Lala's Tips 04

175 3 0
                                    

••••••••••••

"Pag may nag " HI " sayu , tingnan mo sya mula ulo hanggang paa sabay sabing "Who You ?? " "

- Tandaan na ang isang maldita hindi basta basta nakikipag usap sa mga taong feeling close , wag mong sayangin yung oras mo sa mga taong ganun , dahil hindi ka uto uto para makipag usap sa kanila hindi ka tanga kung hindi isang certified maldita at ang isang maldita hindi basta basta nakikipag usap , sabi nga nila " Don't talk to strangers "

Well kung ma encounter mo yung ganyang scenario , syempre hindi naman natin maiiwasan yung mga ganyan , simple lang ang gawin mo , tingnan mo sya mula ulo hanggang paa at sabihin mo ng nakakaluka ang salitang "Who you " dahil once na sinabi mo yun para mo na rin syang sinampal ng bonggang bongga.

At matatawa ka na lang sa reaksyun dahil mag mumukha lang syang feeling close sayu , syempre once na tumingin ka sa kanya wag na wag mong kakalimutan na itaas ang kilay mo para damang dama nya kung gaano ka kamaldita para sya na mismo ang matakot at lumayo sayu.

Wag na wag mo ding kakalimutan yung mga maldita facial expression para lalo syang masindak sayu ,alam mo naman tayung mga maldita , pinangingilagan at iniiwasan ng lahat dahil once na mag salita tayu baka sa kangkungan lang sila pulutin basta gawin mo lang kung paano sya maiinis at mapapahiya sa maraming tao.

••••••••••••

"Pag tumingin sayu yung taong hindi mo kilala , irapan mo agad. "

- Hindi natin maiiwasan yan , yung bang may tumingin sa tin na akala mo kung nakakita ng maganda which is true naman , ito lang ang gagawin mo , irapan mo sya ng bonggang bongga para maisip nya na isa kang maldita in that way hindi na sya titingin sayu.

And beside anu bang reason nya at tinitingnan ka nya ?? Diba wala ?? Alam naman natin na ayaw na ayaw nating tinitingnan nila tayu ng basta basta kaya nga gantihan mo sya ng pag irap para alam nya na hindi ka natutuwa sa kung anung ginagawa mo .

And once na inarapan mo sya mararamdaman nya na masama ang ugali mo kaya para mo na rin syang pinag malditahan dahil affected sya sa kung anung ginawa mo , take note inirapan mo lang sya at hindi ka pa nag sasalita ng kung anu anu pero sya affected na sa kung anu ang ginawa mo , yang yung tawag sa " Makuha ka sa kilay " looks .

Hayaan mo lang sya isipin mo na lang na dinudurog mo sya ng pinong pino sa utak mo, dahil gaya nga ng sinabi ko hindi mo kailangan mag maldita para mapansin ka na maldita , tandaan ang tunay na maldita tingin pa lang pamatay na.

••••••••••••

"Pag may nakita mong umiiyak yung katabi mo paringgan mo sya ng " Ang panget mo umiyak tsss" "

- Yung mga classmate mong iyakin na akala mo nakakatuwa silang tingnan , well since isa kang maldita lapitan mo sya at hayaan mo syang umiyak ng umiyak , tingnan mo lang sya hanggang sa sya ang tumingin sayu saka mo sabihin ang pamatay na lines ng isang maldita " Ang Panget mo umiyak tsss "

Syempre hindi mo yun basta basta sasabihin na lang , sasabihin mo yun sa isang nakakasakit na salita para ramdam nya ang impact , para marealize nya na hindi bagay sa kanya ang pag iyak iyak na yan at matutuwa ka na lang sa reaksyun nya dahil once na sinabi mo yun tatahimik na lang sya at hindi na iiyak .

Ganun ka dapat kagaling , kung baga kahit kunting salita masasaktan sya , sabi ko naman sa inyu ang pag mamaldita hindi basta basta , kaya nga binibigyan ko kayu ng mga nakakalukang tips , para magamit mo ng maayus once na naka encounter ng ganitong scenario.

Pag alam mong tumahimik na sya sa pag iyak , iwanan mo na sya para alam nya na naiinis ka sa pag iyak nya, and beside kung talagang gusto nya ang pag iyak hayaan mo lang sya gusto nyang pumangit ng bonggang bongga , ngumiti ka lang habang nag lalakad palayu sa kanya , syempre yung facial expression wag na wag mong kakalimutan.

••••••••••••

"Mas makakatulong din kapag nanunuod ka ng mga pambara lines para mabilis mo syang ma apply. "

- Pambara Lines ?? Anu ba tong mga pambara lines na sinasabi ko , well ito lang naman ang tinatawag na nakakasakit na salita kung baga ang ayus ng tanung nya at sasagutin mo sya sa nakakasakit na salita para madali mong malaman kung paano ginagawa ito try to watch sa mga internet or even in television.

Syempre hindi basta basta lang na manunuod ka , one thing na importante kapag nanunuod ka ng mga pambara lines , kailangan mong maging observant sa mga character dahil hindi ito ginagawa ng pa maldita way , kung di ito ay ginagawa in a normal way , kung baga para ka lang nakikipag usap pero damang dama nya kung anu ang sinasabi mo.

Para once na nakaharap mo yung plastic mong kaibigan alam mo kung paano sya barahan at kapag dinibdib nya yung mga sinabi mo dibdiban mo sya , joke lang , hayaan mo lang , sabi nga ang mapikon talo kaya wag na wag mong ipapakita sa kanya na naiinis ka sa kanya basta used the pambara lines.

Diba sabi ko naman sayu ang magaling na maldita , magaling ding artista , kaya walang dahilan para hindi mo magawa ang bagay na yan , oo nakakasakit talaga ang sasagutin ka ng pambara lines pero para san pa at naging professional maldita ka kung pati yan hindi mo kaya.

••••••••••••

"Wag na wag kang mag sasabi ng Sorry , kasi ang mga maldita hindi yan marunong mag sorry. "

- Wag mong sanayin ang sarili mo ng pag sabi ng sorry , dahil ang tunay na maldita hindi talaga marunongag sorry , dahil para san pa at naging maldita ka kung sa huli mag so sorry ka lang din eh di sana hindi kana nag maldita kung pati sa ganyan hindi mo kaya.

Tandaan ang mga taong nag sosorry ay sila yung mga taong mahihina at hindi kayang ipag tanggol ang sarili , dahil isa kang certified maldita hinding hindi mo kailangan mag sorry dahil makikita mo na lang na maiinis sila sayu dahil hindi ka marunong mag sorry.

Anu bang pake nila kung wala sa vocabulary nating mga maldita ang salitang sorry , mainis sila dahil yun naman talaga ang purpose ng isang maldita ang kainisan sya , kaya sorry na lang sila kung naiinis sila , hindi nila ikakaganda ang pag kainis nila sayu.

The more maraming naiinis sayu the more na maraming nakakakilala sayu, kaya kahit san ka mag punta sa loob ng campus , makikilala ka nila agad at kapag alam mong sa ikaw na ang pinag uusapan , gawin mo yung lakad maganda na sinasabi ko para lalo silang mainis sayu dagdag information din yun sa kanila kung gaano ka kamaldita at kung anu pa ang kaya mong gawin.

Lala's Tips on how to be Professional MALDITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon