•••••••••••••
"Pag may tumabi sayu paringgan mo sya ng " Amoy daga " sabay tingin sa kanya. "
- Hindi mo yun sasabihin ng basta basta , sasabihin mo yung lines na yan sa isa sa mga nakakaasar na salita kung baga , aarte mo yung pag sasalita sabay tingin sa kanya , once na tumingin ka sa kanya tingnan mo kung anu ang magiging reaksyun nya , after that tingnan mo sya ng nakakaluka at irapan mo sya ng bonggang bongga.
Kapag nag react sya sa sinabi mo , tawanan mo na lang sya dahil para nya na ring inamin na amoy daga sya , at pag nakita mo sya na nag uumpisang mag hestirical hayaan mo lang sya pasasaan bat titigil din yan at marerealize nya kung anung ginagawa nya in that way saka mo sya banatan ng malupit na lines.
Hindi mo kailangan mag explain sa kanya dahil unang una sya yung unang nag hesterical , sapat na yung tingin mo sa kanya para matauhan sya and beside ang lakas ng loob nyang mag hesterical eh hindi naman sya ang sinasabihan mo.
Kapag hindi pa sya tumitigil walk out na wala kang talo sa amoy daga , hindi mo kailangan pag aksayan ng mga oras yung mga ganung tao , i reserve mo na lang sa iba para masaya , pasasaan bat tatahimik din yan at mapapahiya kung anung ginawa nya .
Dahil wala ka pang ginawa pero sya sobrang affected dahil sa sinabi mo , sabi nga ang maasar talo , ngumiti ka lang habang nag lalakad dahil syempre gumana na naman ang pag kamaldita mo ng bonggang bongga , ganun naman talaga , try and try at pasasaan bat magiging isang professional maldita ka .
•••••••••••••
"Pag sinabihan ka ng panget sabihan mo sya ng " Anu ka pa ?? " sabay irap "
- Sa mundo natin hindi talaga maiiwasan ang mga magagaling manlait at isa na nga tayung mga maldita pero once na may nag sabi sayung " Ang Panget mo " tingnan mo sya mula ulo hanggang paa syempre wag na wag mong kakalimutan yung pagtaas ng kilay sabay sabing "Anu ka pa ?? " sabay irap sa kanya .
Observe mo lang kung anung expression nya , syempre masasaktan sya ng sobra lalo na isang maldita nanggaling ang lines na yun , para mo na ring kasing tinapakan ang pride nya kaya sya naiinis sayu, syempre sabi nga ang mapikon talo .
Ganun naman talaga syempre part yun ng pagiging maldita kaya nga sinasabi ko sa inyu dapat magaling kang mang lait , para siguradong pikon at sya na mismo ang titigil sa pag sasalita dahil wala sa vocabulary naming mga maldita ang mag patalo kaya kung gusto mong maging kagaya namin matuto kang manlait .
Dahil para san pa at naging member ka ng fansclub kong hindi ka naman marunong manlait at mag maldita hindi ka muse wag kang piling baka di kita matantya , basta galingan mo lang at wag na wag kang mag papaapekto sa mga sinasabi nila o ng kaaway mo , sundin mo lang yung mga tips ko at tatawa ka ng bonggang bongga.
•••••••••••••
"Mag selfie ka sa lugar kung san maraming tao para mainis sila sayu."
- Madaming nag sasabi na nakaka awkward at nakakahiya mag selfie sa maraming tao , since isa kang maldita kailangan mong gawin yun para ma test mo sa sarili mo kung gaano ka kapal yang mukha mo , and beside sayang ang ganda kong ikakahiya mo lang sa public place .
Hayaan mo silang mainis sayu, anu bang pake nila moment mo yun , tandaan wala kang pakialam sa nararamdaman nila , na kahit lumuwa ang mga mata nila sa sobrang inggit wag na wag mo silang pag tutuunan ng pansin , basta gawin mo lang ang pinapagawa ko sayu.
Tandaan , pag makapal na ang mukha mo sa maraming tao , magiging madali na lang ang lahat para sayo dahil hindi ka na mahihirapan na kuntrolin ang hiya mo sa sarili , kaya magagawa mo na ang lahat ng mga ginagawa naming mga professional maldita .
Kahit na nag mumukha kang tanga sa paningin nila , wag na wag mo silang pansinin dahil para san pa at naging maldita ka kung papansinin mo sila, hayaan mong ikaw ang pansinin nila kasi ganun naman dapat , ganun pag alam mong isa kang certified maldita. Wala kang pakialam kung sinisira mo yung moment nila basta rules is rules , okay ??
•••••••••••••
"Lagi kang mag maganda para mapikun sila sayu."
- Lagi mong tatandaan na maganda ka , dahil ang pagiging maganda ay isa sa mga kinaiinisan ng mga taong insecure at hindi mo na kasalanan kung naiinggit sila , syempre hindi basta maganda lang kailangan malayu pa lang mapansin ka na nila.
Minsan kasi yung mga taong feeling maganda akala nila maganda sila yun pala hindi kaya nga nakakainis silang tingnan , pero dahil isa yun sa mga nakakainis na scenario at isa kang maldita kailangan mong matutunan kung paano ba gawin yun.
Simple lang , kumuha ka ng make up o kahit anung pampaganda para alam mo yung itsura mo. After that once na lumingon ka sa kaliwa o sa kanan kailangan alam mo kung anu ang itsura mo. Wag na wag mong iisipin na hindi ka maganda dahil mag mumukha ka lang tanga.
Basta ang importante lagi mong tatandaan na isa kang maganda , dahil ang pagiging maganda ay kinaiinisan at kinaiinggitan ng lahat kaya lumalakas yung confidence mo sa sarili at para maka pag maldita ng bonggang bongga.
•••••••••••••
"Kailangan kapag nag lalakad , yung lakad maganda para agad kang mapansin. "
- Lagi ko tong binabanggit sa story ko na His Playing The Maldita , well paano nga ba yung tinatawag na lakad maganda ?? Simple lang , ganito tumayo ng tuwid , itaas ang kilay at lumakad na parang model , siguro naman hindi sya madali.
Bakit ko ba to sinasabi ?? Simply because kapag maganda kang mag lakad malayu pa lang napapansin ka na at isa sa mga characteristics ng mga maldita yan , wala ka naman sigurong nakita na maldita na kuba kung mag lakad at wala ka namang nakitang maldita na hindi napapansin ?? Wala diba .
Kaya nga lakad pa lang , panalo ka na kasi wala ka pang sinasabi pero sila ang dami ng lumabas sa bibig nila na kung anu anu , at advantage yun sayu dahil may reason ka para pag malditahan sila , sabi ko naman sa inyu mahirap maging maldita , madami kang dapat malaman kung anu ang tama at hindi tama.
Aside from that , hindi mo na kailangan pang mag papansin sa kanila dahil naagaw mo na ang atensyun nila at kapag alam mo ng nakatingin sila sayu, mas gandahan mo pa yung pag lalakad mo para mainis sila at makakagawa ng hindi magandang comment sayu.