7th to the Last

76 3 0
                                    

Robby’s POV

Paggising ko, nanghihina pa rin ako. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko ng maayos. Feeling ko anytime bibigay na ang katawan ko.

Malala na kasi ang sakit ko. Stage 4 na ang cancer. At bilang na lang ang mga nalalabing araw ko sa mundong ito na matagal ko ng sinumpa.

May nagbukas ng pinto.

“Buti gising ka na. Kumain ka na at para makainom ka na ng gamot mo.” Sabi ni Nurse Izzy, mabait sya. Sya yung nag-aalaga sa akin dito.

“Osige po.” Nanghihina kong sabi pero pinilit kong ngumiti.

“Subuan na kita.” Sabi nya at tumango na lang ako.

Oo nga pala, nasa Hospital ako ngayon. Magtatatlong buwan na rin akong nakahiga rito. Sigurado baon na kami sa utang. Mahirap lang naman kasi kami, sabi ko naman kasi sa kanila hayaan na nila ko tutal wala naman kwenta buhay ko rito.

Natapos na rin akong kumain ng lugaw, lagi naman e. Tatlong buwan ko na yang pinagtatyagaan. No choice. Pinainom na rin ako ng gamot ni Nurse at umalis na rin sya.

Wala sila Mami at Dadi, nagtatrabaho para may maipambayad at may mapambili ng gamot ko. Wala pa yung mga tita ko na nagsasalitan sa pagbabantay sa akin.

Eto na naman, mag-isa na naman ako. Naaalala ko na naman yung babaeng pinakamamahal ko.

Yung babaeng akala ko magpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Yung babaeng katabi ko kapag humarap sa altar at magsasabi ng 'I do'. Yung babaeng akala kong magiging ina ng mga anak namin. Yung babaeng akala ko kakantahan ako para makatulog ako. Yung babaeng akala ko katabi ko matulog at unang taong makikita ko paggising ko. Yung babaeng akala kong kasama ko hanggang pagtanda.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. At mukang hindi na ito maghihilom pa. First Love ko sya. At masasabi kong First Heartbreak din yun. Ang sakit pala. Ang sakit pa lang mabusted kahit di ka pa nanliligaw. Ang sakit pa lang matalo sa isang laban na hindi pa naman nagsisimula.

Ayan na naman ang traydor kong mga luha. Nagsisimula na naman silang magkarera sa pagtulo.

Julia’s POV

Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng prutas. Dadalawin ko kasi si Robby. Kaibigan ko na sya since 1st year pa kami. Masayahin, mapagbiro, masigla, malakas sya dati at di mo aakalaing mangayayari sa kanya to ngayon, di ko inakalang dadalawin ko sya sa hospital ngayon. Bigla akong nalungkot. Nagbabanta ng tumulo ang mga luha ko pero dapat kong pigilan, dapat ipakita kong masaya at malakas ako para naman hindi lalong malungkot si Robby.

Nakabukas yung pinto ng room ni Robby. Papasok na sana ako pero nakita kong may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako para sa kanya. Alam ko ang dahilan ng bawat luha na yan, hindi yan dahil sa sakit nya kundi dahil yan sa kasawian nya sa kanyang unang pag-ibig. Nasaksihan ko lahat. Alam ko kung gaano nya kamahal si Melody.

“Hello Robby! Kamusta ka na!” Bati ko sa kanya at pinilit kong ngumiti. Nagulat sya. Pero di na nya nagawang punasan pa ang mga luha sa kanyang pisngi. Hamu na. Matutuyo rin yan. Patay malisya na lang.

“Ginulat mo naman ako Julia! Okay pa naman ako. Kanina ka pa dyan?” Sagot nya, at ramdam kong mahina na nga sya.

“Di naman, kadarating ko lang. O eto dinalhan kita ng prutas.” Binaba ko muna sa side table yung mga dala ko at umupo muna ko sa tabi nya.

“Salamat ha! Buti naaalala mo ko? Akala ko nakalimutan mo na ako e.” Sabi nya.

Teka, nagtatampo na naman ba to?

“Pwede ba naman yun? Kalimutan ka na nila, pero ako di kita kakalimutan.” Depensa ko naman sa kanya.

“Talaga lang ha? E nung nagka-bf ka nga halos wala ka ng time sa akin e.”

Tingnan mo to! Baliw talaga! Pinaalala na naman yung ex ko. Tss.

“Di naman e! Hahaha! Tsaka dati na yun, single na ako!” Totoo naman e. Single na ako ngayon. Bale 6 months na mula nung nagbreak kami. E kasi naman manloloko sya! Binalikan nya yung EX nya! Ugh! Change topic! Di ko naman to kwento in the first place.

"Naku! Kulang na nga lang sabihin ko sayo, 'Uy ba't naalala mo pa ko? Kaibigan mo ko nung di pa kayo!' Hahaha!" Natawa sya! Yes! Kahit nanghihina. Masaya ko at nakakatawa na sya ulit.

"Di naman e! Sinungaling ka!" Pagmamaktol ko.

“O e ba’t ganyan mukha mo? Di maipinta! Hahaha!” Tumawa sya ulit. At parang gusto ko pang di na sya tumatawa. Tss. Joke!

“Wala! Masama ba? Pangit na ba ako?” Pagatatampo ko. Pero kunwari lang. Hahaha! Parang walang kunek yung pangalawa kong tanong.

“Oo. Pangit ka na!” Sagot naman nya. Aba! Tss.

“So iiwan mo na ko?” Aww. Mali ata yung tanong ko. Nakita kong nag-iba yung mukha nya. Nalungkot sya. Tanga ko talaga. Tss.

“Bakit gusto mo na ba?” Malungkot na tanong nya. Oh shit!

“Ah. E. Joke lang yun! Hahaha. Alam ko naman na di mo kami iiwan di ba?”

Sinabi kong joke lang yun at pinilit kong tumawa. Pero parang di ko na mababawi pa.

“Di ko alam. Di ko alam kung hanggang kailan. Di ko alam kung kailan titigil ang aking paghinga.”

Until My Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon