PROLOGUE - The Start of Countdown

87 4 0
                                    

Countdown na!

"5...4...3..2..1 Happy Birthday!!!!!!!"

Dinig na dinig ko yan sa kabilang silid. Buti pa sila ang saya-saya nila. Nag-countdown pa sila para sa Birthday nung isang pasyente sa kabila. Samantalang ako, di ko alam kung aabutan ko pa ang birthday ko. Iba na ata ang paglalaanan ko ng countdown.

Countdown to MY LAST BREATH.

Ang lupit ng tadhana sa akin. Nabigo na nga ako sa pag-ibig tapos eto pa, kukunin pa ang buhay ko.

Wala ng ititira sa akin. Walang-wala na ako.

Pero wala naman akong pakialam sa sakit kong to kahit na ba malala na to. Para sa akin naman kasi, ang pinakamasakit  na nangyari sa buhay ko ay yung nahulog ang puso ko sa taong hindi naman ako mahal. Tapos sa kaibigan ko pa. Dalawa tuloy ang nawala sa akin, ang kaibigan ko at ang mahal ko. Saklap di ba?

Nakaka-miss tuloy  yung mga panahon na tuhod ko lang ang nasusugatan. Hindi ang puso ko.

Pero huli na ata ang lahat para sa akin.

Kaya ikaw!

Pahalagahan mo yung taong nagmamahal sayo. Alam mo kung bakit? Simple lang, hindi lahat ng tao kayang mahalin ka.

Wag mo ng hayaan na may isa na namang tao na masasaktan katulad ko. Tss.

Until My Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon