Part 30: Hide

1.4K 42 0
                                    

Daniel's POV

Nagpakilala ang weirdong nilalang na ito bilang Gazer, siya daw ay ang tagapag-bantay ng ilog dito sa lugar na ito. Kaya naman halos patayin niya ang mga kasama namin mabantayan lang ang ilog nila... Well, inyong-inyo na ang ilog na ito.


"Bakit mo naman tinawag na prinsipe't prinsesa ang dalawang yan?" sabi ni Aena


"Hindi niyo ba nararamdaman?" sabi ni Gazer


"Ang alin?" sabi ni Mel


"Ang pagdaloy ng dugo nila bilang mga maharlika, ang kanilang kapangyarihan..." sabi ni Gazer, nagtataka naman ako sa isang ito kasi parang ang dami niyang alam sa magkapatid, eh ngayon nga lang namin siya nakilala?


"Ah... Ganun ba yun?" sabi ni Celeste


"Bakit parang ang dami mo na mang alam sa dalawa?" sabi ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko...


"Dahil----" isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong gubat o paligid... Ano naman kaya ang tunog na iyon?


"Ano yun!?" sabi ni Kim, wow! Kimverly don't panic...


"Kubli!" Malakas na sabi ni Gazer at tumakbo patungo sa isang yungib na hindi kami makikita. Sinudan siya nila Aena na kasama si Catrina. Nakita namin ang isang napaka-laking nilalang, ang panget nya! Grabe! Para syang pinaghalo-halong bato na may iba't ibang uri...


Catrina's POV

Nakikipag-laban ang mga lalaki sa isang hindi ko alam kung anong klaseng halimaw o nilalang ang kalaban nila, nakakatakot sya at talagang titindig ang inyong mga balahibo... Maya-maya pa, napatumba na nila ito.


Sa isang yungib na kami nagpalipas ng gabi kasama si Gazer. Malapit lang naman ang ilog sa yungib at kita sa isang butas ang yungib. Ito raw ang madalas taguan ni Gazer kapag may isang nilalang na nag-wawala sa nasabing lugar...


"Heto, kumain na kayo" sabi ni Gazer na naka-ngiti. Napatingin kaming lahat sa lapag, ito ay tilapia na pinrito... Kumain na kami, ang nag-sisilbing kanin namin ay ang mga prutas. Can you imagine kung anong lasa ng pinagsamang prutas at tilapia... Hahaha! Pero masarap sya, hindi rin sya masama sa katawan. May benefits din naman tayong nakukuha sa mga gulay at prutas...


"Salamat..." sabi ni Jay sabay dighay... Obvious at patunay na busog na busog na siya...


Kinaumagahan, nagpaalam na kami sa aming kaibigan na si Gazer na tagabantay ng ilog. Dahil kailangan na naming makarating sa kaharian ng sagot.


"Paalam..." Pagpapaalam ng bawat isa sa mabuting kaibigan.


Sumakay kami sa isang parang kariton pero may makina sya para umandar ang sasakyan na ito. Ayos naman ang paglalakbay pero pagdating sa Serifina Trees, o mas kilalang Queen's Garden. Kaya daw itong tinawag na Queen's Garden o Serifina Trees dahil sa napakaraming puno sa paligid at may mga iba't ibang uri ng mga halaman, bulaklak atbp.


___________________________________________________________________________________


Thank you for reading guyys... Today is October 1, 2015. GOODBYE SEPTEMBER! HELLO OCTOBER... Tataba ako ngayong oktubre, dahil marami ang kaibigan at kamag-anak na pinanganak sa buwan na ito.


Ang kulit di ba? Kasi ako may pagka-matakaw ako, hindi na ako nagpapabebe sa pagsubo ng pagkain kasi nakatingin si Crush. Basta pag ako gutom, garapalan na yan! Ako pa?


Magic SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon