Chonna's POV
Paggising ko hinanap ko agad yung cellphone ko. Ugali ko na yung paggising ko pa lang, cellphone na agad ang iche-check ko. Hahaha! Uy! May 2 messages. Ano ba yan! Ang tumal naman ng inbox ko. At parang alam ko na kung kanino galing yung isang message. Kay 8888! Cut na unli ko! Sayang na naman! Di ko naman nasulit. Tss. E kanino naman kaya ung isa? Hmmmm..
- - -
To: Chonna
Hey Guys! Punta raw tayo sa Hospital bukas. Gusto raw tayong makita ni Robby. Okay? Walang KJ! See you tom!
Good night! :)
.GM.
From: Jessy
- - -
Woah! Bakit naman kaya? Pero excited na akong makita ko ulit si Robby, di ko pa kasi sya nabibisita since last week. Busy ako masyado. Miss ko na nga sya. Kamusta na kaya sya? Nalulungkot ako para sa kanya. Alam kong nahihirapan sya sa love at life nya ngayon.
Pareho lang kaming bigo sa pag-ibig. Pareho kaming talunan ni Robby. Mas pinili ni Melody si Garry. At mas pinili naman ni Lucas si Amy, best friend ko pa! Saklap! Tss. Naalala ko tuloy tuwing break time nun, mangunguna kaming bumili tapos pupunta kami sa isang sulok tsaka magkukwentuhan at tsaka para na rin maiwasan namin ang dapat iwasan. Hahaha! Pero nagkaiba lang kami ni Robby dahil ako malusog, sya naman may malubhang sakit ngayon. Hindi ko talaga inaasahan yun lalo pa't napakamasayahin at masigla ni Robby although minsan laging masakit ang ulo nya at one time nga sinabi nya nagdugo ang ilong nya. Nagpaparamdam na ang mga sintomas pero di lang namin yun pinansin. At ayun nga, 3 months ago, hinimatay na lang sya bigla, at nagulat na lang kami na diagnose syang may cancer. At ang masaklap pa, stage 4 na pala. Swerte na lang kung mabubuhay pa sya.
Julia's POV
"Bakit kaya tayo pinapunta dito ni Robby?" Tanong ni Sandy. Sya yung partner nya lagi sa sayaw. Nagtataka siguro kung ano ang gagawin namin dito. Nasa hospital na kami.
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong naman ni Toyang.
"Wala akong sinabing ganun!"
"E parang ganun na rin kasi yung gusto mong iparating."
"Oh tama na!" Saway naman ni Chonna.
Nakakatuwa sila. Mas lalo silang naging close kay Robby nung 4th year. Di ko na sila classmate. Ibang section ako. Tss.
"Tara na guys! Bilis." Pag-aaya ko.
"Okay. Malapit na naman dito yung room ni Robby di ba?" Chonna.
"Yup! Ayan na!"
Binuksan namin ang pinto at bumungad sa amin ang nakangiting si Robby.
"Hello guys! Kanina ko pa kayo hinihintay."
"Sorry naman! Tsaka di pa naman masyadong late." Sabi ni Jessy.
"Okay lang. At least pumunta kayo." Mukang masaya nga si Robby.
"Syempre naman! Makakalimutan ka ba naman namin!" Toyang.
"Kaya sa inyo ko e."
"Naman!"
"Ano english ng bulak?" Out of nowhere na tanong ni Toyang.
"Naku alam na namin yan! One of Toyang's corny jokes!" Sandy.
"Oo nga naman! Di na nasawa!" Dagdag pa ni Chonna. Natatawa na ako sa kanila! Hahaha!
"Pagbigyan na natin." Sabi naman ni Jessy. Na pinipigilang matawa.
BINABASA MO ANG
Until My Last Breath
Teen FictionEveryone has a happy ending, if you're not happy then it's not yet the end.