Garry's POV
" I can't lie. I miss you Melody. I miss you so much. Nobody knows how I miss you. I wish you were here, beside me. Or I was there, or we were together anywhere. I wish you could see how much you mean to me."
Medyo nakalapit na ako kaya nadinig ko yun. At ramdam kong mahal na mahal nya si Melody.
Kanina ko pa sya pinagmamasdan dito sa malapit. Oy! Baka mamisunderstood nyo ha! Di ako bading! Gusto ko lang syang kausapin. Kasi alam ko, isa ako sa mga taong nananakit sa kanya, di man physically, pero emotionally. Ako lang naman kasi ang boyfriend ni Melody. Ang dahilan kung bakit nabusted si Robby. Hahaha! Teka, wala akong lakas ng loob lumapit sa kanya kanina, pero ngayon na ang pagkakataon kasi sya lang mag-isa, kakaalis lang kasi ni Jessy.
“Kanina ka pa ba dyan?” Di ko namalayan kusa na pa lang naglakad palapit kay Robby ang mga paa ko.
“Ha? Di naman, kadarating ko lang. Napadaan lang.” Sagot ko.
“Ah. Bakit mo ko nilapitan?”
“Gusto lang sana kita kausapin, nakita ko kasing umiiyak ka, gusto lang kita damayan.”
“Paano mo ko dadamayan kung alam naman nating dalawa na masaya kayo at kayo ang dahilan nito?”
“Hindi ako nagpunta rito para makipagtalo sayo.”
“Wala akong sinabing nakikipagtalo ako.”
“Wala ka ngang sinasabi pero ipanaparamdam mo naman.”
“Ano ba kasi gusto mong sabihin?”
Nagbuntong hininga ako. Humugot lang ako ng lakas.
“Gusto ko lang mag-sorry.”
“Sorry? For what?”
“Sa lahat. Sa lahat lahat.”
“No need. Matatapos din ang lahat ng to. Soon.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Di ba halata? May malubha akong sakit. Last chance na sa Saturday. Maaari akong mabuhay, pero maaari rin akong mamatay.” Nalungkot ako sa sinabi nya. Walang halong kaplastikan, naging magkaibigan naman kami nito. Wala akong masabi kundi,
“I’m sorry.”
“Wala ng magagawa yang sorry mo.”
Alam kong galit pa rin sya sa akin. Ramdam ko yun.
“Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?”
“Dapat gawin? E de hiwalayan mo sya!” Nagulat ako sa sinabi nya. Di ko yun kaya.
“Di ko kaya.”
“Then you can leave now.”
Naiinis na ako. Binababa ko na nga ang pride ko para magkaayos kami pero ayaw nya pa. Kung wala lang tong sakit, sinapak ko na. Tss.
“Ba’t ka ba ganyan?” Tanong ko.
“E kasi nasaktan ako! Kaibigan pa naman kita. Isa ka sa mga tumutukso sa amin dati tapos ikaw pa pala..” Saglit syang tumigil. Feeling ko pinipigilan nyang umiyak sya. “..ikaw pa pala ang aagaw sa kanya.”
“I’m sorry. Nagmahal lang ako.”
“Ako rin naman, nagmahal. Pero unfair, mas pinaboran ka ng tadhana.” Tama sya, Siguro nga mas pinaboran ako. Pero di ko masasabing unfair yun kasi ako, gumawa ako ng paraan para mahalin din ako ni Melody.
"Di mo makikita ang para sayo kung hanggang ngayon umaasa ka pa rin sa taong walang pakialam sayo."
"Wow! Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin yan. Wala ka sa sitwasyon ko! Wala kang alam!"
BINABASA MO ANG
Until My Last Breath
Teen FictionEveryone has a happy ending, if you're not happy then it's not yet the end.