PART 51: New Lives (the last part)

1.8K 36 2
                                    

KIM'S POV
Ilang taon na ang nag-daan pero parang kahapon lang nangyari ang pinaka-malungkot na araw sa buhay ko. Hindi ko matanggap ang lahat ng 'yon, lahat kami ay nagbagong buhay na. Marami ang umalis at mawala pero naniniwala ako na may darating na bago.

"Kim, tara na... Baka maiwan ka ng eroplano nyan" sabi ng mommy ko. Lilipat na ako sa ibang branch ng Weslyn Academy.

"Babalik ako" bulong ko sa hangin, naiiyak ako. Lungkot na lungkot ako, wala na ang mga protectors. Nabuwag na kami, pero may good news naman. Hindi nakuha ni Deborah ang gusto nya dahil may isang tao na sinakripisyo ang lahat para sa bayan nya. Jane...

"Baby tara na" sabi ni mommt, napalingon ako sa kanya at ngumiti. Sumakay na ako sa kotse at dun na bumagsak ang luha ko.

"Kim, move on... Mawawala din ang sakit nyan, marami ka pang kailangang gawin sa buhay mo. Mat darating din" sabi ni mommy bago pinaandar ang makina ng kotse..

Yes, tama siya. Pinipigilan ko ang sarili ko na maalala ang lahat ng pangyayari hanggang sa nakatulog ako.

ROGER'S POV
Pansamantalang titira muna ako sa bahay ng mga grandparents ko. Doon na muna ako oag naka-move on na ako, magpapalamig lang ako. Pero babalik din naman ako sa tamang oras. Hindi ko naman sila iiwan, papalipasin ko lang ang panahon. Ramdam ko hanggang ngayon ang lungkot, yung maalala mo yung mga masasayang pangyayari nung kasama mo sila. Masasayang pangyayari na hindi na pwedeng maibalik.

"Apo, Roger mag-almusal ka na muna" Tawag sa akin ni Lolo Steve sa labas ng kwarto ko. Nakatulala ako sa buong paligid, naninibago ako pa ako.

"Andyan na po" sabi ko

Tumayo na ako kahit tinatamad akong kumain. Pero kailangan ko talagang gawin ito, titira na muna ako dito hanggang sa umayos na ang lahat.

Lumabas na ako ng kwarto, tumingin sa paligid tsaka humakbang pababa sa hagdan. Nakita ko si Lola at Lolo sa dining area na hinihintay ako.

"Apo andyan ka na pala, maupo ka na dito" sabi ni Lolo, naupo ako sa tabi nya

"Apo may problema ka ba?" Sabi ni lola

"Wala po" tsaka pilit na ngumiti, sa totoo lang napaka-lungkot ko.

Kumain na kami, pagkatapos noon tutulong ako sa lolo ko na magtabas ng damo sa bakuran. Tapos pagsapit ng hapon magpapakain naman ako ng mga alagang hayop.

CELESTE'S POV
Umuwi na muna ako sa lola ko, doon sa earth. May kaya kami, malaki ang lupain namin at mayroon kaming sariling kompanya ng mga telang ginagawang mga damit.

"Hey ate... Grandma wants to see you" sabi ng kapatid ko, sya si Catherine. 6 years old pa lang sya, sa pangalan nya naaalala ko ang isa sa mga kaibigan ko. Naluluha ako habang nakatingin sa kanya..

"Ate? Bakit naiiyak ka na? Do you have problem?" Sabi nyang nag-aalala

"Walang problema si Ate. Come on, imagination mo lang yun" sabi ko tsaka lumakad na. Alam kong nagtataka sya, hindi nya kasi alam ang nangyari sa akin. Tsaka sa pagpatak nya ng 13 years old baka papasukin na din sya sa Weslyn.

Nakita ko si lola sa sala, nakaupo sya sa sofa at umiinom ng tsaa nya. Napabaling ang tingin nya sakin at sumilay ang magagandang ngiti sa labi niya.

"Iha you're here" sabi nya tsaka tumayo para salubungin ako.

"Good morning Grandma" sabi ko sabay nag-beso sa Grandma ko. Ako ang pinaka-paboritong apo ni Grandma. Ewan ko ba kung bakit?

"Iha magmo-mall kami ngayon ng little sister mo, sasama ka ba? Lagi ka na lang nagkukulong dito sa mansion" sabi ni Grandma.

Magic SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon