•••••••••••••
"Pag sinisingitan ka sa pila, mag parinig ka ng "Ang pilang ito, according to beauty. Mga panget muna." "
- Actually hindi ka dapat pumapayag na may bigla na lang sumingit sayu na mukhang chararat , dahil to be honest nakakainis sila at ang lakas ng loob na sumingit kung san ka pumila na akala nila nakakatuwa silang tingnan kahit ang totoo ang sarap nilang hampasin ng takong ng sapatos dahil mukha silang paa.
Like for example , nasa isang grocery store ka at nakapila ka , syempre hindi naman maiwasan na hindi tayu maka encounter na may sisingit sa tin , I'm sure na encounter nyu na ang ganyang scenario , so since isa kang maldita syempre hindi ka papayag na hindi sya masampulan ng malupit at nakakalukang lines ng isang maldita.
Tingnan mo sya at paringgan mo sya "Ang pilang ito, according to beauty. Mga panget muna." in that way mararamdaman nya na sya lang ang pinariringgan mo dahil unang una sya lang naman ang chararat na sumingit sa pila mo , at once na tumingin sya sayu , taasan mo lang sya ng kilay saka mo sya irapan.
Dahil yung mga ganyang klaseng tao na feeling walang pinag aralan at ang lakas ng loob na sumingit sa pila ang sarap nilang sampulan at ipahiya dahil syempre ikaw ba naman singitan sa pila kong hindi ka mainis at mag maldita kung pwede nga lang mag histerical ginawa ko na , syempre kailangan pa rin nating ipakita yung pagiging professional natin.
•••••••••••••
"Paano kumain ang mga maldita , syempre kain sosyal , kain mayaman. "
- Hindi porket maldita ka , eh ganun ganun na lang , tandaan lagi mong tatandaan na maraming nakatingin sa tin kung san tayu pumupunta kaya be careful sa mga ginagawa mo , like for example nasa loob ka ng isang restaurant at kumakain ka , dapat ipakita mo na may class ka at kaya mong makipag sosyalan sa kanila.
Syempre dapat alam mo kung paano kumain ng maayus hindi yung parang patay gutom ka na walang pakialam sa mundo , sabi ko nga be professional sa lahat ng bagay, sa lahat ng ginagawa mo dahil hindi mo alam ang pwedeng mangyare once na nakita ka nila na parang may sariling mundo.
And beside para mo na ring sinabi sa kanila na hindi mo deserve na kumain sa isang mamahaling restaurant dahil sa kinikilos mo , wag magmamadali dahil hindi ka nag hahabol , okay just enjoy at hayaan mo silang tinitingnan ka nila , masanay ka na dahil hindi talaga naiiwasan ang bagay na yan.
Mababaw lang ang kaligayahan nila kaya pag bigyan mo na lang sila , basta i-feel mo yung pagkain mo yung bang mapapanganga at matutulala sila sa kung anung ginagawa mo , syempre marami ding maiinis sayu dahil iisipin nila na ang arte arte mo , wag mo lang papansinin yun tandaan ang maasar , talo.
•••••••••••••
"Ang tunay na maldita sya yung unang gumagawa ng way para mag maldita. "
- Tama naman diba ?? Dahil sabi ko nga sa inyu ang pagiging maldita ay hindi basta basta at isa sa mga gawain ng isang maldita ay ang mang inis at mang trip , kailangan alam mo kung paano mo sisirain ang araw nya in that way kapag nag kasalubong kayu sya na yung gagawa ng way para umiwas sayu.
Kung baga ikaw ang panira ng araw nila , kung sa movie , ikaw ang kuntrabida ng araw nila at wag kang papayag na hindi maging effective ang pag mamaldita mo kailangan makita mo kung paano sila maaapektuhan sa mga ginagawa mo para ma recognize ka nila na isa kang certified maldita.
At pag alam mong naiinis na sya sayu saka mo sya ngitian ng nakakaluka, yung ngiting kahit sa panaginip nya maaalala nya , ganun ka dapat, expression pa lang affected na sila at hindi mo na kailangan pang manglait o mag taray dahil sa mata mo pa lang kitang kita na nila kung gaano ka kamaldita.
Wag na wag kang mag papa affected kung anung sinasabi nila para makaganti sayu dahil sabi ko nga once na nakipagtalo ka , alam mo kung paano mo lulutasin kung baga may back up ka para agad makabawi sa kanya , para marealize na para na syang tanga sa ginagawa nya.
•••••••••••••
"Kapag naiirita ka na sa boses ng kaklase mo instead na puntahan mo sya sa upuan nya bakit hindi mo na lang sya batuhin ng sapatos. "
- Sa school hindi talaga maiiwasan yung mga kaklaseng feeling singer , feeling maganda ang boses , gusto ko lang sabihin sa inyu na hindi nakakatuwang pakinggan ang boses nyu na akala mo kung sinong magaling at kung kumanta feel na feel, alam mo kung anung magandang gawin sa mga ganyang klaseng tao ??
Since isa kang maldita at ikaw yung sisira ng moment nila kung gaano karindi ang boses nila , hindi mo kailangan tumayo para lapitan sya at pag malditahan , instead ang magandang gawin sa kanya kunin mo yung shoes mo at ibato kung san sya nakaupo , dahil tayung mga maldita ayaw na ayaw nakakarinig ng boses palaka.
At once na binato mo , syempre tingnan mo lang sya ng nakakaluka at tatahimik na lang sya at mararamdaman nya yung tinatawag na hiya to the ninth power , tssss hayaan mo syang pagtawanan ng iba mong kaklase dapat lang sa kanya yun panira ng atmosphere.
Sabi ko naman hindi mo kailangan mag salita , tingin pa lang pamatay na kaya alam na nya kung anung ibig mong sabihin kasi naman kung bakit ang daming tanga sa mundo kaya ang sarap sarap nilang pag malditahan tsss kaya nga dumadami ang mga Maldita kasi minsan na din silang naging tanga.
•••••••••••••
"Wag na wag kang mag uumpisa na mang gulo like physical antayin mo syang mauna saka ka gumanti. "
- Wag na wag mong gagawin yung pag uumpisa ng gulo sapat na yung salita mo para maramdaman nya kung gaano kasakit yung binibitawang mong salita, dalhin sabi ko nga ang mga maldita hindi yan marunong makipag away ng pisikalan dahil para mo na ring sinabi na ka level mo sila at mukha kang palengkera.
Unless sila yung nag umpisa ng gulo saka ka gumanti , sabi ko naman sa inyu dapat hindi ikaw ang nag uumpisa ng gulo para alam nya na kaya mong gumanti at ipakita sa kanya kung anung kaya mong gawin , syempre mas maganda kung kalmutin mo sya sa mukha para wala na syang maihaharap pa pag nagkita kayo.
Wag na wag kang papayag na sabunutan ka , para san pa at naging maldita ka kung hindi mo naman kayang ipag tanggol ang sarili mo , tandaan wala sa vocabulary ng isang maldita ang mag patalo , kailangan kaya mong panindigan ang pagiging maldita mo.
Hindi uso ang paawa effect at change mode dito , kailangan always ready ka sa lahat ng bagay , alam mo kung paano paikutin ang sitwasyun at alam mo kung paano tatapusin , siguro naman naiintindihan nya kung anu tong pinag sasabi ko , dahil bawal ang slow dito.