Roger's POV
Parang shonga ang bruhang yun? In Jesus Christ daw? Tapos namumutla, parang nakakita ng multo o maligno sa school namin. Isa lang naman ang maligno sa school na 'toh? Sya! Kainis ang bruhang yun, sarap grrr... Basta hindi ko masabi, ang init ng dugo ko sa kanya. At ngayon misyon ang subject nila...
"Talasan nyo ang pakiramdam" sabi ni Jay habang tumitingin sa paligid. Sabi kasi ni Mr. Blue mararamdaman naman daw yun... Wag lang tanga. Tama naman sya, COMMON SENSE lang naman ang kailangan sa lahat ng bagay di ba? :)
"Wait, hahasain ko lang" sabi ni Mel. Baliw!
*Kutos...
"Aray!" Daing ni Mel
"Pano, ikaw kasi eh? Porke sabi ko talasan, hasa agad?" sabi ni Jay
"Pwede purol muna?" sabi naman ni Von
""Isa ka pa!" sasapakin sana kasi inawat na namin ang loko, napaka-beastmode neto ngayon.
"tama na yan!"
Andito kami sa cafeteria at parang mga mokong na detective kahahanap sa isang myembro namin. Parang wala naman kasi dito ang isang ka-grupo, kainis!
"Roger, focus." Sabi ni Von, si Von kasi ang pinaka- leader dito. Second in command lang si Jay, kawawa naman at ako? Wala! Mas kawawa huhuhu... :(
"Di pa ba tayo kakain?" sabi ni Lei
"Maya-maya na" sabi ni Celeste
Salamat! May nag-salita din sa mga babae...
"Nasan si Jane at Shyra?" sabi ni Aena
"Abay'y ewan ko? Kasama nyo naman lagi yun eh?" sabi ni Mel
"Malalaki na yun" sabi ko
Sumang-ayon naman sila, nag-patuloy kami sa pag-hahasa ng pakiramdam. Aminin ko si Jane nung una pa lang nakitaan ko sya ng SHARP SENSES . Kaso bruha, ayoko sa kaniya. Mas gusto ko si Megan...
"Roger! Hoy! Wag mag daydreaming... " sabi ni Catrina, alam kasi nya na si Megan lang ang gusto ko since nung dumating ako dito.
"Di kaya... hmmp!"
Shyra's POV
"Sama ako" pangungulit ni Jane, sama daw sya mag hatid sakin. Akala ko naman sa bahay namin, baka hindi sya mag-tagal dun eh?
"Okay, makulit ka eh?" sabi ko
Pumunta na kami sa kakahuyan kasama si Mr. Blue at Headmaster. May isang spell na binaggit si Headmaster at ay isang kakaibigang portal ang lumitaw, namaalam ako dito at nangako ako na babalik ako.
"Bye!" kaway pa ni Jane
Alam ko na nalulungkot sya, masasabi ko na tunay na kaibigan sila. May tinatagong bait kaso takot ipakita dahil baka may dahilan na malalim... At sa totoo lang, ngayon pa lang miss ko na sila. Mas pinili kong hindi na magpa-alam ayoko kasing nakikita na malungkot sila. Napamahal na ako da kanila kahit ilang linggo pa lang ako dito.
ito lang ang masasabi ko, SALAMAT MGA KAIBIGAN...
Von's POV
Andito kami ng barkada sa hallway at napansin ko ang bulletin board sa pader kaya nilapitan ko ito. Chineck ko ang events, wala naman. Pero may isang taga-office ang lumabas at may dinikit, kasunod nya ang mga ibang students na parang nakawala sa hawla. Ano nanaman toh?
"Mabuti pa umalis na tayo, andyan na ang mga ibang students baka magaya kayo sa akin" sabi ni Roger
"Ako bahala" Sabi ni Lei at biglang nawala kami napunta kami sa field.
"Nice!" tapik ko sa balikat ni Lei.
Nakita namin si Jane at sila Headmaster na galing sa... Garden? Anong ginawa nila doon? May himala bang nangyari doon at nasaan si Shyra? Anak naman ng lechon oh?
"Mr. Blue " sabi ni Catrina
"Nasan si Shyra?" Mukang napansin din ni Aena na wala nga si Shyra kanina pa. Uli ko syang nakita sa hallway.
"H-huh?" Si Jane
"Bakit? Nangangatal?" sabi ni Mel
"Wala..." sabi ni Jane, Jane is weird!
"Parang may mali?" sabi ni Jay
"Aha! Nabasa ko na!" sabi ni Roger
"Ang alin? Yung libro na pinapabasa sayo ni Sir Torres? " Sabi naman ni Celeste
"Hindi! Ang utak nya" sabay turo kay Jane
"Sabi nya sa loob nya, umalis na si Shyra at dapat hindi nya ipaalam" sabi ni Roger, napasapo naman sa noo si Jane. Shonga kasi eh? Hindi marunong mag-lihim. At natural sa kanya ang hindi marunong magsinungaling.
____________________________________________________________________________________
Wag mag-sinungaling! Ilugar naman, kung sa kapakanan ng mabuti okay lang sana eh? Wag lang sa kasamaan... Okay? Orayyt?
Thank u po sa nag-read ng story
And anyway, thank you to blakckdragonbutterfly for voting my story. God Bless you and thank you so much. At thank you po sa mga nag-follow sakin kahit newbie ako... Muah... Muah... Tsup... Tsup... :) Including silent readers po...
BINABASA MO ANG
Magic School
FantasyMay 10 ordinary teen's ang naka-takdang mag-liligtas sa mundo ng mahika laban sa kaaway. Sila ang mag-sisilbing ilaw, ang mga kabataang sa paningin ng iba ay pasaway, at mga loko...