Roger's POV
Feelingera yun ah? Akala nya hahalikan ko talaga sya? Sinuswerte nya, panget nya kaya! Tapos sinipa pa ako sa maselang parte ko. Loko yun? Gusto ko lang naman itanong kung bakit sya pumatol kay Aena eh?
"Tulala ulit?" sabi ni Mel
"Inlove" Naka-ngiting sabi ni Von at na-upo sa harapan ko.
"Hindi kaya..." sabi ko
Nag-kwentuhan kami tungkol sa mga walang kwentang bagay, hindi ako makasabay sa kalokohan nila kasi mga baliw na ata ang mga ito? Salaysay ni Von nakagat na daw sya ng 3 beses ng aso at muntik nang mabangga ng jeep. At si Mel naman laging nakikipag-away sa arcade at troublemnaker hindi na nga nya mabilang kung ilang beses na sya nakipag-away eh....
"Eh ikaw?" sabi nila sabay tingin sakin
"Ha? Ako? 2 beses pa lang ako gumawa ng gulo" sabi ko, yun ang naalala ko eh?
"Ano?" sabi ni Mel
"Sounds like a gay" sabi ni Von
"Yung una, nakipag-away ako kasama ang mga kaibigan ko.
"At yung pangalawa naman, naaksidente ako. Nahagip kaya ako ng tricycle" sabi ko. That's the truth wala ng iba!
"Malupet din" sabi nila
Maya-maya nagsi-balik na kami sa klase namin, nakita ko si Jane sa loob ng room kaso hindi nya ako napansin. Mas tinitigan ko sya hindi naman nya alam eh, kaso biglang nag-slow motion ang paligid at pakiramdam ko tumigil ang oras. Anyare sakin? Hindi ko mabaling sa iba ang tingin ko. Ano toh?
"Roger" sabay may humawak sa balikat ko
"Huh? Ano?" Napalingon tuloy ako.
"Uupo ka ba?" sabi ni Lei
"Oo naman" sabi ko at na-upo, umupo sya sa katabing upuan ko at may nilabas na libro. Ano bagong babasahin?
"Nu yan?" sabi ko
"Ito ba? Napulot ko sa auditorrium" sabi nya ng mahina
"Bakit parang bumubulong ka?" sabi ko
"Kasi dapat hindi nila malaman" sabi ni Lei, mukang luma ang libro. Kulay brown sya na may... Walang pamagat? May libro bang ganoon? Sino naman kaya ang author na mag-susulat ng libro na walang title. Makapal ang libro at para sakin ang boring netong basahin.
"Bakit naman?" sabi ko
"Sayo muna" sabi nya at binigay sakin
Napatingin ako kay Jane na halatang iritado sa mga katabi nya, maiingay kasi ito at kung anu-anong ka-weirduhan ang ginagawa. Kawawa ka naman.... Nakita kong napa-baling sya ng tingin sakin, kaya naman nagka-titigan kani kaso 2 seconds lang or whatever kasi hindi ko kayang titigan ang mata nya.
Natatakot ako na baka makatitigan ko ulit sya kasi may nararamdaman talaga ako na hindi mapaliwanag. Ano ba yun? Yung una nasobrahan ako sa kape, ngayon naman takot ako sa mga mata nya.
____________________________________________________________________________________
Jane's POV
Naka-tingin sakin si Roger at alam ko yun, baka naman pagti-tripan nya ako? Subukan nya lang kundi sasapakin ko sya at isa pa babalatan ko sya ng buhay eh? Sya ang nagpapainit ng ulo ko. Laging bumabasag sa araw ko at higit sa lahat sinisira nya ang trip ko...
"Duwag ka pala sa titigan eh?" bulong ko
"Ano yun teh?" Sabi nung katabi kong baklita, sabatera at echosera ka ah?
"Wala" sabi ko na lang
Papalipat nga ako ng upuan kina Celeste... Kakausapin ko si Ms. nakalimutan ko ang pangalan ng teacher kong mataray.
Natapos ang klase, lahat ay nagsi-labas at bumalik sa mga dormitoryo nila kaso ako heto take a breath! Kakapalan ang muka para malipat ng upuan...
"Ma'am" sabi ko
"Yes, Ms. Clarkson" aba't diniin talaga ang apilyido ko, iniinis ako neto ah?
"Magtatanong lang ako kung pwede magpa-lipat ng upuan?" Sabi ko
"Oh yes" sabi nya
"kaso ako ang mamimili, tsaka sakto Ms. Clarkson babaguhin ko naman kasi talaga ang seating arrangement nyo eh? Buks na bukas" sabi nito
"Okay, bye" sabi ko at lumabas na ako
"Ah, Wait." sabi nya, humarap ako sa kanya
"What?" sabi ko
"Ano nga pala ang charm mo? Kasi ikaw na lang ang wala sa record ko eh na walang... charm" sabi nito
"Wala" at lumabas na ako, sumagi nanaman ang katunangang gustong matanong ko. Pupuntahan ko sila daddy
____________________________________________________________________________________
To be continued po...
Thank's :)
BINABASA MO ANG
Magic School
FantasyMay 10 ordinary teen's ang naka-takdang mag-liligtas sa mundo ng mahika laban sa kaaway. Sila ang mag-sisilbing ilaw, ang mga kabataang sa paningin ng iba ay pasaway, at mga loko...