Melody's POV
Maaga akong gumising para makapag-ayos na ako. Magkikita pa kami ni Jessy later. Bakit kaya sya makikipagkita sa akin? Samantalang naging mailap na sya mula nung nalaman nyang iniwasan ko si Robby. Syempre kakampihan nya yun. Kaya lang naman kasi ako umiwas kasi ayoko syang paasahin. Alam kong maling desisyon yun pero pinanindigan ko pa rin. Akala ko yun ang mabisang solusyon para kalimutan na nya kung ano man yung nararamdaman nya para sa akin, kung meron nga. Hindi ko sinasadyang saktan sya. Wala akong karapatan saktan sya. Naging mabait pa naman sya sa akin at ganun din ako sa kanya kaya siguro na misinterpret nya lang ang mga simple sweet gestures ko.
Almost 1hr na akong naghihintay rito. Ang aga ko pa naman pumunta rito. Tapos sya pala tong late. Gumaganti siguro, galit nga ata talaga sya sa akin. Tss.
"I'm sorry I'm late." Panimula ni Jessy at pinaupo ko naman sya sa harap ko.
"Almost 1hr na akong naghihintay rito." Naiinis kasi ako.
"Sorry nga di ba? May pinuntahan pa ako." Taray nya, sya na nga tong late! Pero teka,
"Bakit namumugto yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Nagtatakang tanong ko.
"Obyus ba?"
"Oo obyus! Tss. Bakit mo ba ako pinapunta rito?"
"Wag kang mag-aalala hindi kita pinapunta rito para makita kita, hindi kita namimiss!"
"Same here!" Nakakainis! Alam kong may galit pa rin sya sa akin!
"O eto, basahin mo raw."
"Ano naman to?"
"Bulag ka? E de sulat!"
"Kanino galing?"
"Kay Robby. Pinapabigay nya lang sa akin. Sige una na ako. Basahin mo na lang."
"Kay Robby?" Nagulat ako. Ba't may sulat si Robby sa akin?
"Oo nga! Sige alis na ako."
"Sige. Ingat ka!"
"Ingat sila sayo!"
Umuwi muna ako. Magpapalit lang ako ng damit, bibisitahin ko pa kasi si Robby. Actually dapat kahapon pa ako pupunta kaso alam kong maraming tao dun at baka makadagdag pa ako sa stress. Napadaanan kasi ako ng gm ni Jessy. Naisip ko na ngayon na lang ako bibisita, solo ko pa. At makakapag-usap kami ng maayos ni Robby. Eto na ang right time. Ayoko na rin kasing patagalin pa.
Nakapagbihis na ako at napansin ko yung sulat sa side table na bigay ni Jessy kanina. May nag-uudyok sa akin na basahin ko na. Kaya binuksan ko na ito, huminga muna ako ng malalim at tsaka ko binasa.
Dear Melody,
Hello there! Hahaha! Siguro pag nabasa mo ito huli na. Syempre ganun naman talaga di ba kapag naglalayas? Susulat ka pero huli na bago pa mabasa. Syempre kesa naman magpaalam ka ng personal e de pwede ka pang pigilan di ba? Nay! Lalayas lang ako pansamantala. Wag nyo po muna ako hahanapin, mga 2 days siguro. Hahaha! Baliw lang di ba?
Hahaha! Oo nga naman! Parang baliw lang! Nagpatuloy ako sa pagbasa.
Pero etong sulat ko, isang sulat ng maglalayas forever. Alam mo naman siguro sitwasyon ko ngayon di ba?
Bigla akong nalungkot. Alam kong ganun din yung naramdaman nya nung sinusulat nya to.
Siguro konting panahon na lang mawawala na rin ako sa mundong ito. Kaya gusto ko ng sabihin lahat ng gusto kong sabihin sayo habang malakas pa ako at kaya ko pang magsulat. Wala akong lakas ng loob sabihin to sayo ng personal.
BINABASA MO ANG
Until My Last Breath
Teen FictionEveryone has a happy ending, if you're not happy then it's not yet the end.