5th to the Last

37 3 0
                                    

Jessy's POV

"Syempre! Tulad ng isang star, sya ang nagpapasaya sa akin. Everytime na nakikita ko sya, nakakalimutan ko ang mga problema. Pinapagaan nya ang pakiramdam ko. At alam kong sya lang ang makapagbibigay ng liwanag sa akin sa pinakamadilim na parte ng buhay ko."

Alam kong yun ang isasagot nya sa akin. Ano pa ba inaasahan natin sa in love na tao di ba? Tss. Kawawa naman si best friend. Minsan na nga lang magmahal nabigo pa. Tapos broken hearted na nga, dinapuan pa ng malubhang sakit.

“At iniisip mo naman na ikaw ang buwan?” Tanong ko sa kanya. Syempre hula ko lang yan. Malay ko ba sa iniisip nya di ba? Tss.

Ngumiti muna sya bago sumagot.

“Hindi ako ang buwan. Ako ang ulap. Para sa akin kasi ako yung ulap na lagi lang andyan sa tabi nya, yung handang prumutekta sa kanya kahit pa di nya ako napapansin.” Ngunit nagbago naman ang itsura nito, bigla itong nalungkot. “Pero baka para sa kanya, ako yung ulap na hadlang, yung ulap na humaharang sa kanila.” Makahulugan nyang sabi at nakita kong pumikit sya at kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha. Kawawa naman si best friend.

Ang totoo nyan, alam kong di pa sya nakakamove on kay Melody. Halata naman di ba? Saksi ako sa pagmamahal nya rito. Ako nga ata ang unang nakaalam na may gusto sya kay Melody e. Akala ko pa nga nung una, biro lang. Ipinagkalat ko tuloy. 3rd year kami nun, katatapos lang naming mag-lunch. Di ko alam kung ba’t naging topic e kung sino ang crush namin.

*Flashback*

“Sino crush mo?” Tanong ni Robby kay Chonna, kaibigan namin.

“Sus! Di pa ba halata? Hahaha!” Tawa naman si Chonna.

“Oo nga no? Tanga ko talaga. Di mo na nga pala crush, love na pala!”

“Grabe! Di pa naman.” Depensa ni Chonna.

“Sinungaling nito!” Sabat ko naman.

“Oo nga! Secret lang naman natin na si Lucas ang love mo e! Hahaha!” Pang-iinis ni Robby.

“Wag nga kayong maingay!” Pagmamaktol ni Chonna. Nakakatawa talaga sya. Hahaha!

“E ikaw Robby? Sino?” Tanong naman ni Tina.

“Ba’t ako?” Tanong ni Robby, nagulat pa sya nyan.

“E kasi ikaw!” Epal ko. Hahaha!

“Ewan ko sayo! Tss. Okay. 3 letters ang nickname!”

“Ang hirap naman nyan! Daming may 3 letters na nickname rito!” Reklamo naman ni Tina.

“Alam ko na yan! Si Melody yan!” Nakita ko kasing parating na sya. Malay mo makatsamba pa ako di ba? Who knows? Baka si Melody nga, e napaka-close nila, malay mo na-fall si Robby!

“Ah. Eh. Hindi a!” E? Di nakasagot ng maayos si Robby. It means, tama ako? Woooo! Galing ko talaga! Sabi na e! Hahaha!

“Liar! Si Melody nga! Obyus naman!” Sabi ko.

“Wag kang maingay Jessy! Ayan na si Melody.” Saway naman ni Chonna.

*End Of Flasback*

Yung mga sumunod na araw, tinutukso ko na sya lagi. At ang bruho! Ngiting ngiti naman, if I know kinikilig lang yun. Hahaha! E kasi naman, close na close kaya sila. Tuwing nagkukwento sa akin si Robby about sa mga practice ng sayaw every Saturday e laging special mention si Melody. Dami na rin siguro silang pinagsaluhang ligaya. Hahaha! Ramdam ko yun sa bawat kwento ni Robby. Alam kong masaya sya at naging magkaibigan sila ni Melody. Di ako nagtatakang mahuhulog sya kay Melody. Di naman mahirap mahalin si Melody e, maganda, matalino, talented. OMG! Natotomboy na ata ako! Hahaha!

Tapos nahahalata na rin ng mga kaklase namin at nakikitukso na rin. Pati yung ibang teacher nalaman pa. Kung di nyo kasi natatanong, medyo may utak naman si Robby kaya napapansin sya ng mga teacher. At sigurado akong alam na rin yun ni Melody, na may gusto sa kanya si Robby.

“Hoy Jessy!” Nagulat ako. Bumalik na ako sa pag-iisip ko mula sa kawalan. Siguro kung malakas lang to, nabatukan na ako.

“Ha? Bakit?” Tanong ko. Na-sobrahan ata ako sa imahinasyon ko.

“Kanina pa kita kinakausap pero wala ka sa sarili mo! Tapos ngumingiti ka pa. Baliw lang?” Hahaha! Natawa naman ako sa kanya.

“E may naalala lang ako.” Paliwanag ko naman.

“Siguraduhin mo lang importante yan ha. Nag-eeffort ako magsalita kahit mahina na ako.”

“Hahaha! Wala yun. Sorry na. May sinasabi ka ba kanina?”

“Oo! Sabi ko baka sa Saturday na ang last treatment ko rito.”

“Ha? Thursday ngayon so 2 days na lang pala.”

“Oo. At di ko alam kung kakayanin ko yun.” Yumuko sya nung sinabi nya yan. Aw. Naaawa talaga ako kay best friend ko.

“Kayanin mo para sa amin, para sa sarili mo.”

“Wala itong kasiguraduhan.” Sabi nya.

“E sabi ko naman kasi sa iyo, pumunta ka na ng ibang bansa, dun ka na lang magpagamot.”

“Mahirap lang kami. At tulad ng sabi ko, walang kasiguraduhan, sayang lang ang pera.”

“Ang nega mo naman kasi! Trust God!” Huminga sya ng malalim.

“Bahala na.” Sabi nya. Biglang tumahimik ang kapaligiran. Animo’y nalulungkot din para kay Robby.

“Jessy, can I ask a favor?” Binasag nya ang katahimikan.

“Oo naman. Sure. Ano ba yun?”

“Gusto ko kayong makita lahat bukas bago ang last treatment ko.”

Biglang humangin ng malakas. At parang lumalamig na rin ang mata ko. May nagbabadyang luha na lalabas maya-maya lang.

“Ba-bakit?” Tanong ko. At napaluha na ako. Bakit ba nya kami gustong makita lahat? Ano ibig sabihin nya nun? Iiwan na ba nya kami? Andaya naman niya! Akala ko pa naman malakas sya, mali pala ako. Sumusuko na lang sya agad! Tss.

“Para naman makapagpaalam ako ng maayos kung sakali.”

“Si-sigurado ka bang lahat?” Nanghihina akong tanong. Pinipigilan kong mapahikbi.

“Yes. Except Melody.”

Until My Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon