Lala's Tips 29

96 1 0
                                    

••••••••••••

"Matuto kang PUMIKIT ng hindi MAINGGIT. Hindi yung LAIT ka ng LAIT, eh mas malala ka pa sa PANGIT. "

- Yan ang laging sinasabi ng mga taong pikon na pikon na , kong baga sa sobrang pikon na nila hindi na sila makaisip kong ano pa ang pwedeng gawin para makaganti sa nang aasar sa kanila , kaya hindi sila papayag na basta basta na lang mag patalo na kahit ang pinaka weird na dahilan gagawin nila para hindi mag mukhang mahina sa paningin nila.

Since isa kang maldita hindi mo gagamitin ang lines na yan dahil unang una hindi nakakatuwa ang bagay na yan at hindi nakakaasar dahil unang una masyado ng common on lines na yan kaya wag na wag mo ng gagamitin. At gaya nga ng lagi kong sinasabi ang mga maldita may sarili yang originality , hindi mo kailangan gayahin yong mga lines na masyado ng common dahil mag mumukha ka lang copycat.

Sabi ko nga always act as a professional maldita para makita nila kong ano ang kaya mong gawin at isa pa ang mga maldita hindi yan basta basta nag bibitaw ng mga nakakainis na lines , bagkus uunahan muna nila yan ng mga pamatay na facial expression bago sila mag salita.

Lagi mong tatandaan na kaya ka nag mamaldita dahil para matauhan sila sa buhay na hindi nakakatuwa ang maging tanga kaya tama lang ang ginagawa nating mga maldita at isa pa malaki ang naitutulong ng pag mamaldita dahil nag kakaroon ka ng tiwala sa sarili na gawin yong mga bagay na akala mo hindi mo kaya , look at me now , ako lang naman ang pinaka sikat na maldita sa buong balat ng lupa.

••••••••••••

"Pag sinabihan ka ng boyfriend mo ng "Ikaw lang talaga " ito ang tamang sagot " ako lang talaga ang nagtatanga tangahan. " "

- Lagi ko ngang sinasabi na hindi dapat nag titiwala ang mga maldita sa mga lalaki dahil sila ang magiging kahinaan mo para gawin yong mga bagay na ginagawa ng mga maldita , always remember na isa kang maldita at ang mga maldita walang nag seseryuso dahil sa ugali natin. And beside wag ka munang mag focus sa love life gamitin mo yong chance na makapag maldita para makuha mo yong mga gusto mo.

Wag na wag kang bibigay sa mga matatamis na salita dahil sadyang mapanlinlang sila, hindi naman sa bitter ako pero ayuko lang talaga na mag mukha kayong tanga gaya ng nangyare sa love story ko, siguro naman na basa niyo na yong story ko kaya hindi ko na kailangan pang i-explain dahil pag naiisip ko naiinis ako , mga lalaking mahilig manluko kaya if i were you mag iingat kayo dahil mahirap mag mukhang tanga.

Sabi ko nga diba wag na wag mong paiiralin ang kahinaan mo dahil hindi mo magagawa ang maging isang professional maldita kaya ka nga nag babasa ng mga tips ko para naman sa ganon maging kagaya mo ko , always remember na lahat ng mga tips na nandito makakatulong yon para maging malakas ka at mag karoon ng self confidence.

Sundin mo lang kong ano ang kaya mong gawin at hindi ka mahihirapan dahil sabi ko nga kong gusto mo talaga ang isang bagay magiging maganda ang kakalabasan , wag na wag kang mag iisip ng mga negative thoughts na hindi mo kaya dahil mag mumukha ka lang tanga sa paningin nila.

••••••••••••

"Yung iniwan ka ng syota mo na ikakamatay niya kapag nawala ka abangan mo siya sa kanto tadtarin mo siya ng pinong pino. "

- Yan ang favorite lines ng mga lalaki na akala mo nakakatuwa, sabi ko naman sa inyo hanggang salita lang ang mga yan kaya matuto kang idilat yang mga mata mo para naman sa ganon matauhan ka kong ano ang tama sa hindi tama , gaya nga ng lagi kong sinasabi wag na wag ka agad bibigay para san pa at naging Maldita ka.

Be professional sa lahat ng ginagawa mo , hindi yong nakakita ka lang NFL gwapo eh nakalimutan mo na agad ang maging maldita , hindi ganon ang maldita , ipakita mo sa kanya kong ano ka talaga para naman ma realize niya kong gaano ka maldita at kong kaya ka bang mahalin at tanggapin kahit na isa kang maldita.

Dahil mahirap mapag laruan kong lagi mo na lang paiiralin ang katangahan , baka sa kangkongan ka lang pulutin kapag nasaktan ka, tandaan hindi ikaw ang bida dito kaya wag kang mag drama na feeling mo katapusan na ng world kakaluka baka matadyakan lang kita eh.

Lagi mong iisipin yong magiging effect sa gagawin mo , tandaan walang tanga sa mga maldita kaya ka nga nag mamaldita dahil hindi ka tanga , common sense naman diba kaya wag kang papayag na maging mahina sa paningin nila dahil hindi mo magagawa kong ano ang ginagawa ng isang Maldita.

••••••••••••

"Yung eksenang sandali ka lang nalingat, may sumingit ng chararat. "

- Wag kang magtaka kong bigla ka na lang pinagpalit , sabi ko naman diba, sa mundo ng mga maldita hindi mo talaga alam kong may mag seseryuso ba o wala pero wag ka na lang mag expect ng kong ano ano dahil mahirap masaktan , kaya wag na wag kang bibigay lalo na sa mga matatamis na salita dahil hindi mo alam kong totoo ba o hindi.

At isa pa lagi kong sinasani na wala kang dapat pakinggan kong hindi ang sarili mo , sabi ko nga mataas ang tingin natin sa sarili kaya hindi hindi natin kailangan ang mga opinion ng ibang tao lalo na yong mga lalaking magaling mang-oto , wag magpakatanga lalo na kong hindi naman dapat.

Wala sa vocabulary words natin mga maldita ang maging tanga dahil para san pa at naging maldita ka kong hindi mo naman pala kayang panindigan , lagi ko ngang sinasabi na kaya ka nag mamaldita para matauhan yong mga taong tanga sa katutuhan na hindi nakakatuwang maging tanga, ipakita mo lang sa kanila na hindi ka interesado sa lahat ng pinag sasabi nila.

Siguro naman naiintindihan niyo kong ano ang mga pinag sasabi ko , siguro naman hindi sayang ang effort ko sa pag gawa ng mga tips dahil kahit paano nakakakuha kayo ng mga idea on how to be professional Maldita , gawin mo lang kong ano ba ang ginagawa ng isang Maldita.

••••••••••••

"May sariling buhay ka naman diba ?? Bakit pati buhay ko sinusubaybayan mo , anu to teleserye ?? "

- Yan yong magandang sabihin sa mga inggeterang palaka na kulang na lang pati suot mong underwear alam nila , daig pa nga nila yong mga reporter dahil alam nila kong anong pinag gagawa mo , ganon talaga ka desperate malaman yong tungkol sayo kaya dapat masanay ka na , kaya nga sabi ko nga kahit san ka mapunta wag na wag mong kakalimutan na maldita ka.

Hayaan mo lang sila na i-stalk ka sa lahat ng ginagawa mo dahil wala naman silang nakukuhang maganda sayo , always remember na hindi dapat sila pinag aaksayahan ng oras, mag focus ka na lang kong paano pa maging isang certified maldita , tandaan wala kang pakialam sa nararamdaman nila kaya ipakita mo lang na kahit anong gawin nila hindi ka affected.

Isipin mo na lang nagagawa siya ng story tungkol sayo kasi ang dami nyang alam eh, ganon ka kakilala kapag maldita na kahit wala kang ginawa pag uusapan ka dahil alam nila na maldita ka at ang mga maldita kinaiinggitan ng lahat kaya dapat masanay ka na sa buhay ng isang Maldita.

Dahil ang pagiging Maldita ay hindi basta basta , everything is a test gaya nga ng lagi kong sinasabi kaya dapat lagi kang handa sa lahat ng ginagawa mo para hindi ka mag mukhang tanga kapag may gusto kang sampulan , at para na rin masabi mo na isa ka na talagang certified Maldita.

Lala's Tips on how to be Professional MALDITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon