Lala's Tips 11

334 2 0
                                    

••••••••••••

"Pag sinabihan ka kung bakit mo sya tinitingnan , ito lang ang sasabihin mo , taas ang kilay "Hindi porket tinitingnan kita mula Ulo hanggang Paa insecure na ?? Hindi ba pwedeng ikinukumpara ko lang yung mukha mo sa paa mo ." "

- Minsan kahit wala kang ginagawa at nag lalakad ka lang , sasabihin nila na feel na feel mo yong pag lalakad mo , hayaan mo lang sila na mainggit sayo dahil unang una hindi mo naman sinabi na tingnan ka habang nag lalakad , hindi mo naman kasalanan kong maganda ka sa paningin nila at mukha silang palaka sa paningin mo.

Pag sinabihan ka kung bakit mo sya tinitingnan , ito lang ang sasabihin mo , taas ang kilay "Hindi porket tinitingnan kita mula Ulo hanggang Paa insecure na ?? Hindi ba pwedeng ikinukumpara ko lang yung mukha mo sa paa mo ." sa ka mo siya irapan ng bonggang bongga masyado syang confident sa sarili niya kaya bagay lang sa kanya kong anong sinabi mo.

Syempre masasaktan siya once na narinig niya ang salitang yon lalo na at sa isang kagaya mo nanggaling mga salitang yon kaya hindi mo kasalanan kong mukha syang paa , sapat na yon at mga tingin mo para mainis siya sa sayo at hayaan mo lang siya na magmukhang tanga , tandaan wag na wag kang mag papakita sa mukha mo ng emosyon dahil baka hindi ka niya tantananan.

Well kapag nangyare yon go on with the flow , wag na wag kang papayag na tapakan ang Ganda mo , ipamukha mo sa kanya na hindi ka niya kaya at wala syang laban sayo , remember yong mga sinabi ko sayo dapat madali kang nakakapag isip para alam mo kong paano paiikutin ang scenario.

••••••••••••

"Ang tunay na maldita hindi marunong maawa o magdrama. "

- Hindi mo dapat pairalin ang pagiging emosyunal mo dahil dyan ka lang mapapahamak, hindi mo dapat pinapairal yan dahil yan ang magiging dahilan ng pagkatalo mo , sabi ko nga bago ka mag maldita alam mo kong anong ginagawa mo dahil ako na ang nagsasabi ang pagiging Maldita ay hindi basta basta , mahirap pero alam ko na makakatulong to sa sarili mo .

Like for example , nilait mo siya tapos maaawa ka rin naman pala sana hindi mo na lang siya nilait dahil mukha ka lang tanga sa ginagawa mo , dapat kaya mong panindigan kong ano ka talaga hindi mo kailangan mag tago sa likod ng pag katao mo , sabi ko nga be professional , hindi mo kailangan maawa sa kanila dahil deserve naman nila kong bakit pinag malditahan mo sila.

Isa pa hindi mo din kailangan mag drama , hindi to teleserye para maging dramatic artist ka , yong totoo ?? Tssss hindi mo kailangan maging iyakin sa pagiging maldita dahil mukha ka lang tanga na umiiyak at nag mamaldita , ano to Bida Kontrabida lang ?? Dapat ipakita mo sa kanila na hindi ka mahina at kaya mong ipag tanggol ang sarili mo.

Dahil ang mga yan ang magiging dahilan ng pag ka bagsak mo hindi mo magagampanan ng bonggang bongga ang pagiging maldita kaya nga may mga tips ako para once na marealize mo na gusto mong maging maldita matutulungan ka ng mga tips ko ,mga tips kong paano maging professional maldita.

••••••••••••

"Kapag iniwan ka ng Boyfriend wag mong dibdibin isipin mo na lang sya ang nawalan at hindi ikaw. "

- Dun sa mga mukhang tanga na hindi maka move on sa ginawang pangloloko ng boyfriend , tsss gusto ko lang sabihin sayo na hindi bagay sayo ang pag iyak iyak move na teh anong petsa niya , kaya nga andito ako para tulungan ka dahil sabi ko nga ako ang magiging kakampi mo sa lahat ng mga ginawa nila sayo.

Isipin mo na lang na hindi ikaw ang nawalan kong hindi siya maraming lalake dyan sa tabi at hindi lang siya juice colored wag kang mag drama dyan dahil ang mga taong nang iiwan sayo , darating ang araw at sasabihin nila ang salitang sayang . Ipakita mo sa kanya na kaya mong maging maganda ng wala siya .

Wag na wag kang mag papaapekto kong ano man ang ginawa niya sayo , instead ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan at kaya mo syang palitan , tandaan ang mga maldita kahit ang bigat ng pinag dadaanan hindi yan basta basta sumusuko at pinapahalata kong anong pinag dadaanan natin dahil sabi ko nga hindi lang tayo maldita kong hindi isa rin tayong artista.

Be professional sa lahat ng bagay , wag na wag kang mag eemot dahil ako na ang nagsasabi sayo na mukha kang palaka sa ginagawa mo kaya dapat alam mo kong ano at paano mo ihahandle ang sarili mo , wag na wag kang susuko sa lahat ng bagay dahil yan ang magiging dahilan para maging certified maldita ka.

••••••••••••

"Kapag alam mong naiinis na ang kaaway mo , gamitin mo lang yung kuntrabida smile mo sabay taas ng kilay. "

- Sabi ko nga dati the more na naiinis siya sayo the more na dapat inisin mo na siya , para mainis pa siya sayo ipakita mo lang yong kuntrabida smile mo para alam niya at maramdaman niya pa lalo ang pagkainis dahil sabi ko nga ang unang mainis siya yong talo.

Sapat na yong kuntrabida smile mo para mainis siya sayo at kapag nangyare yon hindi mo na kailangan pang mag salita ng mga pamatay ng lines dahil sabi ko nga makuha ka sa tingin , dahil tingin pa lang pamatay na at hindi mo na kailangan pang mag salita ng mag salita para inisin siya tingnan mo lang siya ng nakakaluka sabay taas ng kilay to the ninth power.

Dahil walang mag mamaldita kong walang mahihina ang loob dahil para san pa at naging maldita tayo kong magiging kagaya din nila tayo sabi ko nga wala sa vocabulary nating mga maldita ang mag patalo dahil once na ipakita mo sa kanila na naaapektuhan ka sa ginagawa mo para mo na ring sinabi na ka level mo sila at hindi mo kayang maging isang maldita.

Tandaan hanggat nakikita mo silang naiinis dun mo dapat ipakita na masaya ka sa ginagawa mo para alam niya na hindi ka basta basta nag papatalo at wala kang pakialam kong anong ginagawa niya kahit na umiyak pa siya dyan ng dugo wala kang pakialam sa kanya hayaan mo lang syang mukhang tanga.

••••••••••••

"Para maging effective ang pagiging maldita , gumamit ka o gumawa ka ng sariling famous line. "

- Famous Line ?? Ano ba yon?? Yung tinatawag na famous lines kong sarili mong punch line para once na marinig nila ang lines na yon agad nilang malalaman na ikaw ang nag pauso non , kaya dapat unique o di kaya gayahin mo yong mga sikat na maldita kong ano yung mandalas nilang sabihin para mas lalong effective ang pagiging maldita mo.

Like for example gaya ng ginagamit kong famous lines ko sa story ko sa His Playing the Maldita , lagi kong sinasabi yung " Hindi ka naman tanga para ... " at ang nakakaasar na lines ko ang " Sasagot pa ?? " syempre hindi ko yon basta basta sinasabi ng basta basta , sinasabi ko yon sa nakakainis at nakakaasar na lines sabay iniirapan ko sila ng bonggang bongga para alam nila kong hanggang saan ang kaya ko.

Sabi ko nga diba para maka relate kayo kong paano ba mag Maldita ang professional na gaya ko , basahin niyo na lang yong story ko para madali nyong matutunan kong paano ba ang maging certified maldita dahil sabi ko naman sa inyu hindi ako mag kakaganito kong hindi lang ako natauhan.

Kaya nga nilabas kong mga tips ko dahil gusto ko lang I share sa inyo para maturuan kayo na maging matatag sa lahat ng mga nanglalait sa inyo hindi naman ako ganito ka maldita dati sadyang natauhan lang ako , nakakasawa na kasing mabait kaya nga naging ganito ako kamaldita tssss pati tuloy kwento ko nasasabi ko na dito tsss basta gawin niyo na lang kong ano ang sa tingin niyo ang tama , kaya hindi niyo ko masisisi kong bakit ganito ako ngayon.

Lala's Tips on how to be Professional MALDITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon