PART 40: Apologize

1.3K 41 0
                                    

DANIEL'S POV
Manghihingi ako ng tawad kay Kat, napag-isip-isip ko na ako yung mali sa aming dalawa. Tama nga sya, ako ang may problema sa sarili ko at walang mali ang ibang tao sa paligid ko.

Naglalakad kami, syempre tuloy ang paglalakbay ng makarating na agad. Nakaka-ilang araw na kami sa labas ng paaralan ano?

Nilapitan ko si Kat, first time kong mag-sorry sa ibang tao. Tama naman sya, mataas nga ang pride ko. Walang kwenta kasi ako..

"ahm... Kat?" Kahiya naman

"Bakit nananan?" Sa tono nya may galit pa sya sakin.

"ah, alam kong hindi maganda ang inasta ko sayo. Tsaka medyo lahat ng sinabi mo tama" sabi ko

"Oh anong kailangan mo?" sabi nya

"Gusto ko sanang humingi ng pumanhin sa sinabi't ginawa ko. Nadala lang ako ng inip at init ng ulo. Sorry na talaga" sabi ko, nahihiya ako sa kanya. Nilunok ko ang pride ko with rice maka-sorry lang sa kanya.

"Kung ganoon, pinapatawad na kita" at ngumiti sya. Gumaan na ang pakiramdam ko. Ayos, yun pala epek nun? Galing parang magic...

"Buti naman ayos na kayo?" sabat bigla ni Roger

"Tumahimik ka nga dyan Roger" sabi ni Kat, medyo dumistansya na muna ako sa dalawa. Mukhang magsisimula nanaman kasi ng bangayan eh? Ayoko pa naman ng maingay. Sa kakadistansya ko sa kanila may nasanggi pala ako.

JANE'S POV
Naglalakad kami, kaso may naramdaman akong parang nakasanggi sakin. Napatingin ako, ang mayabang na ito. Pa-epal talaga, feeling ko beastmode na ako agad.

"Anu ba yan ka-lalaking tao ba naman pagka-gaslaw-gaslaw" sabi kong mataray at lumayo sa kanya. Feeling nya kasi nakakatuwa sya...

"Aba pasensya naman" sabi nya

"tss" lumapit na lang ako kay Aena. Kahit minsan di ko maka-sundo o di maka-sundo.

"Aena" sabi ko

"Bakit?" sabi nya

"Wala lang" sabi ko

"ahy? Jane ano nga pala pagka-balik sa Weslyn samahan mo ako ah?" sabi nya

"Saan? Bakit?" sabi ko

"Kailangan maging kami ni Lowel para masaya na ako" sabi nya, landi?

"Ah... Oo na lang" sabi ko

"Bakit may lang?" sabi nyang naka-taas kabilang kilay.

"OO NA PO. HAPPY?" sabay fake smile.

"May pagka-pilosopo ka pala? I like that. Mukhang magkakasundo tayo" sabi ni Aena.

"Baka nga?" sabi kong mahina

"May sinasabi ka?" sabi nya sa akin

"ha? Wala sabi ko maganda yan. Ayoko na kasi ng away. Oo, ganun nga?" sabi ko

"Okay" sabi nya sabay *tango... *tango..

Nagpatuloy ang paglalakbay. Biglang tumigil kami sa sa isang ilog. Napatingin kaming lahat kay Rachel, lahat bakas sa amin ang pagtataka. Anong ginagawa namin dito?

"Ganito po yan, bale tatawid tayo dyan." sabi ng bata

"Okay, game ako dyan" Sabi ni Mel

"Game, bakit laro na ito?" sabi naman ni Lei. Mga loko-loko talaga ang mga ito. Mga kalog eh ano?

"Papakahirap pa kayo, ako bahala" sabi ni Kim. Hinawakan ang tubig biglang na buo dito ang tulay na gawa sa yelo. Wow? Madulas dyan Kim...

"Wag kayong mag-alala di kayo mahuhulog dyan" sabi ni Kim at tumawid na. Binilin pa sakin si Rachel. Pambihira naman e, imbis na happy-go-lucky na eh. Naging baby sitter pa ako? Galing kasi ni Kuya Von eh, kasi walang sakit.

_______________________________________________________________

thank u 4 reading. Thank u po for supporting may story kahit medyo errors. Pero siguro this x-mas makaka-UD ako. Kasi mabilis ang Wi-Fi ng tita ko. HAHAHAHA!

Magic SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon