Lala's Tips 15

142 1 0
                                    

••••••••••••

"Ang tunay na maldita dapat may Originality dahil kung wala kang ORIGINALITY para kana ring walang utak di ka marunong mag isip kung paano ka magiging UNIQUE. "

- Originality ?? Siguro naman alam mo na ang ibig kong sabihin ?? Sa isang maldita kailangan mayroon kang originality dahil dyan ka nila makikilala , kailangan alam mo kung paano mo paiikutin ang scenario dahil kung wala kang ORIGINALITY para kana ring walang utak di ka marunong mag isip kung paano ka magiging UNIQUE.

Kailangan iba ka sa kanila , lalo na sa pag tataray at pag mamaldita kaya nga kailangan talaga gusto mo yung ginagawa mo dahil mag mumukha ka lang tanga kong hindi mo naman talaga gusto ang ginagawa mo kaya be unique at tanggapin mo sa sarili mo na isa kang maldita para madali na lang sayo ang lahat.

Dahil once na pinairal mo yang kahinaan mo , hanggang dyan ka na lang at hindi mo magagawang ipag tanggol ang sarili mo dahil mahina ka , at ang mga taong yun ang dahilan kong bakit dumadami ang mga tanga sa mundo , wake up , hindi habang buhay mabait ka minsan kailangan mo ring ipakita na nakakasawang maging mabait .

Tingnan niyo ko , dahil sa pag mamaldita ko , madami humahanga sa kin , para san pa at naging member ka ng fans club ko at para san pa at binabasa mo ang mga tips ko kung paano maging professional maldita , lahat ng ginagawa natin sa mundo ay may dahilan at hindi mo kasalanan kong maldita ka , dahil ang totoo naman talaga ayaw mo lang na ipakita kong gaano ka kahina , be yourself thats what we called Originality .

••••••••••••

"Pag sinabihan ka ng manliligaw mo ng " Promise hindi kita iiwan " isagot mo sa kanya " Lalayasan lang ganun ?? " "

- Wag na wag kang mag papadala sa mga matatamis at nakakabulag na salita lalo na sa mga lalake , dahil sila ang tinik sa lalamunan ng mga maldita, dahil pare pareho lang naman sila papakiligin ka tapos iiwan ka lang din naman pala , ganon talaga ang mga lalake , kaya nga ang sarap nilang batuhin ng sapatos na may takong.

Hindi ko naman sinasabi na bawal ma in love ang mga maldita my point is kailangan yung taong manliligaw sayo dapat naiintindihan ka at tanggap ang pagiging maldita , tandaan mo na ang mga lalake masyadong judgemental yan , gusto lang nila na may masabing girlfriend pero ang totoo hindi naman talaga.

Since maldita ka dapat alam mo kong paano paiikutin ang mga boys na yan dahil to be honest hindi sila nakakatuwa and beside sila lang naman ang mga panira sa buhay ng isang maldita kaya be perfect sa pah hahanap na magiging jowa , wag masyadong mag madali , at wag na wag mag papadala sa mga salita.

You must know your limit , para sa huli hindi ka masasaktan , matutong mag tira para sa sarili hindi yung ubos ubos biyaya , hindi ganon , sabi ko nga be professional sa lahat ng bagay, tandaan may utak ka at gamitin mo yun in a nice way , wag kang papayag na maisahan ng kong sino sino lang dahil wala sa vocabulary ng mga maldita yan, kaya mag isip muna bagu gawin ang isang bagay.

••••••••••••

"Pag may napansin kang nag papabebe na akala mo bagay sa kanya , tingnan mo sya mula ulo hanggang paa , sabay sabing " Ang kaartehan may BINABAGAYAN. Kung hindi ka MAGANDA, matuto kang MAGLIMITA, para hindi ka mag mukhang KATAWA-TAWA! " "

- Yung mga babaeng akala mo kung kinaganda nila ang pag sasalita ng mga pabebe word , alam naman natin na nakakainis at nakakairita lang silang tingnan , mukha na nga silang tanga , aba! Kinakarir pa talaga ang sarap lang nilang tadtarin ng pinong pino at ipakain sa mga pating tsss wag niyo kong artihan ng ganyan baka san ka lang pulutin.

Once na maka encounter ka ng ganyang scenario , dahil isa kang maldita ganito lang ang sasabihin mo sa babaeng saksakan ng kaartehan , tingnan mo siya mula ulo hanggang paa sabay tingin ng deretsu sabay sabing " Ang kaartehan may BINABAGAYAN. Kung hindi ka MAGANDA, matuto kang MAGLIMITA, para hindi ka mag mukhang KATAWA-TAWA! " sabay irapan mo siya ng nakakaasar.

Syempre gagawin mo yun sa nakakainis na lines kong pwede lang gayahin mo siya kong paano siya mag salita, para maramdaman niya na hindi siya nakakatuwa at nag mumukha lang syang tanga sa ginagawa mo , hayaan mo lang syang mainis sayo ganon naman talaga eh , ipakita mo lang sa kanya kong anong kaya mong gawin.

Okay lang naman na mag inarte make sure bagay sayo at hindi ka mag mumukhang tanga sa gagawin mo, tandaan ang mga maldita lang ang may karapatan na mag inarte , "kung gusto nyong sumikat gumawa din kayo ng video dahil wala kayong pake " sabi nga ng pabebe girls na mukha silang alien tsss

••••••••••••

" Pag may nakita ka na panay kuskus ng foundation sa mukha, lapitan mo sya sabay sabing " Puro ka paganda ang bobo mo naman " "

- Yung mga babaeng walang ginawa kong hindi ang mag kuskos ng mag kuskos ng foundation sa mukha na akala mo naman kong sang pageant sasali eh mukha lang naman syang bangkay sa itsura niya tsss sarap nyang hampasin , sapat na yung powder lang hindi yun todo make up ka pa na akala mo naman kinaganda niya , kakaluka.

Ano ba ang magandang gawin sa mga ganon klaseng babae ?? Una, tingnan mo siya ng malalim sabay taas ng kilay mo saka mo siya sabihan ng "Baka naman mabura yang mukha o baka gusto mong burahin ko ang mukha mo ?? " sabay irap. Pangalawa , tingnan mo siya mula ulo hanggang paa sabay sabing "Puro ka paganda ang bobo mo naman " sabay tingnan mo siya ng nakakaluka in that way agad nyang mare realize kong ano ba yung sinasabi mo.

Kaya mong panindigan kong ano yung sinasabi mo , ipakita mo sa kanya na kaya mo syang higitan , be professional sa pag sasalita kailangan maramdaman at makita niya na isa kang maldita at uurong na lang yun at hindi na mag sasalita dahil sa maldita ka, syempre wag ka G na G kapag mag sasalita dahil para ka lang tanga nun.

Mas maganda kong tuturuan mo na lang siya kong paano mag apply ng foundation sa mukha syempre tuturuan mo siya sa nakakaasar na looks , hanggat maari itaas mo lang yung kilay mo to the highest level para damang dama niya ang kamalditahan mo. Tandaan , wag na wag kang mag papadala sa emosyun mo dahil sabi ko nga dyan ka lang matatalo.

••••••••••••

" Yung feeling na nag tetext ka tapus yung katabi mo binabasa yung mga tinatype mo , subukan mong itype yung ganito " Isa na lang bibingo na tong katabi ko " "

- Siguro naman naiintindihan niyo kong anong ibig kong sabihin ?? Bakit ba kasi ang daming tsismosa at tsismoso sa mundo ?? Like for example nag titext ka habang yung katabi mo ang lakas ng loob na basahin kong ano ang tinitext mo , diba nakaka hiya pag ganon tsss subukan lang nila na basahin ang text ko at makakatikim talaga siya ng malupit na pag mamaldita ko.

Since maldita ka wag kang papayag na ganunin ka lang instead ipakita mo lang sa kanya kong gaano ka naiinis , ipakita mo lang kong anong kaya mong gawin and beside personal message yun kaya walang reason para basahin niya yung text mo , wag naman syang feeling close dahil ang sarap nyang batukan.

Tingnan mo sya at ipahiya dahil yun lang naman ang nararapat sa kanya, gawin mo yung alam mong mapapahiya siya , alam mo naman na tayong mga maldita hindi basta basta nag papatalo , ipamukha mo sa kanya na mali yung ginagawa niya kaya dapat lang sa kanya ang mapahiya and beside para san pa at naging maldita ka kong hindi mo man lang siya sasampulan.

Hayaan mo lang siya na mapahiya dahil unang una deserve naman niya yun kaya gawin mo lang kong ano ang tama at sa tingin mo ay nararapat sa kanya. Kong bakit ba naman ang daming epal sa mundo eh di sana walang mga maldita sa mundo tsss pakialamanan niyo yang sarili niyo hindo yung basa kayo ng basa hindi naman para sa inyo.

Lala's Tips on how to be Professional MALDITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon