4th to the Last (Part1)

28 3 0
                                    

Jessy's POV

“Yes. Except Melody.”

Mababaliw ako sa kanya. Papuntahin ko raw lahat. LAHAT, malinaw yan. Pero except Melody? Tss. Pero di ko naman sya masisisi kung ayaw na muna nyang makita si Melody. Bitter pa rin siguro sya. Hindi pa rin siguro sya nakakamove on. Tagal na wa! Almost 3 years? Tindi! Tss.

May naalala na naman ako. Yung naglalabas si Robby ng sama ng loob sa akin.

*Flashback*

"Pangit ba ako?" Alam ko na to. May problema na naman sya. Ganyan naman lagi. Basta nagtanong sya ng ganyan. Alam ko na.

"Hindi naman. Para sa akin gwapo ka." Lagi ko naman yang sagot. Masawa sya! Hahaha!

"Syempre kaibigan mo ko kaya ganyan sagot mo."

"E de dapat di ka na lang sa akin nagtanong."

"Yung totoo kasi!" Reklamo nya. Ano kaya gusto nyang isagot ko? Tss.

"Yun nga ang totoo. Mas gwapo ka pa sa kanila. You know what I mean!" Sabi ko naman.

"Di ako naniniwala. Di naman sila magugustuhan ni...ano...kung di sila gwapo!"

"Hay naku! Ganun ba kababaw ang tingin mo sa kanya?"

"Di naman. Pero mata naman talaga ang unang nagmamahal e!"

"E ano naman problema mo?"

"Bakit di nya ako magustuhan? Dahil ba pangit ako?"

"Ang kulit mo naman e! Di ka nga pangit! Sadyang di ka lang nya kayang mahalin."

Oh. Nalungkot na naman si best friend at parang maiiyak na naman. Bakit ba ang babaw ng luha nya? Tss.

"Siguro nga. Di nya lang talaga ako kayang mahalin."

"E kasi naman ikaw! Ba't sya pa? Dami naman dyang iba."

 "Ano gusto mo? Ikaw ang mahalin ko?"

"Kapal mo!" Kaimberna! Kala mo naman gusto kong mahalin nya ako. ASA!

"Pero ano ba kasi magagawa ko? Puso ko na ang pumili."

"Asus. Baka naman dahil lang sa ganda kaya mo sya minahal?"

"Hindi a! Kinilala ko muna sya bago ko sya minahal. Parang nagtanim ako at hinayaan ko munang tumubo yung pagmamahal ko sa kanya. Kaya alam kong malalim ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko sya minahal sa panlabas na anyo."

Tingnan mo! Ang drama talaga! Ang dami nyang alam! Tss.

"Sabi mo e! Siguro dapat mo na talaga syang kalimutan." Sabi ko. Tama naman e. Dapat kalimutan na nya yung mga taong di kayang suklian yung pagmamahal nya. Tingnan mo ko! Kinalimutan ko na si Jaypee. Kung di no alam, 3 days lang tinagal namin! Baliw yun e! Manloloko! Pangit naman! Buti nga pinagtyagaan ko pa sya e. Tss.

"Paano ko kakalimutan ang taong nagbigay ng maraming alaala?"

"Pakamatay ka! Yun na lang gawin mo!" Biro ko. Napaka-seryoso ng usapan namin e.

"Ayoko nga! Malay mo may pag-asa pa. Sige hahayaan ko munang kaibigan nya ako sa ngayon basta akin sya sa future."

"Ayan! Ayan ang dahilan kung bakit ka nasasaktan! Asa ka ng asa sa wala!"

"Sa bagay. Madali kasi akong umasa. Akala ko pwede nya rin akong mahalin dahil sa pinapakita nya, nun pala nagiging mabait lang pala sya sa akin. Kasi nga kaibigan nya ako."

"Assuming ka naman pala e! Kaya wala kang karapatang sabihin na nagbibigay sya ng motibo tapos pag nahulog ka di ka nya pala sasaluhin. Ikaw ang may kasalanan. Di sya."

"Sino ba talaga best friend mo? Ako o siya?" Hahaha! Oo nga no? Sa halip na sya ang kampihan ko e si Melody pa kinampihan ko. Hahaha! Ayoko lang maging bias!

"Sorry naman! Hahaha!"

"Jessy pwede ba? Seryoso ako, kaya please mag-seryoso ka naman." Sabi ko nga dapat seryoso ako.

"Oo na po. Sorry na po."

Nagpakawala sya ng malalim na paghinga tsaka pa lang nagsalita ulit.

"I just want to be happy."

"Gusto yan ng lahat."

"Alam ko. Pero ba't ganun? Kapag may masayang tao, siguradong may malulungkot na ibang tao."

"Siguro talagang ganun. Hindi lahat pwedeng maging masaya na lang lagi. Balance dapat."

"Di ba nya talaga ako kayang mahalin?"

"Kulit mo rin e! Hindi nga siguro. Wala ka naman ginawang move para magustuhan ka nya rin!"

"Bakit? Sya rin naman, wala pa syang ginagawa, minahal ko na sya."

"Ikaw pala e! Iba sya! Kailangan mong mag-effort! Babae kami!"

"Babae ka pala?" Pinigilan nang tumawa. Baliw talaga! Sarap banatan nito. Seryoso pa gusto nyang usapan wa. Kainis! Sya na nga lang binibigyan ng advice e! Tss.

"Gags you!"

"Hahaha! Kidding aside."

"Okay go! Bago pa ako mawala sa mood."

"Kulang pa ba yung kumapit ako sa kamay nya? Sya lang naman kasi tong bumibitaw e. Effort? Sana pala kumuha ako ng posas tapos ni-lock ko at tinapon ang susi para di na sya makabitaw."

"Kulang pa! At mahirap yan, one sided love."

Nagbuntong hininga na naman sya at tumingala na naman. Siguro pinipigilan nyang umiyak.

"I'm too young for this!" Bulong nya pero dinig ko naman. Tss.

*End Of Flashback*

Napatigil ako ng may naramdaman akong pumapatak na tubig. Oh shit. Umuulan na yata. Wala pa naman akong dalang payong at naglakad lang ako pauwi. Siguro dapat tumakbo na ako.

Until My Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon