Jessy's POV
Nakapagpalit na ako ng damit. Putek. Nabasa kasi ako ng ulan. Tss.
Oo nga pala. Kailangan ko pang itext yung mga kaibigan namin. Gusto nga pala ni Robby na makita kami bukas. Kakausapin nga pala kami.
- - -
To: Many
Hey Guys! Punta raw tayo sa Hospital bukas. Gusto raw tayong makita ni Robby. Okay? Walang KJ! See you tom!
Good night! :)
.GM.
From: Jessy
- - -
Matutulog na ako. Pero bago yun, inayos ko muna yung bag ko at nakita ko yung binigay na sulat ni Robby sa akin kanina. Buti di masyadong nabasa. Sabi nya ibigay ko raw kay Melody to sa Saturday, kapag kasalukuyan na syang ginagamot. Gusto ko sanang buksan kaso baka confidential. At para lang talaga kay Melody to. Pero 2 months ago pa pala tong sulat na to. Siguro malakas pa sya nung magsulat neto. Anyway, hayaan ko na lang nga. Bahala na si Melody ang bumasa.
- - -
To: Melody
Kita tayo sa Saturday. May ibibigay ako sayo. Sa Ministop. 10am. See you there.
From: Jessy
- - -
Natext ko na sya. Siguro naman malinaw yun di ba? Tss. Oh! Di ako galit sa kanya wa. Hahaha! Medyo lang. E kasi sinaktan nya ang best friend ko! Tss. Osya. Matutulog na ako. Goodnight.
Robby's POV
Umuwi na si Jessy. Nagpaiwan muna ako rito sa garden. Gustong gusto ko kasi sa lugar na to. Ang sarap ng hangin, ang ganda ng tanawin. Nakakapawi ng pagod.
Haaaay. Mag-isa na naman ako. At naaalala na naman kita Melody. Bakit ba lagi ka na lang tumatakbo sa isip ko? Di ka ba napapagod? Narating mo na nga pati puso ko e. Tss.
I never felt this before.
You change me Melody! How could you do that?
Ang dali kong nahulog sa bitag mo at hindi na ako makaahon.
Minahal kita ng buong-buo na halos di na ako nagtira para sa sarili ko pero kahit 1% lang na pagmamahal, hindi ko naramdaman. Sa bagay, dapat pala barya na lang binigay ko sayo, yung tipong sapat lang para di na ako umaasa pa sa sukli.
Nakakasawa na. Pagod na pagod na akong masaktan ng paulit ulit.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Ang sakit lang kasi na iniwasan mo ko. Kaya kinailangan ko rin umiwas at hinayaang hindi mo makita ang mga luha ko. Pinakita ko pa sayo na okay lang ako, okay lang lahat sa akin. Pero kung alam mo lang, unting-unting namamatay ang puso ko.
Dapat nga galit ako sayo ngayon e! Dahil pinatid mo ako, nadapa ako. Babangon na sana ako pero everytime na makikita kita, nanghihina ang mga tuhod ko, hindi ko maigalaw. Wala akong lakas lumakad palayo. Ngiti mo pa lang, di na talaga ako makatayo.
At everytime na inaalala ko lahat ng pinagsamahan natin. I'm falling deeper.
Kapag nakadilat ako ikaw ang nakikita ko. Kapag pinikit ko naman ang mga mata ko ikaw pa rin ang nakikita ko. Kulang na lang dukutin ko ang mga mata ko. Narerealize ko pa kasing ikaw lang talaga ang gusto kong makasama. Feeling ko nasa tabi lang kita.
" I can't lie. I miss you Melody. I miss you so much. Nobody knows how I miss you. I wish you were here, beside me. Or I was there, or we were together anywhere. I wish you could see how much you mean to me."
BINABASA MO ANG
Until My Last Breath
Teen FictionEveryone has a happy ending, if you're not happy then it's not yet the end.