Lumabas ang dalawa sa paaralan, walang sino man ang nakaka-alam sa kanilang ginawa. Agad na nag-lakad ang dalawa palayo upang makabilis marating ang nasabing lugar. Pero kahit bilisan nila may mga kapahamakan na pwedeng humadlang sa kanilang dal'wa.
"Baka hinahanap na tayo sa Weslyn?" sabi ni Mel na tila nag-aalala sa mga mangyayari sa kanila.
"Hindi yan. Wait? Pagod ka na ba? Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, sabi ko sayo eh wag ka nang sumama" sabi ni Jane na napasapo sa noo...
"Hindi naman, nag-aalala lang ako kung anong mangyayari sa atin. Jane, bago ka sa lugar na ito... Alam ko yun, hindi mo pa alam ang mga sistema dito" sabi ni Mel
"So? Sinasabi mong hindi ko kaya ang tumayo mag-isa. Mel, I will prove that I can stand by my own feet. Bakit ba ang bakla-bakla mo ngayon?" sabi ni Jane
Napa-buntong hininga ang binata at pilit na pinakalma ang sarili, baka dahil sa inis pwede niyang masaktan ang kaibigan niya. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakbay, narating nila ang isang nayon, ang nayon na ito ay kilalang Nayong Masagana ang tawag sa lugar na ito...
"Ano ang lugar na ito? Bakit naman napaka-old fashioned nila? Ang bahay nila gawa sa dahon ng niyog at bakit ni-isa walang lumalabas sa kanila? At parang hayop na takot na takot sa mga tao?" sabi ni Jane
"Jane, akala kasi nila kalaban tayo at mga tulisan." sabi ni Mel na ipinaiintindi sa dalaga...
"Ganun? Kung makipag-kilala tayo at makipag-kaibigan? Hindi naman bawal..." sabi ni Jane na may nakakalokong ngiti, hinawakan nya sa damit si Mel at lumapit sa isang residente ng Nayong Masagana.
"Maganda pong umaga" sabi ni Jane sa babaeng nag-wawalis ng harap ng kanyang bahay.
Tiningnan siya nito mula hanggang paa, sinuri pati ang mga mata. Sa pamamagitan nun, nabasa nya ang saloobin at hangad ng dalaga. Ngumiti ito, lumapit siya kina Mel. Hindi makapaniwala si Mel dahil nilapitan sya ng babae.
"Magandang umaga din sa iyo iha, anong dahilan ba't naririto?" tanong nito
"Nais ko pong makipagkaibigan sa inyo, ako nga po pala si Jane at sya ang aking kaibigan na si Roger." sabi ni Jane
"Magandang umaga Mel" sabi ng babae
"Bakit po sila parang takot sa amin?" sabi ni Jane
"Tara tumuloy na muna kayo sa bahay ko... "
Pumasok sila sa isang barong-barong na maliit, ipinaghanda sila ng babae ng makakain. Pero nakita ni Jane ang isang bata na naka-tingin sa kanila...
"Tawagin nyo na lang akong Ate Merlinda" sabi ng babae, napansin nito na nakatingin si Jane sa isang bata na nasa pitong taong gulang.
"Sino po sya?" sabi ni Jane
"Mahilig ka pala sa bata?" sabi ni Mel habang kumakain at nagri-revolution na ang tiyan niya...
"Porke tinanong lang mahilig na agad sa bata? pwedeng gusto lang malaman?" sabi ni Jane
Napangiti ang babae at tinawag ang bata na naka-tago sa likod ng kurtina...
"Sya ang bunsong anak ko na si Linda, 3 lahat ang anak ko. Yung panganay ko nangangahoy, at ang pangalawa ko naman tulog pa yata?" sabi ni Ate Merlinda
"Talaga po? Anong pangalan mo?" Tanong ni Jane sa bata
"Ako po si Linda" sabi ng bata
"Ang ganda naman ng pangalan mo, pwede ko ho ba syang laruin?" Sabi ni Jane, tumango ang babae at tumungo sa kusina.
"Mahilig ka ba sa matatamis?" sabi ni Jane
"Hehehe, opo. Paano niyo po nalaman?" sabi ni Linda
"Ewan ko..." sabi ni Jane
Habang may nilalarong bata si Jane, may napansin si Mel. Isang enerhiya na galing sa labas ng bahay, malakas ang pakiramdam ni Mel at natural yan bilang protector ng paaralan nila... Lumabas sya at sinundan ang enerhiyang yon.
____________________________________________________________________________________
Thank you for reading my story, and thank you po sa mga supports natin ah?
I'm sorry talaga mga readers kasi mabagal talaga na si Author pag nag-a-update. Babawi ako sa tamang panahon....
BINABASA MO ANG
Magic School
FantasyMay 10 ordinary teen's ang naka-takdang mag-liligtas sa mundo ng mahika laban sa kaaway. Sila ang mag-sisilbing ilaw, ang mga kabataang sa paningin ng iba ay pasaway, at mga loko...