Jane's POV
Naalimpungatan ako, nang may marinig akong kaluskos. At parang feeling ko may naka-tingin sakin habang natutulog ako. Nagsimula na tuloy akong kabahan, naupo ako at pinakiramdaman ang paligid. Pero wala naman, tahimik lang sa paligid ko.
"Hayy! Ilusyon lang pala?" sabi ko sa sarili ko at muling hihiga pero may narinig akong isang boses.
"Jane..." Pabulong pero sapat na para marinig ko, sa takot ko napasigaw ako.
"Ah!!!!!!!!!!"
"Wag kang matakot, kakampi ako... " sabi nya, isang babae na may itim na robe. Hindi ko nakikita ang muka nya dahil sa hood nya...
"Wag kang lalapit" sabi ko
Ang paghinga ko parang bumibigat at pakiramdam ko nalulunod ako. Hindi ako maka-hinga... I can't breath.
"Who... a-a-re... you... ?" At nawalan na ako ng malay. Jesus Christ help me!
Von's POV
May narinig akong sigaw mula sa kwarto ng kapatid ko. Nagising ako at tumalima papunta sa kwarto ng kapatid ko. Pagka-bukas ko ng pinto, hahawakan na nya s Jane. Inatake ko sya ng Water ball... Pero agad na nawala sya, kaya kumalat ang tubig sa kwarto ni Jane.
"Jane!" Sigaw ko at nilagay sya sa kama para maobserbahan at kung ano ba ang ginawa sa kanya ng bruhang yun. Pano nya nalaman ang bahay namin? Pano niya naman nakilala ang kapatid ko... Sabagay kung ang mom at dad namin kilala ng mga bad wizards na yun...
Tinawag ko si Dad, nakita ko ang takot sa mata ni mom. Nag-alala na rin ako sa kapatid kong toh. Tama ang desisyon ni Dadna ilipat na kami sa safe... WESLYN ACADEMY.
Kina-umagahan, nagising na si Jane. Pero masakit pa ang ulo nya, wala syang maalala sa mga nangyari kagabi. May spell na ginamit siguro sa kanya ang mangkukulam na yun. Patay talaga sakin ang isang yun... Magkita lang kmai, sisiguraduhin ko na bugbog sarado sya sakin.
Mr. Clarkson (Jane's Father)
Kailangan ko nang mailipat ng lugar ang pamilya ko, papayag na akong maging counsil muli. Kailangan kong protektahan ang pamilya ko lalo na ang anak kong si Jane. Ayokong mapapahamak ang isa sa kanila.
"Sumakay ka na Jane" sabi ng kuya nya...
"Bakit ba kasi kailangan lumipat?" sabi ni Jane bago sumakay. Nginitian naman ako ng asawa kong si Martha... Nakita ko ang magkapatid na nag-haharutan.
"Kuya, ayokona! HAhahaha!"
"Wala pa lang kiliti ah?"
Nakakatuwang pagmasdan na masaya ang pamilya ko noh? Sana hindi na matapos ang saya na nadarama nila. I need to protect my family as a father. Hindi ko hahayaan na magiging malungkot ang pamilya ko. At magkakaroon nanaman ako ng bagong tungkulin. Hindi lang pamilya ko ang poprotektahan ko, pati na ang buong mamamayan ng mahika. Ang mga wizards na inosente, lalo na ang mga bata na walang kamuwang-muwang sa mundo.
BINABASA MO ANG
Magic School
FantasyMay 10 ordinary teen's ang naka-takdang mag-liligtas sa mundo ng mahika laban sa kaaway. Sila ang mag-sisilbing ilaw, ang mga kabataang sa paningin ng iba ay pasaway, at mga loko...