Jane's POV
Light bulb! Alam kong mali ito, pero may kailangan lang akong malaman na isang bagay. May gusto akong itanong sa isang dyosa ng mahika... Matatagpuan sya sa gitna ng gubat na malapit sa bayan ng Hervisia. Alam kong malayo, pero kaya ko ang ganoon. Kaya kong lakbayin yun...
Nalaman ko ang dyosa ng mahika dahil sa libro na pinag-agawan namin ni Roger, salamat sa kanya... Pero badtrip talaga ako sa kaniya. Hihintayin ko na muna na ang lahat ay tulog at walang makakakita sa akin, maski ang guard.
Matutulog na muna nga pala ako, 6 pm pa lang naman eh? Kakain na ako pagka-gising ko. Tsaka magbabaon na rin ako ng kakailangan ko mamayang hating gabi. I need to escape, importante para sa'kin ang marating ang temple of magic. Sabi kasi sa libro, masasagot ng dyosa ang bawat katanungan mo. Hindi kasali yung pang-jologs na tanong ah?
Mel's POV
Andito ako ngayon mag-isa sa labas ng dormitory building namin, alam nyo ba na ang boring pag-walang tao. Halos maghahating gabi na nga ata eh? Napansin ko na may tao dun sa isang hallway na nag-lalakad. Teka? Si Jane ba yun? OO NGA! Si Jane nga, pero question ah? anong ginagawa nya sa gorund hallway.
"Jane" tinawag ko sya, napansin ko na para bang may iba sa kanya.
"Bakit? Mel? Anong ginagawa mo dito?" sabi nya na tila ba kinakabahan na...
"Ikaw dapat ang tanungin ko nyan, anong ginagawa mo dito? " sabi ko, nakakpagtaka naman? Di ba dapat tulog na ang tomboy na ito, este boyish lang...
"Wala, sige bye" sabi nya at umalis na. Napakamot naman ako, gabi na di ba? Saan naman sya pupunta dis-oras na kaya ng gabi. Ano ba yan Jane, bahala ka nga dyan.
Nag-punta na muna ako sa field malapit sa gate, humiga ako sa maliliit na damo at tumitig sa buwan. Ang ganda naman ng gabing ito, sana walang epal sa magagandang moments sa buhay ko. Kasi yan ang ayaw ko eh? Hahaha!
Papikit na ang aking mga mata ng mahagip ng paningin ko ang isang tao na inaakyat ang pader ng school. Wait ?What!? Loo yun ah? Labag ang ginagawa nya, pinuntahan ko sya. Nakita kong si Jane nga... Pero ano naman ang dahilan nya para lumabas ng paaralng ito, pwede namang humingi ng permit sa school? O sa headmaster?
"Jane!" sigaw ko
Napalingon sya, at binilisan pa ang pag-akyat... Tumakbo ako, nung makarating ako sinabi ko na masama ang ginagawa nya at labag yun sa batas ng paaralan. Pero sabi nya...
"Hindi! May gagawin akong mas importante pa sa buhay ko, kaya hayaan mo na ako. Wag kang maingay, kaya ko ang sarili ko bugok!" sabi nya at tuloy sa pag-akyat. Wala na pa namang ibang tao sa paligid. Paano kung mapag-tripan sya ng mga tulisan dyan sa daan, wala pa naman ang charm nya? O wala syang charm. Prangkahan na...
"Sasama ako..." sabi ko
"Wag ka nang sumama, madadamay ka pa sa parusang maahatol sa akin" sabi nya, pero pasaway ako eh?
"Hindi! Sasama ako sayo, maano ka pa dyan eh?" sabi ko, umakyat na ako. Nakababa naman kami ng mabilis, dahil sanay ako sa mga ganitong gawain.
____________________________________________________________________________________
Thank you po for supporting may story.
BINABASA MO ANG
Magic School
FantasyMay 10 ordinary teen's ang naka-takdang mag-liligtas sa mundo ng mahika laban sa kaaway. Sila ang mag-sisilbing ilaw, ang mga kabataang sa paningin ng iba ay pasaway, at mga loko...