•••••••••••••
"Hindi kailangan magpakita ng pusod at hindi kailangan naka-todo ang make-up. Dahil ang tunay na MALDITA NGITI PA LANG, PAMATAY NA! "
- Yes tama naman diba , hindi mo kailangan ipakita ang pusod at mag make up ng todo todo dahil unang una hindi ka pukpok sapat na yung ngiti mo na maganda ka , dahil hindi gawain ng mga maldita ang makipag sabayan sa mga taong nadadala lang sa make up , ipakita mo sa kanila na mas maganda ka sa kanila.
Syempre ipapakita mo yun sa pamamagitan ng pag ngiti ng maganda , para isipin nya na wala syang binatbay sayu dahil mukha syang clown na binuhusan ng aswete sapat na yung ngiti para maasar at mapikon sya sayu. Hayaan mo syang ipakita ang pusod nyang maitim , tingnan mo lang sya nang nakakaluka.
Observe mo lang sya kung paano sya gumalaw , mukha lang naman syang tanga sa pinag gagawa nya dinaig nya pa yung mga tumatambay sa kanto , sabi ko naman sa inyu expression pa lang dapat affected na sya sayu at hindi mo kailangan mag salita ng kung anu anu.
Syempre gagawin mo yun kapag alam mong nag umpisa na syang gumalaw , always remember yung mga sinabi ko laitin mo sya ng naaayun sa nakikita mo hindi ka basta basta mag mamaldita ng hindi naman totoo dahil para ka lang tanga na nag sasalita sa hangin , what you see is what you get.
•••••••••••••
"Pag sinabihan ka nito.. "Ang ganda mo!" Ito ang tamang sagot. "Thank you. Sana ikaw rin!" "
- Kung alam mong maaasar sya at maiins gawin mo yung dapat , hindi ka na pwedeng umatras lalo na sya na yung nag bigay ng motibo na laitin mo , hayaan mo syang mapikon dahil unang una hindi ka nakikipag biruan at totoo lang ang sinasabi mo.
Tandaan hindi marunong makipag biruan ang isang maldita , hayaan mo syang mapahiya ng bonggang bongga dahil unang una hindi sya nakakatuwa at masyado syang feeling close sayu , dahil sabi nga hindi ka mag mamaldita kung hindi ka lait lait ang itsura nya.
Pag alam mong tumahimik na sya , alam mo na kung anung ibig sabihin, ibig sabihin lang nun affected sya at nasaktan mo sya ng sinabi mo yun hindi mo kasalanan kong masyado syang mabait isipin mo na lang na "buti nga sayu akala mo kinaganda mo yan tsss . "
Hayaan mo syang mag tampo , hindi mo kasalanan kong pumanget sya at wag na wag kang mag sasabi ng sorry dahil sabi ko nga wala sa vocabulary ng isang professional maldita ang salitang yan hayaan mo lang sya , kung pwede mo syang tingnan ng nakakaluka gawin mo para double impact.
•••••••••••••
"Laging magdala ng alcohol para iwas virus sa kanila. "
- Hindi mo kilala kung sino ang nakakasalamuha mo sa araw araw dahil hindi porket maldita ka hindi ka na pwedeng mag kasakit , tandaan yung health natin ang importante sa lahat dahil paano ka mag mamaldita kung mukha kang tanga sa ginagawa mo.
Safety lang naman , lalo na pag nakakaharap mo yung mga mukhang palaka at hindi marunong mag toothbrush , kung pwede nga lang sila na buhusan ng alcohol ginawa ko na pero since maldita tayu hindi natin dapat ginagawa ang bagay na yun , always remember hindi tayu nanakit ng physical dahil mas masakit yung emotional.
One thing para mapansin yung alcohol factor mo. Mag lagay ka sa maraming tao paea mapansin ka nila at wala kang alam sa sasabihin nila dahil unang una alam mo na kung anu ang magiging reaksyun nila , syempre kailangam feel na feel mo yung pag lagay ng alcohol.
After that, tumingin ka sa kanila at irapan mo sila ng bonggang bongga sabay lakad maganda na parang nangyare , ganun naman talaga wag nating kakalimutan na ang isang maldita mahilig mang inis at mang bwesit dahil the more na maraming naiinis sayu the more na maraming nakakakilala sayu .
•••••••••••••
"Minsan pag alam mong naaasar na yung kaaway mo , gumamit ka ng pabebe word para lalo syang mainis."
- Pag alam mong naaasar na sya at naiinis sayu wag kang tumigil sa pang bubwesit sa kanya , dahil hanggat hindi mo sya tinitigilan lalo pa syang maiinis sayu at dun ka makakakuha ng magandang moves hayaan mo lang syang tumikom ginusto nya yan eh.
Para lalo syang mainis o maasar sayu mag salita ka in a way of pabebe word , para ma realize nya kung hanggang saan ang kaya mong gawin sa kanya , kaya masanay ka na kung paano mo mas pagagandahin ang pag mamaldita mo dahil sa dami ng tanga sa mundo I'm sure dapat alam mo kung paano mo mas pagagandahin ang pag mamaldita mo.
Tandaan hindi ka basta basta maldita na kahit mag harap harap lahat ng maldita sa mundo kaya mong makipag sabayan at hindi ka mag mumukhang tanga , dahil sabi ko nga ang tunay na maldita kahit anung scenario kayang mag maldita dahil wala tayung pinipiling lugar at oras para makapag maldita.
Dahil once na ginamit mo yung pabebe word na yan mas magiging duble ang inis nya sayu dahil to be honest nakakapikon talaga ang mga pabebe , since maldita ka kaya dapat alam mo kung paano mag salita at kumilos ng super duper maarte para ramdam nya lalo ang inis nya sayu pero don't forget wag na wag mong kakalimutan yung taas kilay moment okay ??
•••••••••••••
"Mag earphone tuwing sasakay ng jeep tapos lingon lang sa labas at wag mag abot ng bayad ng iba. "
- Nasabi ko ma dati na nakakainis yung ginagawa kang kundoktor sa loob ng jeep pero sabi ko nga hindi mo pwedeng gawin yun dahil isa kang maldita kaya hayaan mo silang mangawit at mag mukhang tanga sa kung anung ginagawa nila basta wag mo na lang silang papansinin .
Much better kung mag lalagay ka na lang ng earphone para kunwari hindi mo sila naririnig at wala kang pake sa kanila , hayaan mo silang mainis sayu dahil unang una hindi ka utusan para kunin yung bayad nila , at isa pa hindi ka uto uto at isa kang maldita .
Pakiramdaman mo lang sya , hayaan mo kung para na syang tanga at kung anu anu ng sinasabi ,dahil sabi ko nga hindi mo kailangan mag salita para masabi nilang maldita ka sapat na yung pag hindi mo pag pansin sa kanya at wala kang pake kung anung pinag lalaban nya sa buhay.
Saka mo sya tingnan ng nakakaluka, syempre wag na wag kang mag sasalita sapat na yung nakataas mong kilay para mainis pa sya lalo dahil sabi ko nga ang mapikon talo at hindi mo kasalanan yun o di kaya gamitin mo yung pamatay na lines na sinasabi ko.