Chapter 11

20 3 3
                                    

Hi mga Brad!!!! Kanina habang may ginagawa ako may na isip akong plot at sana di ko makalimutan ..

Enjoy Reading mga Brad!!

============================

Umayos agad ako ng tayo kasi nakakahiya yung posisyon namin.

"Ivo" sabi nung babaeng nasa mid 50's na yata at lumapit kay Ivo niyakap.

Ako naman nakatayo sa gilid at tinitignan lang sila at bigla akong napatingin dun sa batang baliw na nakatawa at lumabas agad.

Bwesit na bata talaga yun, may araw din yun sakin.

"Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?" tanong nya.

Di ako makapagsalita dahil sa sinabi nya nang magsalita sya ulit na labis na ikinagulat ko.

" Ako ng pala ang mommy ni Ivo. Buti at nakahanap na din sya ng babaeng mamahalin nya at ang ganda pa" nakangiti niyang sabi tapos niyakap agad ako.

Tinignan ko si Sungit pero parang sinasabi nya sakyan ko nlang muna ung mga pinagsasabi ng mommy niya kaya ayun niyakap ko nlang din. Kita ko naman kung gaano ka saya ang mommy niya at si Ivo din, ngayon ko lang sya nakitang nakangiti habang tinignan ang mommy niya.

Kung wala siguro akong pasok ngayon, di siguro ako makaka uwi kasi panay ang pagkukwento nung mommy ni Ivo sakin at kung ano-ano pa. Di na sana ako kakain sa kanila pero ayaw pumayag ng mommy nya yun nlang daw kasi aalis na naman ako. Mabait naman ang mommy nya at masarap din kausap.

Kelangan ko ng umalis baka malate pa ako kaya ayun hinatid ako ni Sungit.

Habang nasa sasakyan kami panay ang ngiti ni Sungit at parang ang saya-saya niya.

"Sophie, pasensya kna sa mommy ko huh? Gusto nya kasing magkaroon ng anak na babae kaya ganun nlang sya kung makareact nung nakita ka nya" sabi ni Sungit habang nakatingin sa daan.

"Ano ka ba, ayos lang yun noh!!" nakangiti kong sabi.

"Sophie" tawag ni Sungit sakin kaya napalingon agad ako.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?" sabi ni Sungit.

Di ako makapaniwala sa sinabi nya. Gusto nya akong maging girlfriend? Anong isasagot ko? Di pa ako ready.

Paglingon ko sa kanya, nakatingin pala sya sakin at di ko maiwasang mamula.

"A-ano yun?" tanong ko ulit baka kasi mali lang ang pagkarinig ko.

"Sabi ko, pwede ba kitang maging girlfriend?"

============================

Thank you!!!

Scared of fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon