Julia's POV
“Di ko alam. Di ko alam kung hanggang kailan. Di ko alam kung kailan titigil ang aking paghinga.”
Nung marinig ko yan naramdaman kong anytime tutulo na ang mga luha ko kaya bago pa man mangyari yun, nagpaalam muna ako kay Robby. Sabi ko pupunta muna ako sa CR. Ayoko naman kasing ipakita sa kanya na mahina ako, kasi alam kong sa amin na lang sya humuhugot ng lakas.
Pabalik na sana ako ng nakita ko sila Tito Rhey at Tita Grace. Mga magulang ni Robby. Halatang pagod na pagod sila.
"Good evening po Tito, Tita." Bati ko sa kanila.
"Good evening din Julia. Bibisitahin mo ba si Robby?" Tanong ni Tita Grace.
"Actually po, nadalaw ko na po sya, nag-CR lang po ako saglit pero magpapaalam na rin po ako kasi po gabi na at baka hinahanap na ako sa amin." Paliwanag ko.
"Ah ganun ba? Gusto mo anak kami na lang magsabi kay Robby na unuwi ka na para naman di ka na mapagaod pa?" Alok ni Tita Grace.
"Osige po Tita. Salamat po! Mauna na po ako. Balik na lang po ako." Paalam ko. At umuwi na rin ako.
Robby's POV
Umuwi na raw pala si Julia. Di man lang nagpaalam sa akin. Kaya pala antagal bago bumalik. Tss.
Dumating na nga pala sila Mami at Dadi at halatang halata na napagod sila buong araw. Napagdesisyunan kong pauwiin na sila pagkatapos nila kong pakainin at painumin ng gamot. Kung kailangan ko ng pahinga, sa tingin ko mas kailangan nila yun ngayon. Naaawa na ako sa kanila. Peste naman kasi tong sakit ko e! Pwede naman akong mamatay habang natutulog lang. Tss. Ayaw pa sana nilang umuwi dahil wala akong kasama pero dahil mapilit ako napapayag ko rin sila. Andyan naman kasi si Nurse e, mamaya lang andito na yun para i-check ulit ako.
"Hello Robby!" Bungad sa akin ng pamilyar na boses. Tiningnan ko kung sino ang dumating, at tama ako, si Jessy nga. Bestfriend ko.
"Hello Jessy!" Bati ko sa kanya.
"Kamusta ka na?" Tanong nya pagkababa nung prutas sa side table ko.
"Eto kalbo pa rin! Hahaha! Ikaw?" Biro ko. Halata naman kasing nalulungkot sya para sa akin. Or maybe naaawa? Tss.
"Hahaha! Gags you! Nakukuha mo pang magbiro sa lagay na yan a?"
"Astig naman di ba? At tsaka totoo naman!"
"Sa bagay. Wag kang mag-alala, gwapo ka rin kahit kalbo ka na!" Pang-uuto nya! Tss.
" Whatever!"
"Hahaha! Dapat lagi tayong masaya wa!"
Sana nga. Sana nga may pagkakataon pa kong sumaya. Sana ganun lang kadali. Inaamin ko na sa bawat ngiti at tawa ko may nagtatagong lungkot dito sa puso ko at hindi nyo ito maiintindihan.
"Syempre naman! Masaya naman ako e!" I lied. At alam kong alam nyang nagsisinungaling lang ako.
"Hindi halata! Fake! Pretender ka pa rin!"
"No I'm not!"
"Walang naniniwala." She rolled her eyes.
"Alam ko." Nalungkot ako. Alam ko naman talagang walang naniniwala at walang maniniwalang masaya ko, sa lagay kong to? Tss. Lalo na yung malalapit ko talagang kaibigan, alam nilang malungkot at nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon.
"Sya pa rin ba?" Tanong nya out of nowhere.
"Ha?" Pagtataka ko.
"Sya pa rin ba ang dahilan ng luha na yan?" Nagulat ako. Di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako sa paulit-ulit na dahilan. Pero agad ko itong pinigilan.
"Labas tayo." Pag-iiba ko. Gusto kong magpahangin since pwede naman daw akong lumabas sabi ng doctor tsaka kahit di pwede, pasaway ako, lalabas pa rin ako. Dapat ma-enjoy ko na ang mga nalalabi kong araw sa mundong ito. Limitado na nga e. Dapat pagbigyan na nila ko.
"Pwede ba?" Nagatatakang tanong nya. At tumango na lang ako.
"Osige. Tatawagin ko yung mga nurse para dalhin yung wheelchair at para matulungan nila kong ilipat ka." Sabi nya.
So ayun nga, nahirapan silang ilipat ako sa wheelchair dahil nga wala na akong lakas pa para kumilos. Di ko sila matulungan, kung sarili ko nga di ko na rin kayang tulungan e.
"Dun tayo sa garden, Jessy. Gusto ko dun, masarap at malamig ang hangin, gabi pa naman. Gusto ko pagmasdan ang mga stars!" Nakangiti kong sabi. At dinala na nya nga ako sa garden. May garden kasi dito sa hospital.
"Ang daming stars Jessy!"
"Oo nga e. Ang gaganda nila."
"Alam mo ba? Iniisip kong isa sya sa mga stars."
"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong nya.
"Syempre! Tulad ng isang star, sya ang nagpapasaya sa akin. Everytime na nakikita ko sya, nakakalimutan ko ang mga problema. Pinapagaan nya ang pakiramdam ko. At alam kong sya lang ang makapagbibigay ng liwanag sa akin sa pinakamadilim na parte ng buhay ko."
BINABASA MO ANG
Until My Last Breath
Teen FictionEveryone has a happy ending, if you're not happy then it's not yet the end.