang na ganon talaga ang tae nilalangaw.
Ipakita mo sa kanya kong anong kaya mong gawin na hindi siya kawalan, at kaya mong mabuhay na wala siya , syempre pag once na nag kita kayo ipakita mo sa kanya na hindi ka bitter dahil para ka lang tanga nun , masyadong trying hard na akala mo kong okay lang pero halata naman sayo .
Ganon talaga , dapat kang masanay , na hindi araw araw pasko , at hindi araw araw kilig , wag kang mag inarte dahil baka hindi lang kita matantya , jusy move on or else mag fucos ka na lang sa pag mamaldita dahil baka ma bigyan pa kita ng award , lalake lang yan , kaya wag mo kong aartehan.